Destiny Seven

19 0 0
                                    

Jay's POV

"Let's take a walk, I have something to tell you."

"Huh? Lumakad ka mag-isa mo, kita mong may ginagawa eh."

I leaned close to her.

"You'll go with me? Or I'll kiss you?" I said seductively. Hindi sya agad nakaimik. "Naghihintay ako."

"Ang harot mo! Nagtitinda pa 'ko oh, konti nalang mauubos na 'to."

"Bigay mo nalang 'yan sa kanila, I'll pay for it." I said pointing to her father and the others.

"Siguraduhin mo lang na importante 'yang sasabihin mo dahil kung hindi, baka hindi ka na makalabas ng buhay sa compound na 'to." Tinanggal nya ang apron nya. "Pa sa inyo nalang yung tinda ko, pinakyaw nya. Punta lang kami sandali sa playground." Rinig kong paalam nya dito.

Nauna akong lumabas ng gate at hinintay sya sa gilid ng kotse ko. Nang makalabas sya, binuksan ko ang pinto ng kotse. "Sakay na."

"Sabi mo maglalakad?"

"You said in the playground, right? Just hop in." Seryoso ang mukha ko at gusto kong matawa sa itsura nya sa totoo lang. Parang kabado na hindi mo maintindihan.

Sumakay sya at nagmaneho naman ako papunta sa playground na malapit sa restobar ni tita.

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?"

"No'ng nag-aral ako ng high school dito madalas ako tumambay do'n sa punong 'yon, lagi nga 'kong pinapagalitan ni tita Maiden kasi ginagabi ako dyan."

"Tita Maiden?"

"Yes, yung may-ari ng restobar na 'yan, kapatid sya ng Daddy ko."

"T-talaga?" Bigla syang nautal at bahagya pang nabalisa hindi 'yon nakaligtas sa paningin ko. "Edi kilala mo si-- nevermind, ano bang sasabihin mo?"

Humarap ako sa kanya at deretso syang tinignan sa mata. "Be my date." Nagulat sya sa narinig.

"A-ayoko nga, hindi ako kaladkaring babae 'no."

"Kaya nga kinausap kita ng maayos eh, next sunday pa naman 'yon. May pa-welcome party kasi si Jack, invited ako at kailangan ko ng ka-date kasi ayokong kuyugin ako ng mga babae."

"Wow, ang gwapo mo ha. Sobra! Ayoko parin, araw ng tinda ko 'yon."

"Pinakyaw ko ulit." Pilit ko sa kanya at pinagdikit pa ang mga palad ko.

"Hahaha!" Huh? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Anong nakakatawa?" Bigla syang tumigil at tumingin sa'kin.

"Ano kamo? Pinakyaw? Yung mga tinda ko?" Tumango ako. "Haha, papakyawin 'yon!" Eh?

"Pero 'yon ang sinabi mo sa Papa mo diba?"

"Oo 'yon nga, ibig sabihin no'n nagawa mo na, binili mo na."

**

Jasmine's POV

Nakakatawa talaga ang isang 'to haha, kota na ata ako sa saya ngayon.

(A/n: at least sya napapatawa ka)

Epal ka talaga author, tss. Pero date? Anong tingin nya sa'kin, kaladkarin?

"Anong pinagkaiba no'n?" Tanong nya pa.

"Yung pinakyaw kasi nabili mo na. Yung papakyawin, bibilhin mo pa lang."

"Ah. I see. So are you gonna be my date?"

"Ah teka, pag-iisipan ko muna. Matagal pa naman 'di ba?" Wala naman atang masama 'di ba? Makakakain na 'ko ng libre, babayaran nya pa ang araw ko sa pagtitinda. Kikita ako ng walang kahirap-hirap, swabe.

"Okay, my pleassure to wait. Let's go home." Sabi nya at lumakad na ulit pabalik ng kotse nya, sumunod naman ako at sumakay. Nakangiti lang sya habang nagdadrive, sobrang hyper naman yata nya.

"Thanks for tonight, I had so much fun." Sabi nya ng makarating kami at bago pa 'ko makapasok ng gate.

"Ah, sige ingat." Maikling sagot ko, hindi ko na sya hinintay na umalis dahil pumasok na 'ko sa loob, naabutan ko sila papa na nag-iinuman parin.

"Pa, pwede maki-inom?"

