Biglang sumulpot si Jay sa harap namin at inakbayan kaming dalawa "Talking about me?"
"Nothing Hijo, just asking Jasmine about you two."
"What about us? We're friends tita, don't take it in the wrong way."
"Don't be defensive my nephew, I'm just asking hahaha."
"Good evening Maiden bar!" Bati ni Magani sa mga kakapasok lang na customers. "Have fun and drink, we will sing in a few minutes."
"Oh sige, maiwan ko na kayo. Sa office lang ako ha?" Paalam ni Tita.
Mabait si Tita, mag-isa nyang tinaguyod ang nag-iisa nyang anak mula ng mamatay ang asawa nya no'ng 18th birthday ni Jeric, maalaga sya at malawak ang pasensya.
Mapagmahal din sya, tipong wala kang maipipintas sa ugali nya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi 'yon namana ni Jeric.
"Hey Jas, tinatawag ka na sa stage." Untag sa'kin ni Jay.
"Oh, sorry. I was spacing out."
"Don't think too much about me honey, I'm just here." Pilyong sabi nya.
"Feeling mo 'no, hahaha." Sagot ko at umakyat na sa stage.
"Good evening, everyone. Are you enjoying tonight?!" Malakas kong sigaw.
Naghiyawan naman sila at nagpalakpakan.
"Woah woah, I guess our sweet voice is in a good mood tonight, ha." Natatawang sabi din ni Magani, nagtawanan tuloy ang iba.
"Whatever Magani." Tumawa nalang ako. "So our first song is, Secret Love Song? Aba, mukhang may hindi magawang umamin dito ha." Maloko kong sabi at sinimulan na ang pagkanta.
Nasa mood ako kumanta kaya naman pakiramdam ko, gustong-gusto nila ang pagkanta ko ngayon. Nang matapos ay palakpakan ang nangibabaw sa paligid.
"Woah, what a good performance Jasmine."
"Chill Magani, we still have a many request to sing. Now our second song requested is, One Call Away By Charlie Puth! Parang relate ako sa kantang 'to ngayon ah." Nakarinig ako ng tawanan mula sa crowd. Hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti, masarap pala sa feeling yung hindi ka nagkukunwaring masaya 'no.
Nagsimula na nga ang tugtog kaya sinimulan ko na ring kumanta.
Binalingan ko ng tingin si Jay, masaya syang nakatingin sa'kin. Nginitian ko sya ng walang alinlangan, nakakadala ang mga ngiti nya.
"Guys, after nito, break muna ah." Sabi ko at kinanta na ang pangatlong request nila, ang Rainbow ng Southboarder. Mabuti nalang walang mahirap na kanta sa'kin.
Nung nasa kalagitnaan na ako ng pagkanta, bigla akong kinabahan. Kaya nawala ang focus ko at medyo nag-crack ang boses ko.
Mabilis akong sumenyas at sinalo ni Magani ang pagkanta, ako na ang second voice ngayon. Hindi ko alam pero iba ang pagkakaba ko ngayon.
Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda, nagpa-salamat ako no-ng natapos ang kanta at mabilis na bumaba ng stage. Turn na ng M5.
Pumunta ako ng counter at agad naman akong tinabihan ni Jay.
"Jasmine? Anong nangyari? Nawala ka sa focus kanina." May pag-aalala sa boses nya.
"Hindi ko alam Jay pero sobra yung kaba ko kanina." Sabi ko at um-order ng alak.
"Okay everyone, we have a guest. He wants to sing here on stage." I heard Magani said, guest? My hurt is beating so much na parang gusto nang kumawa ng puso ko.
"Welcome back…
Jeric Montes!"
Nabato ako sa kinauupuan ko, shit.
**
Jeric's POV
Nag-desisyon na 'ko na magpakita na kay Jasmine, ayoko ng magpalampas ng araw. Wala akong plano kaya hindi ko 'to napaghandaan.
"Welcome back, Jeric Montes!" Malakas na bati sa'kin ni Magani na naka-mike pa, kinakabahan man pero isinantabi ko muna 'yon.
"Hi everyone, still remember me?" I greet them smilingly, the crowd gets wild and some of them are taking a picture. "I guess it's yes hahaha. Maligayang pagbabalik sa'kin, nakaka-miss kumanta dito. Pero mas na-miss ko ang isang tao na pag-aalayan ko ng kantang kakantahin ko ngayon. Alam kong ang tanga ko para iwan at saktan ka pero sana, hindi pa huli ang lahat." Tinignan ko si Jasmine sa bar counter, bakit kasama nya ang pinsan kong si Jay? Hindi ko nalang muna 'yon pinansin.
The music started as I sang the song na palagi kong kinakanta dati pa.
This I promise you.
By NsyncHabang kumakanta deretso lang akong nakatingin sa kanya, gusto kong maramdaman nya sa pagkanta ko ang nararamdaman ko. Pinagmamasdan ko ang mukha nya, magkahalong gulat at iba't-ibang emosyon ang nakikita ko.
Bago pa man matapos ang kanta, nakita kong tumakbo palabas si Jasmine, umiiyak sya. Tinapos ko na ang pagkanta bago bumaba ng stage.
"Hey, welcome back, couz." Bati sa'kin ni Jay.
"Thanks." Mabilis kong tinapik ang balikat nya at nagmadaling lumabas.
Nakita ko si Jasmine na nakaupo sa seesaw at malakas na umiiyak, dito parin pala sya tumatambay. Katulad ng palagi naming ginagawa.
"Jasmine." Tawag ko sa kanya, galit syang humarap at lumapit sa'kin. Malakas nya kong sinampal, I deserve it.
"Bakit bumalik ka pa ha?! Okay na eh, unti-unti na kitang nakakalimutan pero eto ka at bumabalik nanaman?! Para ano ha?! Para saktan ulit ako?!"
"Jas, hindi 'yan ang gusto kong manguari. I know I've been a fool to talk to you like this but I miss you, I know I caused you so much trouble but I came back because of you." Hinawakan ko sya sa braso.
"Wag mo 'kong hawakan!" Pagpalag nya. "Ang galing mo rin eh 'no? Pagkatapos mo 'kong pagmukaing tanga?! Pagkatapos mo 'kong paniwalain na mahal mo 'ko?!"
**
Jay's POV
Nagulat ako ng biglang umiyak si Jasmine kanina, tinatanong ko sya pero hindi naman sya sumagot at tumakbo lang.
Lumabas din ang kakabati ko lang na pinsan ko, kailan pa kaya umuwi ang gunggong na 'yon. Lumabas din ako para sana hanapin si Jasmine ng marinig ko syang sumisigaw.
"One year Jeric, one fucking year that my life gets miserable all because of you! Am I just a gamble to you?! For you to fool me and make fun of me?! Pagpupustahan nyo nalang ako ng mga kaibigan mo, pinatagal mo pa ng dalawang taon!" Si Jeric ang dalihan kung bakit nasasaktan si Jasmine hanggang ngayon?
"I am sorry about it Jasmine. Please believe me, I regret all things that I've done to you. All I want is you to come back, I want you back." Niyakap nya si Jasmine, alam kong hindi ako dapat nakikinig sa usapan nila pero nangako ako kay Jasmine na tutulungan ko syang makalimot.
"Bitawan mo 'ko! Alam mo ba kung gaano ako nasaktan no'ng umalis ka?!"
**