Destiny Eight

16 0 0
                                    

Jay's POV

Nandito ako ngayon sa resto ni tita para banggitin ulit kay Jasmine yung about sa date.

"So pwede nga ako?" Ulit ko, pamangkin naman ako ng may-ari eh.

"Ah Sir, autho--"

"I'm Jay Moshimoto, Maiden Moshimoto Montes's handsome nephew." Ngumiti ako at pagkasabi ko no'n dumeretso na 'ko sa kusina at sinalubong ako ng mabangong amoy.

"I never know na magaling ka palang magluto?" Bungad ko, nung humarap sya, kahit medyo pinapawisan sya, ang ganda nya parin.

"Kasi hindi ko naman kailangang ipagsabi, anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?"

"Wala naman, I just want to remind you of the date I was asking."

"Di ka makatulog? Kagabi mo lang tinanong 'yon ah."

"Let's just say, I'm excited." Hindi ko inaalis ang ngiti ko, ewan ko ba kung bakit pag sya ang kausap ko, hindi mawala-wala ang ngiti ko.

"Umuwi kana, hindi ko pa alam ang isasagot ko." Sabi nya at binalikan ang pagluluto, nanatili lang akong nakatayo sa pinto ng kusina.

"Excuse me, para lang to sa staff, Sir."

Tinignan ko ang nagsalita, galing sa backdoor. Sa suot nya mukhang isa sya sa mga chef dito.

"Pamangkin ako ng may-ari nito, siguro naman allowed ako?"

"Ah, gano'n po ba Sir. Sige po. Jas sa labas muna 'ko." Sabi nya kay Jasmine na tinanguan lang naman nito, kahit ba dito suplada parin sya?

"It seems like you don't really have an answer yet, so I better get going. Let me know nalang kung may sagot ka na. Bye, Jasmine." Pagsuko ko, ayoko syang pwersahin. Baka lalong mainis at hindi na talaga magdesisyong sumama eh.

"Okay." Napangiti ako, akala ko tatarayan nanaman nya 'ko eh.

Umalis na 'ko at sumakay ng kotse ko.

In all fairness, Jasmine is hard to tame huh? Is it because of her past? I swear if I saw that guy? I'm gonna punch him the reality na sinayang nya ang isang katulad ni Jasmine. Alam ko hindi ko pa sya masyadong kilala, HINDI PA. Pero dadating din ako do'n.

**

Jasmine's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng kotse ni mokong habang sya nasa loob pa ng mansion nila at sa dinami-dami ba naman ng makakalimutan, susi pa!

Oo nakita ko na ang mansion nya, yayamanin ang mokong at kung itatanong nyo kung bakit ako nandito sa kotse nya? Simple lang.

*Flashback*

Nasa bar ako at kumakanta ng makita ko ang pagmumukha nya sa isang table kasama yung lalaki no'ng una ko syang makita, katabi nila si tita Maiden.

Nagulat ako ng umakyat sya sa stage at nagpakilalang manliligaw ko raw, syempre todo tanggi naman ako 'di ba? At ang mas malala pa, sinabi pa nya sa lahat ha. Sa lahat, na kapag hindi raw ako pumayag na maging date nya sa sunday, ibig sabihin daw no'n ay sinasagot ko na sya.

Syempre tilian naman sila habang ako, gusto ko ng ipalunok sa kanya yung mic! Blackmailer pala 'to eh! Kaya wala akong choice, ayoko namang maging girlfriend nya 'no, mukha kasi syang playboy. Sa moves pa lang eh, tss. Mga lalaki nga naman talaga oh.

*Flashback end*

"Okay, tara na." Sabi nya pagkadating nya at binuksan na ang makina "Oh ba't nakasimangot ka dyan?" Hindi ko sya inimik. "Uy ano?"

"Ewan ko sa'yo, blackmailer!" Sigaw ko, natawa naman sya agad.

"Haha, okay lang 'yan Jas. Sinisiguro ko, mag-e-enjoy ka mamaya. Basta wag kang lalayo sa'kin ha."

Hindi ko na sya pinansin at namintana na lang, ang ganda ng panahon ha. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at sinalubong ang simoy ng hangin.

"Sorry to disturb your sight seeing there honey, pero nandito na kasi tayo." Mall? Dito sa mall gaganapin yung party? Mga anak mayaman talaga oh.

Nilahad nya ang kamay nya, para siguro alalayan ako pababa. Pinagmasdan ko ang mukha nya, hindi ko itatanggi na ang gwapo gwapo nya.

"Just this day, Jasmine. Let's pretend that we're a young couple. Just this day, let me make you happy and pretend that you've never been hurt. Please? Pwede ba 'yon?" Sabi nya.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng saya sa sinabi nya, inabot ko ang kamay ko sa kanya. Walang masama kung magpapanggap akong masaya ngayon.

Walang masama kung kakalimutan ko muna ang sakit na nararamdaman ko, walang masama kung hahayaan ko ang taong 'to na pasayahin ako.

"Just this day." Nginitian ko sya, yung totoong ngiti. Oh bakit? Ngayong araw lang 'di ba? Ngayong araw lang ako ngingiti, ngayong araw kunyari hindi ako nasaktan.

Pumasok na kami ng mall, tahimik lang ako pero sya parang tangang nakangiti habang deretso ang tingin. May nakakatawa kaya?

"Ang gwapo nya 'no?"
"Oo nga kaso mukhang taken na."
"Ang chaka naman nung girl eh, hindi sila bagay."

Narinig kong bulungan ng tatlong babaeng nakasalubong namin.

"Hoy tatlong bibe!" Sigaw ko sa kanila, nakatalikod na kasi sila sa'kin. "Kayong tatlong clown na maiikli ang suot!" Tawag ko ulit.

Tinignan nila ang mga kasuotan nila at tsaka ako nilingon.

"Kami ba ang tinatawag mong bibe?"

"Oo, may iba pa bang bibe dito?"

"How dare you!"

"Yes I dare! Ang kakapal ng mukha nyong sabihan akong chaka, akala nyo naman magaganda kayo!"

"Bakit totoo naman ah!" Pinamaywangan pa nila ako. Namaywang din ako at tinapatan sila.

"Para sabihin ko sa inyo, hindi kayo magaganda! Mas makakapal pa ang make up nyo kesa sa clown, at least ako, kahit walang make-up maganda na, tse!" Buong taray kong sabi at tinalikuran sila.

"Chill, Honey." Sabi ni Jay at inakbayan ako.

"Sinisira nila ang mood ko." Tinawanan nya lang ako at dinala sa isang botique ng mga damit pambabae?

"Teka, akala ko ba sa party? Ba't dito?"

"Syempre you need to change your clothes."

Tinignan ko ang damit ko. Isang simpleng white fitted dress na half leg length at nude veige flat sandal. Maganda naman 'to ah, bakat pa ang curves ng katawan ko.

"May problema ka ba sa outfit kong 'to?"

"Nothing, but I want you to be the prettiest woman in that party. But do me one thing."

"What?"

"Wag kang magpapalapit sa kung sinong lalaki or else, hahalikan kita sa harap nila." Nagulat naman ako do'n pero nakuha pa nya talagang kindatan ako, nakakainis ang lalaking 'to!

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now