"Good afternoon Ma'am and Sir." Bati sa'min ng saleslady pagkapasok.
"Hanapan nyo sya ng babagay sa kanyang damit, yung mas lalong magpapaganda sa kanya." Maloko syang ngumiti at tumingin sa'kin.
"Halika Ma'am, i-try natin 'to." Sabi ng saleslady at pinasuot sa'kin ang white dress na akala mo ikakasal ako, yung totoo?
Pumunta ako ng dressing room at sinuot 'yon. Nang matapos, lumabas ako at pinakita kay Jay. As if judge sya na kailangan husgahan ang pananamit ko.
"No, hindi pa tayo ikakasal, hon." Nakatawa nyang sabi.
"Tse!" Sabi ko at inabutan ulit ako ng isang dress pa na color blue tapos close neck sya pero backless. Halos kalahati ng likod ko ang lumabas, kaasar.
"Eto?"
"Turn around please." Umikot naman ako. "No, that's too revealing." Hay mabuti naman, hindi ako komportable rito eh.
Bumalik ulit ako sa dressing room dala ang isa pang long black dress na may mahabang slit sa dalawang gilid na akala mo eh gusto yatang ipakita ang panty na suot ko.
"Jeez! That's so seductive, hubarin mo 'yan." Good. Naiinis na 'ko ha, kanina pa 'ko sukat ng sukat ng damit!
"Eh kung 'wag nalang kaya akong sumama 'no?!" Hindi nya ko pinansin at tumayo. Tumingin sya sa dress section, nang mahanap nya itinapat nya sa'kin 'yon. "Try this one, I guess that suits you very well."
Nakaismid kong kinuha yung dress at pumasok ako sa dressing room at pinagmasdan ang ito. Isang black mullet dress, oxblood toenails style. Off-shoulder sya at yung bottom part ay may mga silver beads design na kumikinang kada natatamaan ng ilaw. Sa harap ay hanggang kalahati ng hita ko ang haba, tapos mahaba ang likod nya. Hindi naman gano'n kahaba, sakto lang.
Eleganteng-elegante ang dating nito, parang nakakahiya na isang katulad ko lang ang magsusuot nito, napakaganda lang talaga.
Lumabas ako ng dressing room ng nakayuko, talagang nagagandahan kasi ako eh. Nagtaas ako ng tingin.
"Maganda ba? Okay na ba 'to?"
Nakita kong nakatulala lang si Jay, bakit, pangit ba sa'kin? Dapat ba palitan ko na 'to?
"Hoy! Ganto ba 'ko kapangit sa dress na 'to at ganyan ka kung makatitig?!"
"Mukhang nagandahan sya sa inyo ma'am." Sabi ng saleslady na katabi ko.
"A-ah sorry, i-it's perfect. Bagay sa'yo." Ba't nauutal sya?
Napangiti ako. "Talaga? Hay salamat naman akala ko magpapalit nanaman ako eh."
"Just wait here, I'm going to wear this." He's holding a black americana suit, wow. JS prom vibes? Natawa ako bahagya.
"You're lucky to have him Ma'am, ang gwapo nya." Sabat ulit ng katabi ko, ba't andito pa 'to?
"Tse! Mag-trabaho kana nga, landi mo." Nginusuan lang ako nito at nakatungong umalis sa tabi ko.
A few minutes more nakalabas na si Jay sa dressing room.
"Magkano 'to?" Rinig kong tanong nya sa counter.
"Twenty-five thousand pesos po, Sir." Twenty-five thousand na 'yon?! Walangya! Three months na panggastos ko na 'yon ah!
"Yung kanya?" Tinuro nya
"Fifty-five thousand po, Sir." Mas lalong nalaglag ang panga ko at dali daling tumakbo sa counter!
"Ano? 55k na 'to? Nako 'wag na huhubadin ko nalang 'to Jay, susmaryosep!" Tinawanan lang nya ako at hinawakan sa braso.
