"Kanina ka pa sinesenyasan ng M5 oh." Sabi naman ni Tasha.
Napatingin ako sa stage, oo nga sinesenyasan na'ko para kumanta.
"Hay nako, iba talaga pag inlove." Parinig naman ni Philip.
"Sabi ng hindi ako inlove eh!" Sigaw ko, nakalimutan ko na nasa bar nga pala ako at hinihintay nila para kumanta. Pinagtitinginan tuloy ako!
"Sinasabi lang naman namin, Head eh" -Marian.
"Ewan ko sainyo! Mga bwisit! Mag-trabaho na kayo!" Sabi ko at pumunta na ng stage.
Iniwan ko silang lima dun, nakakaasar sila. Hindi ba sila titigil sa kakasabi sakin ng inlove ako? Ang sarap nilang pagsasampalin sa totoo lang.
"Eto yung mga request, badtrip ka yata pero mapipilitan kang maging masaya." Sabi ni Magani.
Tinignan ko ang mga request song.
*zombie
*breathless
*fame"Eto lang?"
"Hindi, may isa pang special guest na mag-rerequest mamaya pagkatapos mong kantahin 'yan." Sagot ulit ni Magani.
Nagkibit-balikat nalang ako at sinimulan na ang pagkanta.
"Mukhang maraming masaya ngayon ah, then this is the first song requested."
Nagsimula na akong kumanta at parang niloloko ko nga lang ang sarili ko dahil hindi naman ako masaya ngayong araw tapos yung kanta ko, nakakaindak.
Hanggang sa natapos ko na nga ang tatlong kanta, gusto ko ng matapos ang oras ko sa pagkanta para makababa na'ko dito. Pakiramdam ko kasi may isang pares ng mata ang kanina pang nakamasid, feeling ko lang naman 'yon. Ano bang malay ko.
"Break ka muna Jason, wala pa yung anonymous guest eh." Sabi ni Magani.
Bumaba ako sa flatform at dumeretso sa bar counter.
"Isang tequilla." Order ko.
"Tequilla? Head, ayaw mo naman yatang malasing?" Sabi ng bartender.
"Basta bigyan mo nalang ako." Utos ko, tatanong tanong pa eh.
Nang mabigyan na'ko ininom ko agad 'yon, pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko at kailangan ko ng magpapaalis ng pagkatuyo nito para sa pagkanta mamaya.
Biglang rumehistro ang masayang mukha ni Jay sa utak ko.
"Tss, nakakatawa lang." Mahinang sambit ko.
Nakakatawa lang na bigla nalang nya akong hindi tinawagan, bigla nalang nya akong iniwasan at bigla nya nalang akong kinalimutan. Sabi nya gusto nya 'ko? Trip nya lang ba 'yon? Pwes hindi ko 'yon sasakyan.
"Head, okay na daw yung kakantahin mo." Sabi ni Dan, tinanguan ko lang sya at pumunta na sa stage. Nabitin ako sa alak, makapag-inom nga mamaya.
"All right, this is the last song na kakantahin ng ating mahal na Jasmine. This song is requested from our anonymous guest, and HE is dedicating this song sa isang babae na gustong-gusto nya daw pero hindi pa nya maligawan. Hindi pa raw pwede, at isa pa, nandito daw ang babaeng 'yon. Napaka-sweet naman ng ating guest, haha Jasmine? Kantahin mo na ang FOREVER ng amber pacific." Mahabang speech ni Magani, nakakaantok sya.
Pero teka? Amber pacific? Ngayon lang may nag-request ng ganyang genre ng kanta ah? I mean bukod kina, bruno mars, katie perry at avril lavigne. Eh ngayon lang ako kakanta ng isang kanta na grupo ang gumawa, napakinggan ko na 'yon pero hindi ko 'yon masyadong saulado.
"Jas, eto yung lyrics. Go hurry, papatapusin lang daw ng guest yung pagkanta mo tapos aalis na sya, his flight will be half an hour." Nagmamadali? Nagmamadali? Letse.
