Tumingin muna ako sa malayo at pinag-isipan muna ang sinabi ni lola, dumating na sya? Sino? Eh kung si Jeric pa ang babalik baka matutuwa pa 'ko."Eh lola sino--" Nabitin ang pagsasalita ko ng mawala si lola sa tabi ko, eh? Nasaan na 'yon? Wala pa 'kong dalawang minutong nalilingat ah. "Weird, makauwi na nga lang. Wala lang naman siguro 'yon."
--
Sa pagdaan ng mga araw ko, wala namang nagbabago, gano'n parin, walang kulay.
Pero iba ngayong araw ng linggo dahil napakaaga pa binabangungot na agad ako. Namamalengke ako ng pang-tinda ko mamaya nang mayroong isang kotse ang muntik nang makabangga sa'kin at buti nalang ay hindi ako natamaan. Hay Diyos ko po, ayoko pang mamatay! Single at virgin pa ako!
Narinig kong bumaba ang driver nito at inalalayan akong tumayo.
"Miss are you o--"
"Ikaw nanaman?!" Galit kong sigaw ng makita ko ang pagmumukha nya.
"Oh c'mon! I told you pretty woman, we are destined to each other! Nice." At nakuha pa nya talagang tumawa, itong bwisit na 'to!
Binatukan ko sya. "Amaza na amaze ka dyan samantalang muntik mo na 'kong mapatay tapos ganyan pa sasabihin mo?!" Kinamot nya ang ulo nyang binatukan ko. 'Cute.' What? Erase, erase!
"Seryoso nga. Ikaw nga ang destiny ko!"
"Alam mo makulit ka 'no? Saan mo namana 'yang kakulitan mo? Lumayas ka nga sa harap ko!" Aalis na 'ko ng hawakan nya ko sa braso.
"Sa Daddy ko namana 'yon at isa pa ang dami mong dala, sumakay kana ihahatid na kita sa inyo." Alok naman nya, hindi ko sya pinansin bahala sya dyan. Isa-isa kong inayos ang mga bitbit ko at tumalikod sa kanya.
"Trycicle!" Sigaw ko na sa pangatlong pinapara ko pero nilalampasan lang ako, kaasar!
"See? Nakikiayon sa'tin and tadhana Miss Jasmine, kaya akin na 'to at sumakay kana." Inagaw nya ang mga pinamili ko at inilagay sa compartment ng sasakyan nya.
"Alam mo, ang weird at ang corny mo!"
"Oo na, corny na. Kaya sumakay ka na o gusto mong buhatin pa kita?"
Napatitig nalang ako sa kanya ng masama, ayoko sa makulit kaya pagbibigyan ko na 'to, ngayon lang 'to. NGAYON LANG.
"Sasama rin pala eh." Natatawang parinig nya.
"I have no choice, masyado kang makulit." Umirap ako at hindi na sya pinansin.
**
Jay's POV
Cliche at nakakatawa mang narinig nya sa'kin ang salitang destiny, okay lang. 'Yon talaga ang naramdaman ko sa kanya the moment I saw her. Kung totoo man ang love at first sight? AKO ang best example dyan. Una palang na makita ko sya sa resto bar ni tita Maiden alam ko na na gusto ko na sya, dinaan ko sa biro ang pagkailang ko.
Bakit tita ang tawag ko sa may-ari ng resto bar? Kasi kapatid sya ng Daddy ko, nasa Japan sya at nagpaiwan dahil sa business namin do'n. Sa Japan ako lumaki, pero nung high school na 'ko dito ako sa Philippines pinag-aral ni Daddy. Shareholder kasi ang Daddy ko sa school na pinasukan ko.
Bumalik lang ako nung nag-college na 'ko at ngayon na graduate na 'ko ayoko munang mag-trabaho, Business Management ang kursong kinuha ko. Sabi 'yon ni Daddy kasi ipapasa nya raw sa'kin ang pamamahala ng kompanya pag nag-retire sya.
Like, hello? Ang tagal pa no'n, kakasingkwenta-anyos pa nga lang nya. Tsaka ayoko ng business, pagiging pintor ang gusto ko.
