Jay's POV
Lately mas nagiging malapit ang loob ko kay Jasmine. Hindi ko itatanggi na attracted ako kay sa kanya, sino bang hindi? Maganda, sexy, simple, masipag, walang kaarte-arte, independent, at mapagmahal.
Sa sobrang mapagmahal, pati ex ayaw kalimutan. Pag nakita ko 'yong lalaking nanloko sakanya, ipapamukha ko sa kanya kung ano yung sinayang nya. Kung ano yung hindi nya pinahalagahan.
I am planning to court Jasmine, and I will do anything in any way I can. I know she's still not ready because she's taking a little distance away from me, but that thing can't stop me.
Tutulungan ko syang magmahal ulit, susugal ako para sa pagkagusto ko sa kanya. Ayokong isawalang bahala ang nararamdaman ko. Hindi ko na rin hahayaan na masaktan pa si Jasmine.
"Hey bro, drinking alone and having a moment?" Jack said as he gets in.
"Didn't Tita teach you how to use doorbell?" Nakakagulat kasi bigla-biglang papasok.
"Eh ikaw hindi ka ba tinuruan ni Tita na makinig mabuti kapag may nagdo-doorbell?." Tumawa sya. "Masyado kang lutang, bro."
Gano'n? Ibig sabihin nag-doorbell sya at hindi ko lang narinig? Gano'n ba ang epekto sakin ng pag-iisip ko kay Jasmine? Nabibingi?
"Nevermind, what brings you here?"
"Seriously, bro? Are you sick? I just called you and I told you I want to drink."
"Really? You called me?" Tinignan ko ang call history ko, at oo nga tinawagan nya 'ko.
"Oo nga, sabi mo pa nga 'sige lang' iba na yan pare." Tapos tinawanan nya nanaman ako.
"Sorry, iniisip ko kasi kung paano ko liligawan si Jasmine eh."
"Liligawan mo sya? Kailan ka pa nagkagusto sa kanya?"
"Nung una palang pare. Love at first sight kicked my butt." Jasmine is my destiny, so I won't let her slip away that easy.
"I don't have a problem with you courting Jasmine, bro." Tumigil sya at seryosong tumingin sa'kin. "But I just wanna inform you that Jenny is back."
**
Jasmine's POV
"Hi everyone." Masayang bati ko pagpasok ko ng restobar.
"Jusko!!" Nagulat ako ng sumigaw si Minnie, dahil do'n napalabas ang dalawang chef kasama si chef Mac at si Tito. Mabuti nalang at wala pang costumer! Nakakahiya talaga ang baklang 'to!
"Ano bang sinisigaw-sigaw mo dyan Minnie?" Sabi ni Tito.
"Eh k-kase manager, si Jas. Binati tayo at ngumiti pa pagpasok nya! Nakakakilabot 'di ba?!"
"Well, sabagay nakakakilabot nga 'yan ha. Hindi pa ba end of the world?" Sabi ni chef.
"Tse! Magsitahimik nga kayo dyan!" Sagot ko.
"Oh sya tama na yan, baka inlove lang 'tong pamangkin ko. Let's all go back to work." Umalis na nga silang lahat sa harap ko maging ang dalawa pang waitress.
Sinenyasan ko si Minnie na lumapit sakin gamit ang hintuturo ko, pakendeng-kendeng pa syang lumalapit sakin. Mukha syang bulate.
"Aray! Makabatok naman 'to! Bakla ka ng taon, hmp!" Angal nya ng batukan ko sya paglapit nya.
Pahamak na bakla. Masama bang bumati at ngumiti sa mga ka-trabaho mo?!
**
"Welcome, Ma'am and Sir."
"Thank you for coming."
"Please come again."
Ilan lang yan sa mga linya ko habang nagta-trabaho. Hindi matanggal tanggal ang ngiti ko kahit habang nagse-serve ako at nagluluto sa kusina kanina, paindak indak pa'ko habang nakikinig ng music.
Bakit ba? Eh masaya ako ngayon eh, kagabi kasi magkausap kami ni Jay sa phone. Halos three hours kaming nag-usap. Siguro sa iba wala lang 'yon pero sa'kin big deal ang bagay na 'yon, ngayon lang nangyari sa'kin 'yon. Dati mag-uusap kami ni Jeric sa phone pero wala pang kalahating oras binababa nya na.
Kaya hindi nyo 'ko masisisi kung bakit ako naging masaya dahil do'n. Ang sweet ng boses nya sa phone haha, parang gusto ko ng marinig 'yon araw-araw. Jeez, ano bang nangyayari sakin.
"Hoy babae, tapatin mo ng aketch." Sabi ni Minnie at tinabihan ako. Lunch time na kasi.
"Anong ipagtatapat ko sayo?"
"Inlovey ka ba ngayon? Iba kasi ang aura mo eh, nakakatakot. Alam mo 'yon?"
"Bruha, ano namang nakakatakot sa pagiging masaya."
Sagot ko habang nakangiti.
"Ayan! Ayan ang nakakatakot! Kaloka ka!" Aba pinitik pa'ko sa noo ng bruha.
"Alin? Yung pag-ngiti ko ba?"
"Finally, nalaman mo rin! Jusmiyo, end of the world na yata! Ayoko pa mamatey! Hindi ko pa nagiging jowa si Alden Richards my loves!" Hahaha! Para syang baliw, may pahawak hawak pa sa ulo habang nagkakakawag na akala mo nilulunod sa drum.
"Ang pangit mo bakla, manahimik ka nga dyan haha."
"Ay ang hard bes ah, nag-aask lang naman aketch. Inlovey ka nga hindi mo na kailangang sumagot bakla ka."
Ha? Ako inlove? Pag ngumingiti inlove agad?
"Ano kaba hindi ako inlove 'no."
"Sabeee?"
"Haha, oo nga."
"Nakow, baka si sir Jay lang yan eh, inlovey ka nga 'te." Ang kulit naman.
"Manahimik ka nga, magkaibigan lang kami no'ng tao 'no."
"Magkaibigan na malalagkit ang tinginan? Magkaibigan na holding hands pagpasok dito no'ng nakaraang araw? Oo nga magkaibigan lang kayo, hmp! Dyan ka na nga." Sabi nya at umalis na.
Problema no'n? Ako inlove? Hindi 'no.
**Fast-forward**
Hindi maganda ang mood ko ngayon dahil parang hinahanap ko na ang presensya ni Jay, dalawang linggo na syang hindi natawag sa'kin. Nakaka-overthink tuloy.
Nakakainis, mula no'ng huling araw na tumawag sya hindi na 'yon nasundan pa. Ang ayos ayos naman no'ng huli naming pag-uusap. Puro pa nga kami tawanan kahit na wala ng kwenta yung pinag-uusapan namin eh, tapos sabi pa nya dadalhan nya ko ng chocolates sa parlor.
Tapos biglang hindi ko na sya ma-contact, pag tatawagan ko sya nagri-ring lang pero hindi naman nya sinasagot. Naiinis ako sakanya, promise!
"Hoy Head, ano't nakabusangot ka dyan?" Tanong sakin ni Matthew.
"Wala, 'wag mo nalang akong pansinin." Walang ganang sabi ko.
"Eh wala ka kaya sa sarili mo, Head."
**