Nang nagsimula ng tumugtog ang kanta, hindi ko alam kung bakit no'ng unang stanza, damang-dama ko bawat lyrics. Para syang kinakanta para sa'kin.
Amber Pacific
Forever
In my heart is where you are
It's where you'll always be
Staring out across the stars
A perfect memory
It brings me back to your arms,
I feel the warm embrace
Of everything that you were,
You're everything to meAnd if I leave you here forever
Forever I would stay
Cause I've been feeling so much better
With every single day
And if I could control the weather,
The clouds and the rain
I know you're part of something deeper,
You're better off this wayYou can predict you can't become
Lost in your ways
I miss you most now you're gone
I'll never be the same
I can't hold back when it shows
I'm breaking down to say
I won't forget who you were,
You're everything to meAlangan namang para sakin 'to diba? Eh may anonymous nga na nag-request nito eh, malamang nandito sya at ayaw magpakita.
Yung chorus ewan ko pero ako yung nasasaktan sa mga lyrics na binabanggit ko, para talaga syang para sa'kin eh. Nakakaiyak.
Hindi kaya dumating na si Jeric at sya ang nag-request nito pero ang totoo para sa'kin talaga 'to? Pero imposible 'yon, hindi naman nya 'ko gusto.
Baka naman si Jay? Kasi lagi akong sinasabihan no'n na liligawan nya ko eh, pero hindi rin siguro. Dalawang linggo nya na'kong hindi tinatawagan eh.
Ba't ba napaka-assuming ko ngayon? Sa dinami-daming babae dito, sarili ko pa talaga ang naisip ko? At sa dinami-dami ng request na aangkinin ko, yung pang-sawi pa talaga?! Haha! Kung ano-ano nalang kasing pumapasok sa kokote ko, magmula no'ng dumating yung Jay na yun ang daming nabago sakin, kainis.
No'ng matapos ko na ang kanta deretso lang ang tingin ko sa entrance ng bar, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano pero… parang nakita ko si Jay na lumabas mula do'n. Kasing katawan nya kasi yung lalaki at kasing tangkad, nakasuot sya ng white t-shirt na pinatungan ng black jacket. Pero hindi ko nga sure kasi nakasuot sya ng black cap.
Napansin ko lang sya kasi nakaharap sya dito sa stage bago sya lumabas. Pero imposible naman 'yon, ba't naman pupunta dito eh hindi nga nya ko natatawagan eh. Ni hindi nga sya makasilip man lang kahit saglit dito.
Aaminin ko, nami-miss ko ang presensya nya. Yung pagiging makulit yet maalagain na side nya, yung pagiging madaldal nya kahit minsan nakakairita na.
Ayoko naman kasi syang puntahan sa bahay nya para lang kamustahin at kausapin sya kung bakit bigla nalang nya akong kinalimutan. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kaya ayokong magmahal ulit dahil baka masaktan nanaman ako. Kaya pinipigilan kong mahulog sakanya.
**
Jay's POV
Masakit na makita mo yung taong minamahal mo na malungkot na kumakanta ng kantang para sakanya talaga, oo ako ang anonymous guest nila Jasmine.
Para sa kanya ang kantang 'yon, pakiramdam ko kasi hindi ko pa kayang sabihin sakanya ang mga salitang sinasabi sa kanta. Hindi pa sa ngayon.
Babalik ako Jasmine, babalikan kita at kapag nangyari 'yon, hinding-hindi na kita iiwanan pa. Hinding-hindi na kita bibitawan pa.
"Babe, you're not listening." Jenny interrupts me, I'm here in japan and she's with me. The day that Jack said that Jenny is back, I felt dissapointment.
Bumalik sya para sa kasal namin na napag-usapan na nung eighteen palang sya habang twenty naman ako, kaedad lang sya ni Jasmine. Hindi ko gusto 'yon, ang mga magulang nya ang nagpumilit ng bagay na 'yon sa daddy ko. Dahil lang sa business ikakasal ako sa babaeng hindi ko kilala?
*Flashback four years ago*
"Thanks for your help Mr. Moshimoto, our company is just saved because of you. I owe you bigtime, really." Her father said.
**