Nagsimula narin akong maghatid ng mga orders nang magsimula na ang disco time, tapos narin kasi akong kumanta at para malibang syempre. Alak dito alak do'n, pulutan dito, pulutan do'n. Hindi ko na iniisip ang pagod. I want to keep myself busy, kahit isang oras lang. Isang oras lang na hindi ko sya maisip, okay na sa'kin.Hanggang sa natapos na ang trabaho nang gano'n lang ang ginagawa ko, 6am na. Close na ang restobar, nandito narin sila manong janitor. Uwian na, ibig sabihin, maiisip ko nanaman sya.
"Ingat kayo guys, bye." Paalam ko sa kanila, kanina pa kasing 12 midnight umuwi si tita.
Sumakay na 'ko ng trycicle pagkalabas, may motor ako as my service kaso nasa pagawaan pa. Nasira kasi no'ng one time na nag-drive ako ng lasing at nagka-minor accident.
Nang makauwi ako sa bahay nakita kong tulog na si Papa, may nakita akong cake sa lamesa, siguro nanalo nanaman sa sabong 'to. Hilig nyang bumili ng desserts kapag nananalo sya sa sabong eh.
Nilagay ko lang 'yon sa ref dahil busog pa 'ko, tulad ng sinabi ko, hindi kami gano'n kahirap. Kaya lang naman tatlo ang trabaho ko dahil gusto kong maging abala. Sa araw-araw sinusubukan ko talagang maging abala ang katawan at isip ko para mabawasan ang isipin ko dahil baka kapag nagkataon at tamaan ako ng magaling eh mabaliw pa ako.
Nag-decide na nga akong magpapahinga na, nakakapagod na araw naman 'to.
**
*Fast-forward*
"Anak, gising na. Tumutunog na yung alarm mo oh." Rinig kong sabi ni Papa sa labas ng pintuan ko.
Huwebes nga pala ngayon.
Pinatay ko ang phone ko at saktong 8am na, 9am ang pasok ko sa parlor.
Bumaba ako sa kusina at nakita kong may nakahanda ng pagkain.
"Anak kain na." Alok ni Papa.
Umupo ako at sumandok ng sinangag, kumuha lang ako ng itlog at hotdog tapos nagtimpla ng kape.
"Sa parlor ka ba ngayon anak?" Tanong ni Papa, tumango lang ako. "Hindi ka ba napapagod sa kakatrabaho?"
Inubos ko muna ang laman ng bibig ko tsaka nagsalit."Pa, hindi nga 'ko napapagod na umiyak eh, magtrabaho pa kaya? Kaya ko pa, ako pa ba?"
Papa always asks me that thing, I just don't know why he's always asking me over and over again kahit alam naman nya ang isasagot ko.
"Kung ito ang paraan mo para makalimutan sya, hahayaan kita. Pero kapag nakaramdam kana ng pagod anak, sumuko kana."
Hindi na 'ko sumagot at tumango na lang kasi baka humaba nanaman, double meaning ba ang ibig nyang sabihin?
Mabilis kong tinapos ang pagkain at pag-aasikaso para makaalis na. Sumakay na 'ko ng trycicle pagkalabas, medyo malapit lang naman yung parlor sa pinapasukan kong restobar at tulad no'n, sikat din ang parlor na 'yon.
"Morning." Maikling bati ko ng makarating ako, inilagay ko agad sa locker namin ang mga gamit ko.
"Oh, nandito na ang ating best parlolista at ang best in hugot! Presenting, Jasmine Monteverde!" Cason, ang baklang etchusera, pakakasalan daw kasi sya ng idol nyang si Lee Min Ho kaya halos sa lahat ng gamit nya may sticker ng pagmumuka ng idol nya, crazy.
"Tumahimik ka nga bakla." Singhal ko at inirapan lang sya na kinembutan naman ako. Talandi.
Pumunta na 'ko sa pwesto ko at naghintay nalang na may dadating na customers, mga bandang 10am dyan malakas eh.
Nagkukutkot ako ng kuko ko nang marinig ko ang pagbukas sara ng glass door, may costumer na ngang pumasok. Ilang segundo pa nang walang nagsasalita kaya nag-angat na 'ko ng tingin at sana pala hindi ko nalang ginawa.