"Basta walang hugutan ha."

Natawa naman ako ng konti, kami ng papa ko? Super close kami, parang tropa tropa lang. Pag may problema ako, akala mo kaibigan ko lang sya kung payuhan ako.

Alam nya ang lahat ng pinagdadaanan ko, sya mismo nagsabi na kapag hindi ko na kaya ang dinadamdam ko, iinom ko lang daw.

Sya kasi gano'n, kapag may gusto syang sabihin na hindi nya masabi? Lalasingin nya muna ang sarili nya bago sya magsalita. Sa gano'ng paraan daw kahit papaano nakakahinga sya ng maluwag, kasi sa wakas, nasabi nya na raw.

Sa bawat pag-ikot ng baso at sa bawat paglapat ng alak sa lalamunan ko, binabalikan ko nanaman ang lahat, kasama na yung sakit.

"Bakit ba kasi gano'n, Pa? Iniiwan tayo ng taong mahal natin, eh wala naman tayong ibang ginawa kung hindi ang mahalin sila."

"Ayan na nga ba sinasabi ko eh, huhugot ka nanaman. Na-inlove ka kasi sa walang pakialam anak, kaya ayan para kang nagwawalis habang nakabukas ang electric fan. Lahat ng paghihirap mo, nasayang."

Gano'n ba 'yon? Nasayang lang? Hindi nya nga ba talaga ako minahal? Pustahan lang talaga ang lahat? Eh ba't pinatagal pa nya ng dalawang taon? Ibig sabihin sa mga taon na 'yon hindi nya ako minahal talaga? Kahit konti?

"Hindi ko naman kailangan ng taong sobrang mahal ako eh. Ang kailangan ko, yung taong iingatan ako at makukuntento sa simple kong pagkatao."

Love is funny, isn't it? You've been hurt and dump but you're still hoping that one day, everything will get back to it's proper place. Na parang willing kang kalimutan yung sakit na binigay nya basta lang bumalik sya.

"Alam mo 'nak, isang bagay lang ang ayaw ko sa'yo."

"Huh? Ano naman 'yon?"

"Anak, mahirap kasing umiyak dahil sa sakit na nararamdaman, pero 'yang miminsang pagngiti at pagtawa mo para lang kunyari hindi ka nasasaktan, 'yan ang ayaw ko."

"Huh? Eh 'di ba sabi nyo ayaw mo ng nalulungkot ako?"

"Oo sinabi ko 'yon pero hindi ibig sabihin no'n na paplastikin mo na ang sarili mo anak, wag kang mag-kunwaring masaya ka. Ilabas mo ang tunay mong nararamdaman, kasi kapag lalo mong tinatago 'yan, lalo ka lang masasaktan."

Nailabas ko naman ah? Lagi nga akong nag-e-emote eh. Kung alam mo lang papa, lagi akong umiiyak. Sa tuwing hindi ko na makakayanan yung lungkot, iniiyak ko. Lahat iniiyak ko.

**

"Ay, ang eyebags 'te ang laki ah. Saan ang flight mo at ang laki yata ng bagahe mo?" Salubong na tanong sa'kin ni Minnie pagkapasok ko ng resto.

"Wala, napuyat lang ako."

"Ay! Napuyat ka ba kakaiyak?"

"Tse, nag-inom kasi ako." Dumeretso ako sa kusina at nag-attendance.

Since wala lagi ang may-ari nito, ako ang naatasang isulat ang attendance para raw walang dayaan, kapag absent ako ang manager ang gumagawa.

"Chef Mac, ano pang lulutuin?" Tanong ko.

"Yung recipe mo nalang ang kulang Jas."

Sinuot ko na ang apron ko at sinimulan ko na magluto.

"Wag mong hugutan 'yan ha, para maging masarap haha." Tinitigan ko sya ng masama. "Hehe nagbibiro lang." Pagkasabi nya no'n lumabas na sya ng kusina.

"Good morning handsome, este Sir pogi." Narinig kong malanding sabi ni Minnie, yung bakla talagang 'yon.

"Good morning din pretty gay, where's Jasmine?" 'Huh? Ako?'

"Okay na sana eh, bat may gay pa. Well, nasa kusina baka nagluluto na, Sir."

"Thank you, can I come in?"

"Um, an authorized person only, Sir."

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now