Destiny Ten

23 0 0
                                    

Jasmine's POV

Sino ba 'yang Jenny na 'yan at dalawang beses ko ng naririnig ang pangalan nya? Para sabihin ko lang, naiirita ako sa pangalan nya.

Kanina sa parlor, inakala nung bakla na kasal na sila, bakit engaged na ba sila dati? Pati dito, kilala rin yung taong 'yon. Ano ba sya sa buhay ni Jay?

"Hey Jasmine, are you okay?"

"Ah, y-yes." I smiled.

"Are you not comfortable? We can stay in the garden if you want." Jay is kind, no doubt. Parang baliktad nga kami dahil sya pa yung soft spoken tapos ako yung garapal magsalita.

"Hindi na, promise okay lang ako." Ayoko namang sabihin na dahil sa Jenny na 'yon nasira ang mood ko 'no.

"Okay sige, sabi mo eh."

"Hi bro, haha buti pumunta ka." Sabi ni Jack na ang gwapo rin sa suot nya, pero mas gwapo parin si Jay. Oo na inaamin ko naman!

"Baka may choice? Haha."

"At may date ka nga haha. I'm Jack Clein, nagkakilala na tayo 'di ba? Ikaw si Miss not interested 'di ba?" Natawa naman ako ng akward. Ano ba naman 'to.

"Stop it bro, her name is Jasmine." Jack offered a handshake and I took it, nasa gitna namin sya dahil balak nya yata na interviewhin lang ako buong oras ng party. Napakadaldal.

Siguro after ng ilang tanong at kwento lang din nya ay napagod na syang kausapin ako dahil panay tango lang ako at tahimik na nakikinig sa music na akala mo nasa discohan ako, promise, mas maingay 'to sa bar. Kala mo walang matatanda dito eh 'no?

"Waaahh! Ang gwapo mo parin!"
"Sabi ko na babalik ka pa eh!"
"Namiss mo ba 'ko Jay my loves, waahh!"

Rinig kong sigawan ng hindi lang tatlo kundi madaming babae! As in! Mga nasa sampo yata sila, tse! Paki ko ba sa pinagkakaguluhan nila-- teka? Jay ba kamo?! Nandito lang sya sa tabi ko kanina ah?! Teka si Jack nga pala katabi ko, jeez!

"Jasmine, help!" Rinig kong sigaw ni Jay sa gitna ng pangunguyog ng mga kababaihang ito, bigla naman akong nayamot sa nakita ko, nag-iinit ang ulo ko sa kanila! Lumapit ako sa mga nagkakaguluhan, tumikhim ako saglit at taas noong nagsalita.

"Excuse me." Parinig ko na hindi naman nila narinig dahil sa mga tilian nila. Nakikita ko si Jay sa maliliit na pagitan, nakataklob ang mga kamay nito sa ulo. "Excuse me!" Nilakasan ko na ang boses ko at do'n napatigil sila at sabay-sabay akong tinignan, take note: mula ulo hanggang paa.

"At sino ka naman?!" Taas kilay na tanong ng isa sa kanila.

"Oo nga, makikisali ka ba?"

"Don't dare Miss, kung ayaw mong kayugin ka namin." Sabi ng dalawa pang pandak naman.

"Ako lang naman ang GIRLFRIEND ng lalaking pinagkakaguluhan nyo." Taas noo kong sabi, diniinan ko talaga.

"Really?!" Nakangangang tanong ng isa sa kanila.

"Yes, REALLY." Pinagkrus ko ang mga kamay ko at mataray silang tinignan.

"I don't believe you!"

"I don't care if you nor them..." tinuro ko silang lahat na nakapaligid kay Jay. "Are not going to believe it, just accept the fact that JAY MOSHIMITO is my BOYFRIEND." May diin talaga sa bawat salita ko para dama nila, hah! Akala nyo masisindak nyo 'ko? Asa! "Selfish ako pagdating sa pag-aari ko, kaya mawalang galang na, lumayo-layo kayo sa kanya." Sabi ko sa alam kong masisindak sila na tono. "Back off, shoo!"

"Tsk! Nakakaasar ka!"

"Yeah right, hindi ka naman gano'n kaganda!"

"Hindi ko naman sinasabing maganda ako, ang sinasabi ko lang, MAS pangit kayo."

"Hmp!" Sabay-sabay nilang sabi.

Pagkatapos nilang mag-tantrums na akala mo batang inagawan ng cotton candy ay nakarinig ako ng ilang palakpakan. Pagtingin ko sa paligid, marami ang nakatingin sa'kin, maging si Jay na nasa di kalayuan sa'kin ay nakangiti habang pinapalakpakan ako.

Bwiset! Nakagawa na pala ako ng isang eksena dito, nakakahiya hindi naman ako invited dito eh!

"Bravo, bravo, bravo! Haha nakakatuwa ka Hija, ni hindi ka nasindak sa mga babaeng 'yon habang nag-iisa ka lang? You're so brave." Sabi ng mama ni Jack.

"Huh? Um, Ma'am Miana ginawa ko lang po ang tama." I chuckled. "Nakakahiya naman, nakagawa pa 'ko ng eksena rito." Napayuko tuloy ako.

"No Hija, tignan mo si Jay, tahimik lang na nakatingin sa'yo. Little did you know, nabigla 'yan. Dahil wala pang nakakagawa sa kanya ng ganyan, even Jenny. She never did that, hinahayaan nya lang kuyugin si Jay ng mga pamangkin ko." Sabi nya at inakbayan pa 'ko.

"T-talaga po?" Nginitian lang ako nito at tinanguan. Bakit gano'n? Okay lang sa kanya kahit na pwedeng masaktan si Jay sa gano'ng eksena? Weird.

Umalis na sya sa tabi ko at nilapitan naman ako ni Jay.

"Salamat Jasmine." Niyakap nya 'ko, ng mahigpit.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng saya ng yakapin nya 'ko, sa harap ng mga kakilala nya, sa harap ng maraming tao.

Nang kumalas sya sa pagyakap sa'kin tinitigan nya ko sa mata, nakipagtitigan ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero may iba akong nararamdaman sa titig nya.

His face is getting close to me, palapit ng palapit, and before I knew. He kissed me, in my cheeks. Oh thank God, akala ko sa lips na eh.

"Jay--"

"Hello everyone, let's start the slow dance!" Sigaw ng emcee, panira naman ng speech to tsk!

"Jasmine, shall we?" He smiled at me, a sweet one.

"Walang problema." Nginitian ko rin sya, natugtog ang fallin' ni Janno Gibs. Hindi ko alam kung bakit 'yan ang pinatugtog gayong marami namang ibang pwedeng pang slow dance na tugtog.

Tsaka isa pa, merong mga mag-asawa at couple dito na iba pa. Parang yung sinasabi kasi ng tugtog ay yung nahuhulog palang. Yung tipong nahuhulog na kayo sa isa't-isa.

Nako mahirap mahulog lalo kung wala namang totoong marunong sumalo.

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now