Destiny Two

23 0 0
                                    

Jasmine's POV

Pumunta ako sa table at tinanong kung anong order nya pero iba ang sinagot nya.

"So, he was the one you're talking about? My girlfriend?" Maloko syang nakangiti sa'kin habang nakaturo sa lalaking bagong pasok lang.

"Malay ko ba, tsaka order nyo ang pinunta ko dito 'di ba?"

"Hi Miss, I'm Jack Clein, and you are?" Sabi ng kasama nya.

"I'm--" Sasagot pa lang sana ako kaso nangialam naman ang lalaking 'to.

"Her name is not interested, couz haha."

"Anong sinabi mo?!" Inis kong sabi. Konti nalang hindi na 'ko makakapagtimpi dito eh!

"What? 'Yon ang sinagot mo sa'kin kanina no'ng tinanong ko ang pangalan mo 'di ba?" Maloko syang ngumiti. Sinamaan ko sya ng tingin pero parang wala lang sa kanya.

"Argh! Pinapainit mo ang ulo ko! Minnie!" Inis kong tawag sa baklang malandi.

"Yes, Jas?" Malandi nyang tanong pagkalapit sa'min.

"Ikaw nga ang mag-serve sa mga 'to, umiinit ang ulo ko sa pakialamerong 'to!"

"Oh bakit mo ipapasa sa kanya ang pagse-serve eh ikaw ang gusto ko?"

"Pwede kong ipasa ang pagse-serve sa kahit sino dito because I am the head waitress here." Confident at mataray kong sagot sa kanya.

"Eh paano kung sabihin kong gusto kong makausap ang manager mo?" Mayabang nyang tanong.

"Eh paano kung sabihin ko rin sa'yong wala dito ang tito ko na manager na hinahanap mo?" Ngumiti ako ng mapang-asar. "Wala akong panahon makipagbiruan sa'yo, so if you'll excuse me, I have to go." Sabi ko at pumunta na sa kusina.

Yes, ako ang head sa mga waiter at waitress dito at tito ko ang manager, kapatid sya ni Papa. Malakas din ako sa may-ari nito, super close kami, as in.

Nakakainis ang lalaking 'yon, akala mo kung sinong gwapo tsk. Hindi ko na inabala ang sarili ko sa kanya at  nagluto na ako ng ulam, tatlo sa menu ang toka sa'kin dito na lutuin kasi gusto kong nagluluto. Ang chicken curry, beef steak, at caldereta.

Matiwasay na nga akong nakapagluto ng menu ko at hindi na ako inistorbo ng lalaking 'yon hanggang sa matapos silang kumain at umalis na ng tuluyan.

Three o'clock umuwi na kaming mga day shift, maliban sa manager at mga chef. Hanggang six o'clock sila pagkatapos nilang magluto ng mga pulutan para sa bar naman, nasa first floor 'yon. Itong resto kasi nasa second floor, mamayang nine o'clock ang balik ko para sa night shift. Ako ulit ang nagpumilit no'n, I want to keep myself busy as much as I can. Why? Because I'm hoping that one day, sa sobrang busy ko, hindi ko na sya maiisip.

Masakit kapag iniwan ka na lang bigla, yung pinagpustahan ka lang pala dahil sa walang kwentang bagay. Wala naman akong pagkukulang. Lahat ginawa ko para sa kanya, hari sya kung ituring ko, binigay ko sa kanya lahat, maliban sa bataan ko.

Akala ko masakit na yung hulog na hulog ka na tapos wala palang balak na saluhin ka pero mas masakit pala yung akala mo mahal ka pero hindi pala. Pinaasa ka lang, pinagmukha ka lang tanga.

Sa two years naming magkarelasyon hindi nya man lang ako minahal, oh 'di ba? Ang sarap i-flush sa inidoro yung mga gano'ng tao. Sinayang ko lang ang dalawang taon ng buhay ko sa kanya, kaya ayoko na maniwala sa destiny na 'yan. Dahil dyan nasayang ang two years ng buhay ko, peste 'yan.