"It's okay, Honey." Ngumiti sya sa'kin at kumindat. "Here's my card." Ba't ko nga ba nakalimutang mayaman nga pala 'to. Wala na lang akong nagawa. Nang matapos na ang bayadan, palabas na sana kami ng botique ng tumigil ako.
"Teka lang ha." Bumalik ako sa counter. "Sabihin mo nga sa'kin Miss, ba't ganito kamahal 'tong damit na 'to? Ginto ba 'to?" Eh kasi hindi ako makamove-on sa presyo nito eh, nakakalula! Alam ko namang maganda 'to pero iba parin yung 55k 'no!
"No ma'am, lahat ng beads na nakalagay dyan is a real diamond. 'Yan na nga po ang pinakamura namin sa mga ganyang klaseng damit dito." Paliwanag nya.
Oh m g! Diamonds pala ang mga 'to! Kaya pala eh!
"Now you know Honey, shall we go? We're not done yet." Rinig kong sabi ni Jay mula sa likod ko, kulang nalang talaga ay bumagsak ang panga ko.
Sabi ko nga eh, magmomove-on na 'ko sa presyo nitong suot ko. Grabeng gastador naman ng lalaking 'to.
Pagtapos namin sa boutique, sa parlor naman kami lumipat na katabi lang naman.
"Oh Jay, is that you?" Malanding sagot ng isa ring baklush.
"Yes, Madison my dear. Meet Jasmine, my girlfriend."
**
Jay's POV
Inakbayan ko sya sa harap ni Madison, he's my gay friend way back in high school. Regular customer nya na 'ko sa parlor na 'to since then.
"Really? How about Jenny? I thought you were married already." Narinig namin ang pagtikhim ni Jasmine "Oh I'm sorry, Jasmine right?"
"Jasmine."
"Halika, akong bahala sa beauty mo. Lalo nating papalabasin 'yan." Sabi nya dito at pinuwesto na.
Umupo ako sa sofa dito, 7pm ang start ng party, 5pm na. Hindi rin naman nagtagal nang matapos sila.
"Jay my dear, heto na sya." Natutuwang sabi ni Madison, hinawi nya ang kurtina at do'n parang nakakita ako ng anghel na bumaba mula sa langit.
Ilang segundo akong hindi nakapagsalita.
"Maganda ba?" Tanong ni Madi, wala sa loob ako na tumango.
"Oo maganda, sobra."
"Haha! I know right, in Madison's magic!"
I offered my hand to her. "Shall we go? Beautiful?" Nginitian nya 'ko at inabot ang kamay ko. Habang naglalakad kami palabas pinagtitinginan kami ng lahat.
"Ang gwapo't ganda nila, perfect couple."
"Oo nga, bagay sila."
"Expensive couple."Iilan pang bulungan bago kami makalabas ng mall. 'Expensive couple?' Sounds great.'
**
"Nandito na tayo, Jasmine." Nilahad ko ang kamay ko para alalayan sya, hindi na kasi sya nakaflat, binili ko rin sya ng heels.
"Sobra na 'to Jay, wala pang kalahating araw pero libo-libo na ang ginastos mo sa'kin, hindi mo naman kailangang gawin 'to eh."
"This is what I want jasmine, didn't I mention to you that even just for this day, I wanna make you happy? Pretend that you're all mine? Ready?"
Tumango na lang sya at hindi na sumagot pa, nasa tapat na kami ng magarang pinto ng mansion na 'to, binuksan ko ito at magkahawak kamay kaming pumasok.
"Are we late?" I asked everyone.
"You came at the right time, Hijo." Tita Miana said and put her arm in my left side, since Jasmine is on my right side. "And who's this beautiful girl beside you?" Nakangiti nyang tanong.
"Ah oo nga pala, Jasmine si tita Miana, Jack's mother. Tita sya si Jasmine." Inakbayan ko sya. "Girlfriend ko po." Ngumiti ng konti si Jasmine.
"Hello po." Bati nya kay tita.
"Hi Jasmine. Infairness, you're prettier than Jenny."
**