Tahimik lang si Jasmine buong byahe, magsasalita lang sya para sabihin kung dederetso o liliko. Hindi ko narin muna sya kinulit at baka mabatukan nanaman ako, bigat ng kamay eh.
"So, dito ka pala nakatira." Sabi ko ng makarating kami sa bahay nya, isang simpleng two storey-house na kulay mint green. Nice, hindi pangit tignan.
"Obviuos ba." Taray talaga. Tss.
"Sarili nyo?" Tanong ko nalang.
"Nangungupahan lang kami, hindi pa sapat ang ipon ko para bumili ng sarili naming bahay. Tsaka para saan pa? Dalawa lang naman kami ng papa kong nakatira dyan." Sagot nya, wow naman. 'Yon na ang pinakamahaba nyang salita sa'kin.
"Bakit? Wala kang kapatid? Nasa'n mama mo?"
"Nag-iisa lang ako, patay na-- teka, ba't nga ba ako nakikipag-usap sa'yo? Umalis kana nga, masyado kang madaldal." Sagot nya at agad na binuksan ang pinto ng kotse.
"Nagtatanong lang eh. Babalik ako dito mamayang gabi ah? Jas barbeque-han? Oh sige dito ako kakain mamaya ha? Haha, see you." Pang-aasar ko.
"Tse!" Maikling ismid nya, natawa nalang ako. Ang cute nya, nakakainis. No wonder why she got my attention on the very first day.
I started the engine and went home straight.
"Goodmorning, Sir. May bisita ka po sa loob, si Sir Jack po." Sabi ng mayordoma sa mansion. Tumango lang ako.
"What's up, bro?" Salubong na tanong sa'kin ni Jack na prenteng nakaupo sa couch.
"Fine, how 'bout you?"
"Well, I have a welcome back party prepared by my parents and they want to invite you and of course I want you to be there. Go and find your date, bro haha." Well, madali lang para sa kanya na sabihin ang ganyan dahil dyan sya magaling haha.
"Ba't kailangan pa ng ka-date?"
"Okay, kung gusto mong kuyugin ka ulit ng mga pinsan kong girl. Sige wag ka maghanap ng ka-date." Maloko nyang sagot.
"Oh Jeez, I forgot. If that's the case, then I won't come."
"You need to come because my Mom said so. If you won't come, she will fetch you here and kick your butt to get out of this mansion." Natatawa nyang sabi.
"Jeez, si tita talaga. Paano 'yan wala naman akong masasamang date do'n." Nangalumbaba ako.
"Meron, yung babae sa resto ni tita."
"Jasmine?" Tumaas ang kilay ko.
"If that's her name, then it's her." He smirk.
Napangiti ako, nice idea. I think it's the best start to get close to her.
"What's with that smile, bro? Don't tell me, type mo?"
"Shut up Jack, go home now." I said smirking.
"You're smile is the answer man, haha! Nai-inlove kana, ULIT." Nawala ang pag ngiti ko.
Ulit? Ba't kailangan pa may 'ulit'? Tinutukoy ba ni Jack yung past ko? Na hindi katulad ni Jasmine ay nakalimutan ko na?
"Chill bro, wala 'kong tinutukoy, haha! Sige alis na 'ko, may date eh. See you on sunday, bro." Tinapik nya 'ko sa balikat bago sya tuluyang umalis.
It's still early, I'll take a nap nalang muna. I have nothing to do here, Jeez. So boring. Nag-set ako ng alarm at 6pm dahil seryoso ako na babalik ako kila Jasmine para doon kumain. Iniisip ko pa lang, hindi na mawala ng ngiti ko. Kainis. Nakakabading naman 'to.
--
*Alarm ringing*
Kinusot-kusot ko ang mata ko bago bumangon, naligo at ano pa? Edi umalis na haha. Hindi naman ako excited na makita si Jasmine 'no? Oo hindi nga, kakain lang ako. Gutom lang ako haha.
Half hour of driving, nakarating na rin ako sa tapat ng bahay nila. Ba't ba kasi ang layo ng bahay ko sa bahay nya, lalo tuloy akong nagutom.
**