"No'ng iwan mo'ko sa stage na 'yon at pagmukhaing tanga sa harap ng maraming tao?! Punyeta lang kasi ang sakit ng ginawa mo! Daig ko pa sinampal ng kaliwa't kanan alam mo 'yon?!" Iyak lang sya ng iyak habang nagsasalita. "Isang taon akong umasa na babalik ka pa."
"Jasmine, we can start all over again, do you still love me, right? We will get married as soon as possible if yes." Hindi agad nakasagot si Jasmine. Tumalikod na 'ko bago ko pa marinig ang isasagot nya, mahal pa nya si Jeric kaya masasaktan lang ako.
"Hindi na kita mahal." Matigas na sagot nya, nakakaisang hakbang palang ako pero agad akong napatigil. Totoo ba 'yon? Humarap ako sa kanila ulit.
"Siguro nga akala ko mahal pa kita, na kapag nakita kita ulit, lalambot ako. Pero hindi eh, no'ng nakita kita kanina? Hindi ko na naramdaman na mahal pa kita." Ang saya ko sa narinig ko kahit na may posibilidad na sinabi nya lang 'yon para maitago ang totoo nyang nararamdaman.
**
Jasmine's POV
"Then why are you crying, huh?!" Nagtaas na ng boses si Jeric.
How can this human creature is no naive?!
"Because I deserve to cry! I've been with this tears for fucking two years! I am done wasting my tears! At tandaan mo, ito na ang huling araw na iiyakan kita!" Sigaw ko sa kanya.
"Please Jasmine, isa pang chance." Yayakapin nya sana ako ulit pero nagulat ako nang may braso na humarang sa paglapit nya, si Jay. Alam nya? Narinig nya ba lahat? Sabagay ano pa bang itatago ko sa kanya.
"Stop it, couz." He said not even looking at Jeric.
"What's the meaning of this Jay?"
"Jasmine had enough, just let her go. Let's go, Jasmine." Sabi nya at hinawakan ako sa kamay paalis, hindi pa man kami nakakalayong dalawa hinawakan naman ni Jeric at isa ko pang kamay.
"Wag kang makialam dito Jay, problema namin 'to!"
"Ano ba Jeric! Bitawan mo nalang ako pwede?!"
"Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Sigaw nya pabalik.
"Bitawan mo na sya Jeric!"
"Wala kang pakialam dito, Jay!"
"Meron." Nakikita ko ang galit ka mga mata ni Jay. "Dahil nililigawan ko sya!"
"What?! Are you nuts?! She's my girlfriend Jay so shut up!"
"You shut up! You know what? You are so fool to do this to her! You wasted the girl that is worth fighting for! Mabuti nalang at nalaman ko na 'to ng mas maaga para hindi ka na makalapit sa kanya at itatama ko lang ha, ex mo na sya. EX!" Sabi ni Jay at tinanggal ang kamay ni Jeric na nakahawak sa'kin.
"Ano 'to?! Sulutan?!"
"Kasalanan mo 'yan dahil nagpaka-gago ka!"
"Eh siraulo ka pala eh!" Nagulat nalang ako ng biglang sapakin ni Jeric si Jay na hindi naman nagpatalo at sumuntok din pabalik.
"You don't deserve second chance you bastard!" Isang suntok pa ang nagmula kay Jay, nagpapasalamat nalang ako dahil sa ingay ng disco musics. Walang makakarinig sa'min.
"Ano Jasmine?! Magkano ang pinusta sa'yo ng lalaking 'to para talikuran mo 'ko ha?!" At sinapak nya ulit si Jay na napaupo na, pumagitna ako sa kanila.
"Tumigil na kayo!" Sigaw ko, humarap ako kay Jeric at malakas syang sinampal.
"Ang kapal ng mukha mo! Mabuti ang intensyon nya sa'kin, 'wag mo syang itulad sayo! Kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi na kita babalikan pa, kaya kung may respeto ka pa sa'kin kahit bilang tao nalang, tigilan mo na 'ko." Inalalayan kong tumayo si Jay.
"Hindi ako susuko Jasmine, babalik ka rin ulit sa'kin!" Hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy na kamei sa pag-alis, dumaan kami sa back door ng kusina ng bar.
"Upo ka muna." Utos ko kay Jay habang kumukuha ako ng ice na pang first aid sa gilid ng labi nya. "Salamat sa ginawa mo ah. Nasaktan ka pa tuloy."
"Okay lang 'yon, basta para sa'yo. Mapaglaro talaga ang tadhana 'no, sa dinami-dami ng manloloko sa'yo, yung pinaka-close na pinsan ko pa." Napailing sya.
"Tama ka nga, oh ano masakit pa ba? Mukhaa namang malakas ka eh." Bahagya akong tumawa para maiba mabawasan man lang kahit papaano yung nangyari.
"Syempre, ang galing mo kaya mang-gamot. Tara sama ka?"
"Huh? Saan? May trabaho pa 'ko eh." Tinignan ko ang relo ko, isang oras nalang pala magsasara na ang bar.
"Kanina ka pa kaya hindi nagta-trabaho, hahaha halika na itatakas na kita." Hinawakan nya 'ko at itinayo palabas.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing hahawakan ako ni Jay sa kamay, sobra yung saya kong nararadaman. Parang lagi akong kinukuryente.
Hindi pa Jasmine, hindi ka pa pwedeng mahulog sa kanya. Pigilan mo, baka kasi kapag nagmadali ka, masaktan lang kayo pareho.
I looked at him, he was silently driving. I don't know where we are going, I don't mind at all. I know I'm in a good hand, I know Jay will never hurt me.
Nalaman ko lang kung saan kami papunta no'ng nakita ko ang gate ng mansion nila. Tinignan ko si Jay, nginitian nya lang ako.
"Tara? Pagagaanin ko ang loob mo." Pag-aalo nya sa'kin.
"May tiwala ako sayo." Ako yung tipo ng tao na mahirap magbigay ng tiwala, pero marami ng napatunayan sa'kin si Jay at hindi ko sasayangin ang isang tulad nya. Mula no'ng araw ng party, nagkapuwang na sya sa puso ko.
I just don't want to mind it this early, I want to take it step by step. Jay loves me and I can see it at para sa'kin, he's not that hard to love back.
Akala ko papasok kami sa bahay nila, pero hindi kasi lumiko kami sa garden nila at napunta sa likod bahay. Since 3 am na ang ganda nung punong narra sa likod nila, may christmas light ito na puti. It's a water drop light design.
"Wow, ang ganda."
"You're right, it's beautiful." Sang-ayon ni Jay, tinignan ko sya pero sa'kin sya nakatingin.
"Pasaway, hindi ako. Yung puno hahaha."
"I know, pero mas maganda ka." Tumingin din sya puno. "Pagpatak ng 6 pm pag madilim na, automatic na 'yan na magbubukas. Napakahalaga ng punong 'yan samin. Bukod sa mahirap magkaroon ng ganyang puno sa bakuran ng isang bahay, 'yan din pinaka-espesyal na makikita mo sa loob ng mansyon na'to.
"How can be that narra tree so special?" Based on his face, that tree is something that he's really treasuring.
"I'll tell you at the attic, come on." Sabi nya at binuksan pataas ang pinto, ang astig talaga ng hidden room na 'to.
Pagkapasok nya nahiga agad sya sa king size bed, pagpasok mo kasi 'yon agad makikita mo.
**