Nakarating ako ng bahay pero wala si papa. Siguro nasa sabungan nanaman, kawawang mga manok, lagi nalang silang pinag-aaway.

Ako nga iwas na iwas na mag-away kami dati eh.

Tsk, makatulog na nga.

**

*Cellphone ringing*

Nag-alarm ang phone ko, meaning eight o'clock na, may isang oras ako para mag-ayos ng sarili. Kinuha ko ang uniform ng bar, isa 'tong plain white t-shirt at short shorts na black, simple lang para hindi bastusin ang dating. Tapos white shoes at five inches na haba ng medyas, halos kalahati ng binti ko ang sakop nito.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at ni-lock na ang bahay, may duplicate naman si Papa eh.

Sumakay na agad ako ng trycicle, pagdating ko sa restobar wala na sila chef, pero nandito na si tita. Ang tumayong nanay ko no'ng maulila ako.

Sya si Mrs. Maiden Moshimoto Montes, half filipino half japanese. Kompleto na rin ang night shift, dalawang waitress at tatlong waiter.

Dalawa ang trabaho ko dito, pero ako parin ang head nila.

Taga-serve na 'ko at kumakanta rin, depende sa request ng customers. May banda na kasi kami dito at kasama na do'n ang Dj, kapag midnight na do'n na magsisimula ang disco music.

Magkaiba ang employee sa resto at sa bar. Open ang resto ng 7am to 5pm tapos 8pm to 5am naman ang oras ng bar, may time interval para makapag-ayos pa at ma-set-up ang mga kailangan.

Dumeretso 5 ako sa kusina. "Okay ba ang lahat? Magbubukas na ang bar maya-maya." Sabi ko sa mga waiter at waitress.

"Okay na po, Head Jas." Sagot ni Matthew isa sa mga waiter. 'Yan ang tawag nila sa'kin, pero pag nasa resto ako Jas lang ang tawag sa'kin do'n.

"Good. Ang M5 papunta na ba?" Yung banda ang tinutukoy ko, bakit M5? Eh kasi lima sila tapos puro M ang start ng pangalan nila. Malay ko ba sa mga 'yon, ang lalaking tao pero ang ikli ng napiling ipangalan sa banda nila.

"Oo daw po, Head." Sagot naman ni Tasha, waitress din.

"Okay. Marian, Dan at Phil, ayusin nyo mamaya ha." Maikling bilin ko.

"Yes, Head Jas." Nakangiti nilang sagot at nag-thumbs up pa.

Sa resto lang ako nagpapanggap na masaya, o ngumingiti. Pagdating dito sa bar, poker face na ako at halos walang emosyong mababasa sa mukha ko. Dito ko nailalabas ang totoo kong nararamdaman, dito lang ako nagiging totoo sa sarili ko. Dito ko lang hindi kailangang magsuot ng masayang maskara. Dito sa lugar na naghahalo ang malulungkot at masasayang tao.

Nung oras na para magbukas ang bar, nakaupo lang ako dito sa bar counter. Hinayaan ko lang na magpasukan ang mga tao.

"Hi Jas, how are you?" Tanong sa'kin ni tita at tinabihan ako sa stall.

"I'm not fine tita, and you know that." Mapakla akong ngumiti ng bahagya.

She taps my shoulder and looks straight at the stage wherein the band is placing their things.

"Naaalala ko pa no'ng kumakanta pa kayong dalawa ni Jeric sa stage na 'yan, parehas kayong masaya at mahal na mahal ang isa't-isa."

Balik alaala nya, Jeric Montes, half filipino, half japanese. He was my first and last love, he broke me there, in front of his mother and in front of everyone.

*Flashback*

Masaya naming kinakanta ni Jeric ang "This I promise you." Ng Nsync na request ng custumers, magka-hawak kamay pa kami no'n.

Pero 'yon na pala ang huli naming masayang paghahawakan ng kamay dahil sa sinabi nya.

"Sorry kung hindi ko matutupad ang pangako ko." He paused and looked straight at me, I froze on my seat. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang sandaling 'yon.

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now