Destiny Twenty

15 0 0
                                    


"Oo nga, ano bang nasa isip mo Tito." Akward syang tumawa. "Hoy daga, tara back to work na nga." Naiilang na sagot nya at paalis na sana ng pigilan ko sya sa kamay.

"Marami pa tayong pag-uusapan Jasmine, marami pa'kong dapat ipaliwanag sayo."

"Ha? P-pero may t-trabaho pa'ko dito."

"'Yon ba?" I dialed Tita Maiden's number. "Hello Tita, can Jasmine take her off right at this moment? I want to be with her. Alam mo naman na kakabalik ko lang galing Japan diba? Okay, thanks Tita. I love you."

"Oh, wala ng problema. Pwede ko na bang makasama ang prinsesa ko?" Nakangiti kong sabi sa kanya at inilahad ang kamay ko, hinampas nya lang 'to.

"Ano bang sinasabi mo dyan, tss."

"Sus pabebe pa oh, go na bakla!" Tili nya, pati ang mga customers kinikilig narin sa'ming dalawa. "Sayang ang gwapo ni papa oh."

"Hoy daga--" I hugged her again.

"You don't have any idea how I'm longing to do this Jasmine, please come with me." I said with all sincerity.

"Yiiee!" Tiliin ng ibang mga katrabaho nya.

Yumakap sya pabalik. "Y-yes, I will."

**

"Pinag-off mo'ko ng maaga para lang dito, Jay?" Reklamo nya, eh paano kasi dinala ko lang sya sa mansion. May gusto akong ipakita sa kanya.

"Hindi lang 'to dito lang Jasmine, halika. May ipapakita ako sayo." Hinawakan ko sya sa kamay at dinala papunta sa likod ng bahay.

"I will show you something." I smiled, I wish she will like this.

"Here?" Natawa ako bahagya, ang cute nya. I want to pinched her cheek because of her facial expression.

Dinala ko sya sa likod ng mansion namin na walang ibang makikita kung hindi isang puno ng nara at puro bermuda grass lang.

"Haha, ang cute mo. Teka lang ah." Binitawan ko saglit ang kamay nya at niluhod ko ang isang tuhod ko. Binuksan ko ang isang pinto ng isang kwarto na ako lang at ang daddy ko ang nakakaalam, isa itong underground attic.

This costs 10 million pesos, Dad gave me this when my debut came as his birthday gift. This is the perfect place for me kapag gumuguhit ako.

"Tara, alalayan kita pababa." May hagdan kasi syempre.

Humawak sya sa kamay ko at dahang-dahang bumaba. "Wow, ang ganda sobra. Sayo 'to? Ang ganda at ang laki." Manghang sabi nya, kasinglaki 'to ng isang condo. Ito ang dahilan kung bakit hindi na'ko bumili ng sarili ko.

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo. Sigurado ako, mahal ang nagastos mo dito 'no?"

"10 million ang inabot para lang mapagawa 'to."

"A-ano?! 10million?! Jusko grabe, parang nakakatakot na makabasag dito!"

Natawa nanaman ako. "Kung ikaw babasag? Kahit lahat pa 'yan."

"Tss, yabang."

"Oo nga seryoso, pero halika. Hindi ito ang gusto kong ipakita sayo." Hinila ko sya papasok sa isang kwarto. Ang studio ko, kung saan naka-display ang mga naipinta ko na, at kung saan ako nagpipinta.

"Eto." Sabi ko ng buksan ko ang pinto ng studio ko.

"Oh my." Tanging nasabi ni Jasmine ng makita nya ang mga paintings, matagal syang hindi nakapagsalita. Nakatakip ang mga palad nya sa bibig nya, halos maiyak na sya.

"J-jay."

"Ginawa ko 'yan mula no'ng makilala kita. Kung may pagkakataon, sinusubaybayan kita at kada may makikita ako na magandang anggulo mo? Ipinipinta ko agad.

Half of the side of this room is her paintings, yes. Ipininta ko ang mukha nya, every time I have done one painting? It's giving me so much happiness, SO MUCH.

