Destiny One

45 1 0
                                    

Jasmine's POV

"Salamat Ma'am and Sir, balik po kayo ulit." Nakangiting bati ko sa mga costumer na kakaalis lang, pero pag alis nila nawala na ang ngiti ko.

Ako si Jasmine Monteverde o mas kilala bilang Jas, twenty-four years old. Waitress ako dito sa restobar, yes restobar. Kainan sa umaga, inuman sa gabi, bakit ako pumasok dito? Simple lang.

Dahil isa 'to sa mga RAKET ko.

Lunes, martes, miyerkules dito ang trabaho ko. Huwebes, biyernes, sabado nagtatrabaho ako sa isang parlor malapit samin bilang tiga-gupit.

At ang the best, ang linggo. Nasa bahay ako at nagtitinda ng sarili ko namang negosyo, ang pagba-barbeque.

Ang sipag ko 'no? Halos paghiwa-hiwalayin ko na nga ang katawan ko para lang makapag-trabaho.

Eh hindi naman ako gano'n kahirap para tumatlo ang trabaho, nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw ng Papa ko.

Ulila na'ko sa Mama ko, namatay sya matapos ang debut ko dahil sa sakit nya sa puso na malungkot man ay ikinatutuwa ko naman dahil hindi ko namana.

"Infairness, ang ganda ng smile girl ha, happy kana?" Sita sakin ng bakla kong katrabaho, waiter din sya dito.

"Hindi lahat ng ngumingiti ibig sabihin masaya na, may mga ngumingiti para lang ipakita na hindi sila nasasaktan." Sagot ko naman.

"Tse! Keme mo girl, ano pa bang klase ng pagmove-on ang gusto mo? Isang taon na te oh, isang taon mo na din kaming hinuhugutan, babaitang 'to." Malandi nyang sagot.

Oh bakit? Kasalanan ko ba na hindi pa'ko nakakamove-on kaya hindi pa'ko masaya? Kailangan pag nag-isang taon ka nang iniwan ng minahal mo dati, kailangan din na titigil na yung sakit na nararamdaman mo?

Eh kung gano'n sana, 'di natuwa pa'ko. Kaso hindi eh, isang taon na din akong pinapahirapan ng mokong na 'yon.

"May mga bagay kasi na hindi madaling kalimutan lalo na kung yung sakit na iniwan sayo, tagos hanggang buto." Sagot ko ng nakatulala sa counter.

"Kaya ka nahihirapang kalimutan sya kase umaasa ka pang babalikan ka pa nya." Nagulat kami ni bakla ng may magsalita.

Lumingon kami at napatingin sa bagong dating.

"Ay girl ang hawt, bongga!" Malanding sabi nito. "Um, kanina ka pa ba dyan Sir?"

"Ah hindi naman, narinig ko lang yung huling sinabi nya." Sabay tinuro nya 'ko.

"Alam mo hindi nakaka-gwapo ang nakikisawsaw sa usapan ng iba." I said sarcastically.

"I know, because I'm already handsome." He answered smiling widely. "I'm Jay Moshimoto and you are?"

"I am…" Hindi ko inabot ang kamay nyang nakalahad sakin at mataray na sumagot, "Not interested." At nag-walk out na'ko.

"Ay! Winner!" Natatawang sabi ni Minnie, yung malanding bakla. Daga kasi yan, sya daw yung partner ni mickey. Tse!

Pumunta ako sa kusina at nag-ayos ayos ng ilang gamit do'n, tatlong chef ang meron kami dito. Dalawang waitress kasama na'ko do'n, at dalawang waiter. Isang cashier at sa umaga yung manager lang ang nandito para mamahala samin, sa night shift dumadating yung mismong may-ari kasama pa ng limang waitress. May kalakihan din naman 'tong restobar na'to at malakas ang kita.

"Jas, may customer do'n. Gusto ikaw ang mag-serve." Sabi ni chef Mac, ang daming pwedeng mag-serve do'n bakit ako pa tsk. Lumabas ako at nakita ang pakialamero na nakaupo habang ngumingiti sakin.

"Anong order nyo, Sir?" Tanong ko at nginitian sya ng plastic.

"I like your smile, but I would love it if it's true." Nakangiti nyang sagot. Nag-ring bigla ang phone nya, sinagot nya ito. "Oh hi, yes I'm already here. What time you'll fetch me here? Okay, see you." Masayang sabi nito sa kausap.

"So ano pong order nyo?" Naiinip kong tanong.

"Your number, how much?" Aba!

"Excuse me Sir, I don't sell my number and stop flirting with me. Baka magalit pa ang girlfriend mo, kung wala kayong oorderin, aalis na'ko." Magalang kong sagot kahit na sa totoo lang gusto ko na syang dagukan.

Number one rule dito, costumer is always right. Kaya kahit nakakabwisit na sila, kailangan mo silang pakisamahan ng maayos. Liban nalang kung may pambabastos na silang ginagawa.

"Two orders of beef steak, one caldereta with rice of course and one shot of margarita." Order nya habang nakatingin sa menu, inulit ko ang order nya bago umalis.

Nakakabwisit sya ngumiti, sana mapunit ang labi nya, kaasar! Nang maayos at maibigay ko na ang order ko sakanya, nag-thank you lang sya at ngumiti naman ako ng plastic.

"You're so lucky, girl. Nandito naman ako para pagsilbihan sya pero bakit ikaw pa ang pinili nya? Nakakainggit ka naman." Malandi talaga 'tong baklang to eh 'no.

"Hoy daga, tigilan mo nga 'ko." Sanay na yan sa'kin at sa katarayan ko.

"Aw, ang mean mo!" Nagtatampu-tampuhan nyang sabi at may pag-hampas pa.

Nagtuloy-tuloy na'ko sa trabaho. Maya maya may pumasok ulit na customer.

"Welcome, Sir." Nakangiti kong bati sa bagong pasok. Tumango lang ito at may hinanap sa loob, nagpatuloy naman ako sa pagpasok ng mga kinainan sa kusina.

"Ah, Miss pa-order pa nga." Narinig kong sabi ng pakialamerong 'yon. "Ikaw na nag-serve sa'kin kanina ang tinatawag ko." Dagdag pa nya.

Sabi ko nga eh, ako nga. Bwisit na'to.

***

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now