Destiny Seventeen

12 0 0
                                    

Gusto ko syang tawagan pero parang may nag-uudyok sa'kin na 'wag nalang, hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto ko syang makita. Siguro naiinis lang ako dahil basta nalang syang hindi nagparamdam, oo nga 'yon nga yun, tss. Makatulog na nga lang nakakainis.

**

"Jasmine, will you be my girlfriend?" Tanong ni Jeric habang nasa gitna kami ng trabaho namin, in the middle of many people. I was dumbfounded, I can't move.

"Jeric." Tanging nasabi ko lang.

"Jasmine gusto ko lang na alagaan ka, mahalin ka hanggang sa kaya ko. Jasmine mahal kita, mahal na mahal."

Napaiyak ako dahil sa saya, akala ko simpleng magkatrabaho lang kami. Parehas kaming nagtatrabaho sa restobar ng Mama nya dahil parehas kaming OJT.

Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na magugustuhan nya rin ako.

"O-oo naman." Masayang sagot ko.

"Talaga? Yes!" Niyakap nya ko ng mahigpit "Mahal na mahal kita Jasmine."

**

Napabangon ako sa pagkakahiga at hinahabol ko ang paghinga, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

I am still in my past, and it's still haunting me. Until when those memories will keep on coming back to me? I kept on dreaming of them. If only I could stop it, I would.

Bumaba ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig, nagpahangin muna ako sa labas ng bahay. Parang nakakatakot na tuloy matulog, pakiramdam ko any time mapapanaginipan ko nanaman ang mga masasayang alaala ko sa kanya, masaya pero ngayon masakit na.

Pinahid ko ang mga luha ko pero para lang akong tanga dahil hindi naman napuputol ang pagluha ko.

Eto na nga ba yung sinasabi ko eh, kaya ayokong mahulog kay Jay dahil hindi pa'ko handa. Dahil nandito pa rin yung sakit, yung pagmamahal ko para sa kanya.

Masakit kasi kapag pinagpustahan ka lang, masakit kapag ginawa ka lang na katuwaan. Masakit na matagal kang pinaniwala na mahal ka talaga. Ang gandang buwena mano sa lovelife ang binigay ng tukmol na 'yon, first love ko sya pero first heartbreak din. Talagang sinigurado nyang hindi ako makakapagmahal ulit ng iba eh, kahit closure wala.

Nanlalambot akong kumilos para pumasok, three am na 'ko nakatulog kanina eh. Ba't ba kasi napuyat ako dahil do'n, tss panira ng tulog.

"Te, anyare? Ba't may panda ditey?" Salubong sakin ni Minnie.

"Anong panda ka dyan, manahimik ka ngang daga ka."

"Ouch ha. Eh kasi naman ang eyebags 'te oh."

"Alas tres na kasi ako nakatulog eh, napanaginipan ko nanaman ang isa sa mga alaala namin ni jeric."

"Whatt? Emeged, waley na sya ditey pero ginagambala ka parin nya. Knows kong handsome si Sir Jeric pero hanggang ngayon hindi ka parin nakakaget-over sa kanya?"

"Malamang hindi pa."

"Kaloka ka, akala ko pa naman move on kana kasi may dumating na papa, hindi pa pala." si Jay siguro ang tinutukoy nito.

"Ewan ko ba, ayoko nalang muna syang isipin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano mawawala sa puso't isip ko si Jeric." Parang lahat kasi nagawa ko na.

"Alam mo 'te, knows mo naman kung anong gagawin mo eh. Ayaw mo lang gawin."

"Huh? Eh parang nagawa ko na nga lahat para lang makalimutan sya eh pero wala parin, sana nga magka-amnesia nalang ako eh."

"Dyan ka nagkakamali bakla, gusto mo isa isahin ko pa? Mga picture nya o nyo sa phone mo? Check! Number nya? Check! Stalking his fb account? Check! Keeping the things that he gave to you? Check! Reminiscing your memories everyday? Check! And last but not the least, yung umaasa ka na babalikan ka pa nya, odiba? Check na check! Sige nga, sabihin mo sa'kin ngayon kung lahat ba talaga ginawa mo na? Eh umiyak lang yata ng umiyak ang ginawa mo eh."

"Eh ang hirap kayang makalimot, kung gano'n lang sana kadali eh bakit hindi."

"Nahihirapan ka kasi nga umaasa ka pa. Hindi porket iniwan ka, titigil na ang mundo mo. Bakit hindi mo subukang pagbigyan ang ibang tao na gustong pumasok sa buhay mo? 'Wag kang magpakulong sa nakaraan 'te, ikaw lang din ang mahihirapan."

"Alam mo, ngayon lang kita nakausap ng matino. Kahit papaano pala may silbi din yang utak mo."

"Bruha ka talaga eh 'no." Sabi nya tas hinila yung dulo ng buhok ko. "Ako na kasi ang naaawa sa mga mata mo, kung nagsasalita lang 'yan siguro minura kana 'te."

"Tse! Magtrabaho na nga lang tayo." Sabi ko nalang at sinuot na ang apron ko.

Siguro nga tama ang baklang 'yon, paano ko makakalimutan ang isang tao kung patuloy ko parin syang sinusubaybayan at umaasa na babalikan nya.

Minsan talaga masarap magkaroon ng kaibigang bakla, may clown ka nga pero minsan magaling din mag-advice.

It's been a year at ayokong namang paabutin pa ng dalawang taon. I need to settle things where it belongs, I need to clarify to myself the true meaning of moving on. I know this will be hard but I want to take all the risk that I can take, this is for my own good, if I don't want my past hunt me all over again? I need to do something.

Sisiguraduhin ko na kapag makikita ko sya ulit? Wala ng pagmamahal sa puso ko, wala na yung sakit na ginawa nya. Wala na yung babaeng niloko nya.

Kung meron mang dapat makaramdam ng panghihinayang? Sya 'yon at hindi na ako, ipapakita ko sa kanya kung ano ang sinayang nya.

**

"Cason, gupitan mo nga ako." Sabi ko no'ng araw naman ng pasok ko sa parlor, sisimulan ko ang pagbabago sa sarili ko. Sinasayang ko lang ang ganda ko kakaiyak.

"What? Cassi, katapusan na ba ng mundo?!" Histerical na sabi nya.

"Ewan ko bakla, siguro nga magugunaw na ang mundo."

"Hoy, ang o-OA nyo ha. Tigilan nyo nga si Jas." Sabat ni Caven.

"Wushuu, umepal nanaman ang seloso." Supalpal sa kanya ni Ceffer.

"Hoy bakla, gugupitan mo ba ko o ano?"

"Eh kasi naman beshie, ang haba na ng hairlalu mo oh. Anong nakain mo at ipapagupit mo? Isuka mo 'yan dali!"

Mahaba at maganda ang buhok kong hanggang bewang, taon taon nagpapagupit talaga ako ng buhok. Pero mula no'ng naging kami ni Jeric hindi ko na'to pinagupitan dahil sabi nya gusto nyang mahaba ang buhok ko, at isa pa mas lalo daw akong gumaganda.

"Tse! Gupitan mo na kasi ako, bra length ang gusto ko, at i-curl mo yung bandang dulo."

"Bakla ka ng taon! Sayang ang hair! Omg, akin nalang to ha! Gagawin kong wig!"

"Whatever."

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now