"Hmm, nice condo huh." Sabi ko, dito muna siguro ako mag-stay sa condo ni John. Ayoko munang umuwi sa bahay, kailangan kong maghanda.
"Nice condo your butt, anong silbi ng mansion nyo? Bat hindi ka do'n umuwi?"
"Wala pang nakakaalam ng pagbalik ko dito John, bukod sa inyong tatlo. I'm not yet ready to face her, I need to make things right bago ko gawin ang motibo ko sa pagbalik dito." I explained.
"Masyado kang gago para patawarin bro. Kung ako sa'yo, bumalik kana lang ng London at palaguin pa lalo ang negosyo mong restaurants haha."
"Kung hindi naman dahil sa inyo, hindi ako mapapasok sa sitwasyon na 'yon. Mga gunggong kasi kayo." Totoo naman eh tss.
"Hey hey hey! Kamusta ang succesful chef in asia?" Nagulat kami sa pagpasok nila Jhay at Leven, para silang mga kabute.
"Gate crusher, tss!" John said and get some alcoholic drinks.
"Ever since." I added, in every man's condo and house? The door is widely open.
"Alright, drinks? Welcome back party ba 'to?" Tanong ni Leven.
"Pwede rin, isang taon lang naman akong nawala." Sagot ko.
"Okay, pero parang may kulang eh, wait." Sabi ni Jhay at may tinatawagan sa phone nya.
"Yes, bring 4 girls here in **** Condo, just say John's condo unit at the receptionist. Thank you, bye." Kausap nito in a seductive voice.
"You never changed bro, still a womanizer." I said to him.
"And will always be haha, so what's your plan? Are you gonna stay for good?" Jhay replied.
"I don't have plans yet."
"But he wants to get her back." John added.
We'll see.
**
Jasmine's POV
"Morning, everyone." Masaya kong bati pagpasok ko ng restobar.
"Ah, miss sino po kayo?" Huh? Pinagloloko ba'ko ng baklang 'to?
"Hoy ang aga aga ha. Tigilan mo'ko." Sabi ko at pumasok ng kusina.
"Ah miss, staff lang ang pwedeng pumasok dito." Sabi naman ni chef Mac.
"Yung totoo? Ginu-goodtime nyo ba'ko?!" Naiinis na 'ko eh.
"Anong nangyayari dito?" Sabi ni Tito na nanggaling sa back door.
"Eh manager kasi bigla nalang syang pumasok dito."
Sabi ni bakla sa likod ko.
"Ah, I'm sorry Miss, pwede po bang lumabas nalang kayo. Nakakaabala po kayo sa mga nagtatrabaho dito." Sabi ni Tito na hinahawakan pa'ko palabas ng pinto. Argh!
"Seriously? Ano bang nangyayari?!" I hissed, they're getting into my nerves. Can't they see?! I'm trying to be happy here!
"Lumabas nalang po kayo, Miss." Sabi ulit ni chef.
"Ano bang problema nyo sa'kin ha?!"
"Ikaw ang may problema! Bakla ka ng taon! Sabunutan kita dyan eh!" Sigaw ni bakla.
"Hoy daga! Kanina ka pa ha!"
"Whatt?! Iisa lang ang tumawag sakin nyan! Si Jas-- OH EM GEE!! " Tinignan nya 'ko mula ulo hanggang paa, "Jasmine is that you?!!" Malakas nyang tanong.
"Sampalin kaya kita ng sandok dyan nang makita mong daga ka! Ikaw chef ha, grabe ka sakin. Isa ka pa Tito! Anong problema nyo sa'kin ha!"
"Oh my god, I'm sorry hindi ka namin nakilala bakla! Anyare? Nasaan ang long black hair mo at nagkulay ka pa?!"
"Obvious bang pinagupitan ko?"
"Infairness, bagay sayo Jas." Bati ni chef Mac.
"Lalo kang gumanda pamangkin." Puri sakin ni Tito, napangiti naman ako.
"Well, this is the first step of my moving-on session."
"Ansabee?!"
"Oo nga bakla, well mamaya na tayo mag-chikahan. Mag-trabaho na tayo!" Masayang sabi ko, wala namang masama kung susubukan ko ulit 'di ba?
Nginitian lang nila ako na parang sinasabi nila na 'kaya mo yan! Fighting!' Masarap sa pakiramdam na suportado ka ng mga taong nakapalibot sayo.
**
"Hoy ano na bakla? Anong drama mo?" Tanong sa'kin ni Minnie, lunch time na.
"Hindi pa nga ako nakakaisang subo umandar nanaman yang pagkachismosa mo."
"Ikaw lang talaga ang hard sakin bes, no wonder na kilala kita agad kanina. Ano na kasi? Go chikabells na."
"Oo na, tss. Tulad nga ng sinabi ko kanina, susubukan ko ng magmove-on. Kaya naisip kong magpagupit, tapos yung mga sinabi mong check? Wrong na 'yon lahat. Kumbaga, nagawa ko na. Pero bukod nalang pala do'n sa dalawa, mahirap kasing basta nalang na hindi sya isipin at mahalin."
"Okay lang yan bakla, at least may ginagawa ka. Winner talaga ang mga sinabi ko 'no? Aminin haha, but anyways. Bagay sa'yo ang buhok mong waivy blonde ha haha, pretty. Magkamuka na tayo." At niyakap nya pa 'ko tas dinikit ang mukha nya sa'kin.
"Tse! Mas maganda ako sayo 'no."
"Babaitang 'to, hindi man lang nagkunwari! Hmp! Anyways, congrats beshie. Tuloy tuloy mo lang yan, I'm sure magagawa mo ring tuluyan na makalimutan sya."
"Thanks, daga." And we have a girly beso beso that he or she is always doing.
Alam ko sa sarili ko na tapos na ang paghihirap ko, konting push nalang makakalimutan ko rin sya at kapag nangyari 'yon, malaya na'kong makakapagmahal ng iba.
"Pero bakla, isang tanong isang sagot. Kung sakaling fully move on ka na nga, may pag-asa na ba si papa Jay? Harhar." Natawa naman ako.
"Ano ka ba, malalaman ko lang 'yan kapag tuluyan na'kong nakalimot." Sagot ko ng may konting kilig.
"Edi tutulungan kita." Halos mahulog ko ang kutsarang hawak ko, hallucination ba 'to oh ano? Lord ano?
**
Jay's POV
"Edi tutulungan kita." Singit ko sa usapan nila, dito agad ako dumeretso sa restobar pagkagaling ko ng airport. Hindi na 'ko makapaghintay na makita sya eh.
No'ng binalingan nya ko ng tingin, napangiti ako. Nakakamiss talaga sya, hindi ko pagsisisihan ang ginawa ko kani-kanina lang.
"I will help you to fully move on, so you can start to love me like I'm--" Natigilan ako when she started to run the distance between us. Akala ko sasampalin nya ko or what pero hindi, dahil niyakap nya 'ko. Nang mahigpit, niyakap ko sya ng pabalik. Ni hindi ko na inisip ang mga customers na nakatingin sa'min, ilang minuto rin kaming magkayap.
"Okay guys, back to wo--" Naghiwalay lang kami no'ng magsalita ang isang lalaki na kakalabas lang ng kusina.
"Ay! Winner! How romantic! 'Di ba manager? Harhar." Sabi ng bakla nilang waiter.
"Sir Jay? Jasmine? Kayo ba?" Sabi no'ng tinawag ni bakla na manager.
"A-ah, hindi T-tito, m-magkaibigan lang kami. Oo 'yon nga." Nauutal na sagot ni Jasmine.
"Weh?"
**