"Jas, tatlong stick pa ng isaw tsaka paa." Narinig kong sabi ng lalaking customer, hindi ko muna sya nilapitan, kahit naka-apron sya ang ganda nya parin."Sige manong Top."
"Ako rin Jas, tatlong stick ng laman at tenga." Sabi pa ng isa.
"Grabe kayo Channy ah, iba iba kayo ng pulutan." Sabi ni Jasmine.
"Ang sarap kasi ng barbeque mo eh haha 'di ba mga pare?" Mukhang malakas ang barbeque-han na 'to ah.
"Aba syempre, 'yan pang inaanak ko? Magaling magtimpla ng pagkain 'yan." Ah, ninong nya pala ang isa rito.
"Sa isang bagay lang naman ako hindi magaling ninong eh."
"Nako, anak tama na. Alam na namin 'yan, huhugot ka nanaman eh." Sabi ng isang lalaki pa kasunod ang tawanan nilang lahat.
"Pa, naman eh." Ngumuso sya, do'n ko hindi napigilang tumawa haha! Her face is so funny and cute when she's doing that.
"Oh Hijo, bibili ka ba? Ba't nakatayo ka lang dyan sa gate?" Sabi nung tinawag nyang papa.
"Hello, actually, dito po 'ko magdi-dinner and Jasmine already knows it. Right Jasmine?" Tinignan ko sya habang nakangiti.
"Barneque-han 'to at hindi karinderya kaya wag ka rito kumain." Mataray nyang sagot.
"Teka, magkakilala ba kayo anak?"
"Oo--"
"Hindi."
Magkaibang sagot namin, hindi raw eh nagpakilala na nga ako sa kanya eh.
"Ano ba talaga ang totoo?" Tanong ulit ng papa nya.
"Nagkakilala po kami a week ago at kanina lang po ulit kami pangatlong beses na nagkita, sa tingin ko po kasi sya na po talaga ang destiny ko." Confident kong sagot at ngumiti pa 'ko.
"Hoy ano bang pinagsasasabi mo dyan? Tumahimik ka nga!" Saway sa'kin ni Jasmine.
"Nanliligaw ka ba sa anak ko?"
"Hindi pa po."
"Anong hindi pa? Anak ng! Pa wag kang maniwala dyan! Oo na sige na, dito kana kakain, umupo kana dyan. Letse!" Natatarantang sabi nya, natatawa nalang talaga ako sa itsura nya, pinipigilan ko lang.
"Is that how you treat your customers?" I politely asked pero sa totoo lang, gusto ko na talagang matawa. Ang cute nyang mainis.
"Only to you, dimwit!"
"Well at least, I'm special because you're treating me differently from the others." I looked into her eyes at puro irap naman ang natanggap ko.
"Tumahimik kana nga, ano bang gusto mo?"
"Ito, ito, ito at tsaka ito." Sabi ko habang nagtuturo.
**
Jasmine's POV
Nakakabwisit talaga ang lalaking 'to! Humanda sya sa'kin kapag nakaalis na sila papa! Hanggang dito ba naman sa tindahan ko, dinala nya ang kabaduyan nya!
"Pinaglololoko mo ba 'ko? Puro ka turo dyan eh!"
"What? You asked me what I wanted so I told you what I wanted to eat." Tumaas ang kilay nya, ikaw pa mataray ah!
"Eh alam mo ba ang mga tawag dyan at kung makaturo ka?"
"Hindi ko alam ang pangalan ng mga 'yan, pero narinig kong masarap kasi sinabi nya kaya ayan ang gusto ko." Sabi nya ng tinuro pa si kuya Channy na nakikipag-inuman.
"Sumasakit ang ulo ko sa'yo! Sige na nga, umupo kana!" Sagot ko at umupo na nga sya at kay papa pa talaga tumabi.
"Ah Hijo, matanong ko lang ha. Bakit dito ka pa kakain kung marami namang restaurant dyan? Mukha namang mayaman ka eh." Tanong sa kanya ni papa.