"Jay, bakit ako?"

"Kasei ikaw ang gusto ko, kasi kada pinipinta ko ang mukha mo, sobra ang sayang nararamdaman ko. Sa'yo lang, sa'yo ko lang nagawa ang bagay na'to. Kasi mahal kita Jasmine, simula palang minahal na kita. Nakakatawa man pakinggang pero, love at first sight hit me so bad."

"I don't know what to say." I hugged her from the back.

"You don't have to say anything honey. Masaya ako na sa wakas, nasabi ko rin sa'yo, apat na buwan ko'tong kinimkim."

"Oo nga pala, ba't pala bigla kana lang hindi nagparamdam ha!" Sabi nya at binatukan ako.

"Aray! Pinaghandaan mo ang batok na 'yon 'no?" Umupo kami saglit at sinabi ko sa kanya lahat lahat, mula no'ng nagkaroon sila ng anonymous guest hanggang kanina na tumakas ako sa kasal. "Sorry for leaving you behind, Jasmine."

She hugged me. "Okay lang 'yon, mas mahirap pala ang sinakripisyo mo. Balang araw masusuklian ko rin lahat ng ginawa mo."

**

Jasmine's POV

Sobra ang sayang naramdaman ko no'ng nakita ko ang mga paintings na ginawa ni Jay para sa'kin, hindi ko lang talaga akalain.

Hindi ko inakala na umpisa palang minahal na nya 'ko, ang isang simpleng katulad ko kumpara sa isang napakayaman na katulad nya? Parang ang imposible lang.

"Jasmine, I don't want to give you a rush but I want you to know that, I want you to be my girlfriend." Sasagot palang sana ako ng pigilan ng hintuturo nya ang labi ko. "Hindi mo kailangang sumagot ngayon Jasmine, 'di ba sabi ko tutulungan pa kitang makalimot? Sinabi ko lang 'to ngayon kasi ayokong magsisi pag nagkataon." Tumango ako.

"Tara iuuwi na kita, magpahinga kana. May pasok ka pa mamaya 'di ba? Pupunta ko ah, magre-request ulit ako ng kanta." Ngumiti sya.

"Sige, hihintayin kita."

Masaya ako ngayon, dahil sa kanya nagiging masaya ulit ako.

Hinatid nya 'ko sa bahay at nagpahinga naman ako agad, bago pa 'ko makatulog para pa 'kong tanga na ngumingiti mag-isa.

Haha! Ang sarap sa pakiramdam na may nag-eeffort para sa'yo.

**

"Good evening sainyo." Masayang bati ko sa mga katrabaho ko.

"Aba, mukhang maganda ang mood mo ngayon Head ah." Sabi ni Matthew.

"Ang sabihin mo, blooming si Head lately." Dagdag pa ni Tasha.

"Haha, inlove na nga siguro 'yan." Sabi naman ni Dan.

"Oy hindi ah, sabihin nalang natin na sinusubukan ko na talagang magmove-on."

"Oh sya, wag na natin pansinin ang pagiging masaya ni Head. Mahirap na baka mausog haha." Malokong sabi ni Marian.

"Ayoko ng tignan ka, Head." Nagulat ako sa sinabi ni Phil.

"Huh? Bakit?"

"Baka kasi mainlove ako sayo." Haha! Pasaway.

"Aray! Bat mo'ko binatukan Matthew!"

"Ang corny mo kasi haha!"

"Sige na maghanda na kayo, bukas na ang bar oh."

Nag-ayos pa 'ko ng konti, punas ng lamesa at mga chairs. Ang ganda ng mood ko haha, nakakatuwa naman. Na-miss ko ang ganito.

"Aba, mukhang maganda ang mood natin ah."

"Ay Tita, haha hindi naman po masyado."

"Hmm, mukhang nagkakamabutihan na kayo ng pamangkin ko ah." Sinundot nya ang tagiliran ko.

"Magkai--"

"Hi Tita!"

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now