Destiny Twenty-six

13 0 0
                                    

"Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan pa kita." Totoo 'yon, nakakatempt kasi.

"Yung nangyari nga pala, gusto kong malaman mo na..." She paused and looked straight into my eyes. "I don't regret any of those." I know she didn't, I smiled at her and give her a kiss in her forehead.

"Let's go, I'll make you breakfast."

Nginitian nya lang ako at sinamahang pumunta ng kusina, nakakatawa man kung iisipin ko 'to pero para kaming mag-asawa haha. Ngayon lang nangyari sa buong buhay ko ang mga bagay na 'to, sya ang una sa lahat, kumbaga sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal. Maybe not now but I know sooner or later, she will love me back, as she say so.

"What do you want for breakfast my Princess?"

"Tinatanong mo talaga 'yan sa isang katulad kong graduate ng culinary?"

"Hindi ko alam na may pagka-mayabang ka rin pala 'no?" Pagbibiro ko.

"Yabang na totoo."

"Ha! Para sabihin ko lang sayo ha, kahit pagiging pintor ang pangarap ko, kahit na graduate ako ng business management. I know how to cook too, my Mom teaches me so better say what do you want me to cook for your breakfast." I giggled.

"Ikaw pala ang mayabang eh. Haha, kahit ano nalang na meron ka dyan." Sagot nya.

Edi nagluto na 'ko, kahit ano naman pala eh, habang nag-aayos ako nakatitig lang sya sa'kin.

"Staring is rude, Miss."

"That's my line."

"No it's not yours."

"Fine, hurry up. My babies are so hungry now."

"Oh talaga? May anak na tayo? Edi kasal nalang pala ang kulang? Hahaha!"

"Hindi pa nga tayo eh, at isa pa kung pakakasalan mo 'ko." Hinahamon nya ba 'ko?

Yumuko ako since nasa may lamesa sya at nasa bandang sink naman ako. "Kahit saan mo pa gusto." Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya.

"Tss, just finish that. May pupuntahan ako pagkatapos kumain." She said changing the topic.

"Eat and run, eh?" I jokingly said.

"I'll pay."

"No need, just let me come with you."

Hindi na sya sumagot pa hanggang sa natapos na 'ko magluto. Tahimik lang din naming tinapos ang pagkain.

Naligo muna si Jasmine bago ako, syempre 'no.

"Wala akong dadamitin." Sabi nya paglabas nya ng restroom, nakatapis lang sya ng tuwalya na umabot hanggang ibabaw ng tuhod nya.

Pinagmasdan ko sya habang pinupunasan nya ang buhok nya ng isa pang tuwalya, tumutulo pa ang mga tubig galing do'n, napalunok ako.

She's turning me on, having fair skin, from her ear to her neck. Down to her shoulder, down to her cle-- stop it Jay!

"How can you just go out in a restroom ng ganyan tapos may lalaki kang kasama!" Eh kasi naman baka hindi ko na mapigil ang sarili ko ngayon!

"May tiwala naman ako sa'yo eh, wala ka namang gagawin 'di ba?"

"O-oo nga w-wala, ah basta!" Pumunta ako sa cabinet ko at naghanap ng mga pinagliitan ko ng plain t-shirt, marami akong nakita pero pinili ko ang white.

"Wear this and your shorts, just change when you're at home." She took it and changed, she had no choice but to wear my shirt.

"Okay ba?" Tinignan ko sya at napataas ang kilay ko, nagmuka syang hanger sa damit ko. Pfft!

**

Jasmine's POV

Sa totoo lang masyadong malaki ang damit na 'to para sa'kin, nakita kong pinipigilan ni Jay ang tawa nya no'ng tinanong ko sya kung okay ba.

"Tss, kainis!" Huhubadin ko na sana pero pinigil nya 'ko.

"Teka." Lumapit sya sa'kin. Akala ko kung anong gagawin nya, para kasing nag-slow mo ang paligid.

He moved very close to me na parang halos niyayakap na nya ako, may ginagawa sya sa likod ko. Hinila nya ang laylayan ng t-shirt hanggang sa para syang umikli, medyo binuhol nya para para hindi na magmukhang maluwag.

"Ayan, bagay na sa'yo ang damit ko." Nakangiti syang tumingin sa'kin. "Nakakaturn-on."

"Ano?"

"Ah, wala. Tara na pumunta na tayo sa sinasabi mo." Narinig kong nakaka-turn-on yung sinabi nya eh, yung alin ba? Tss, bahala na nga.

**

"Hi Ma, kamusta kana? Sorry kung matagal bago ulit kita napuntahan ha? Masyado kasing masipag ang Anak mo eh." Nandito kami sa sementeryo at dinadalaw si Mama.

"Sya nga pala ma, eto si Jay, sya ang tumutulong sa'kin para makalimutan si Jeric."

**

Jay's POV

"Hi tita, ang pogi ko 'no? 'Wag po kayo mag-alala, aalagaan ko ng mabuti ang anak nyo." Dito pala ang balak nyang puntahan.

"Tsaka, manliligaw ko din po sya, Ma." Kinurot nya ko sa tigiliran. "Ikaw ang pilyo mo 'no, hahaha." Bumuntong hininga sya, malalim. "Alam mo, namatay ang mama ko no'ng 18th birthday ko. She really prepared it together with Papa, hindi ko pa nga alam ang tungkol do'n dahil sobrang busy ko sa school. Pag-uwi ko ng bahay, ayos na ang lahat. Mga pagkain, yung lugar, yung mga tao. Masaya ang buong bahay, syempre nabigla ako kasi hindi ko 'yon inaasahan. Masaya, sobrang saya. Kaso lang bago mag-midnight, inatake sa puso si Mama. Siguro sa sobrang pagod hindi na kinaya ng puso nya, ewan pero masaya sya no'ng nag-iiwan sya ng habilin sa'kin. Somehow, I'm blaming myself because it's my fault kung bakit sya namatay. Parang ako pa 'yong naghatid sa kanya sa kamatayan, after that moment. I cried a lot, araw-araw. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na "Pinatay ko ang Mama ko." Pinaliwanag sa'kin ni papa ang lahat." Huminga sya ng malalim bago itinuloy ang kwento. "Kaya raw ibinuhos na ni Mama ang lahat ng pwede nyang magawa sa'kin ay dahil ramdam nya na rin na hindi na nya kaya." Umiiyak na sya, pinahid ko ang luha nya at pinasandal sa balikat ko.

"Sige lang, iiyak mo lang."

"Matagal na pala sila ni Papa na nag-uusap tungkol do'n, madalas na palang inaatake si mama sa puso at hindi na kinakaya ng gamot 'yon. Papa did everything that he can just to save my Mama from her death, but of course he can't because he's not the God that we're always calling when we're praying or when we need something. Masakit man para sa kanya pero pinalaya nya na si Mama, hindi na raw nya kaya na kada aatakihin si Mama nahihirapan sya ng nahihirapan. Kaya kahit ikamatay nya ang gagawin nyang desisyon, pumayag na syang pakawalan si Mama. Kaya lang naman daw lumalaban si Mama ay dahil sa'ming dalawa ni Papa. Alam mo yung masakit sa part ko? 'Yon yung ayaw ko syang mawala pero ayaw ko rin naman syang pahirapan pa, kaya kahit masakit. Wala akong nagawa."

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now