Destiny Eleven

16 0 0
                                    

Lalo na yung walang sasalo sa'yo? Nako, plakda abot mo. Masakit, nakakatanga pa.

Jay placed my hand on the top of his shoulder, and then he placed his hand around my waist. I'm feeling nervous and I don't know why I'm feeling this.

"Hindi ba masyadong malapit tayo sa isa't-isa?" Tanong ko ng naiilang sa kanya.

"Hindi ah, tignan mo sila halos magkadikit nadin sila oh." Nilibot ko ang mata ko sa paligid, napapalibutan kami ng mga couples at mag-asawa.

"Nakaka-OP naman dito." Sabi ko.

"Bakit ka naman na-OOP?"

"Because all people around us are a real couple, parang nakaka- OP lang kasi I know I'm not one of them. Tayo, 'di ba?"

"Couple naman tayo ah."

"Ngayon lang." Sagot ko agad.

"Eh bakit naman parang dismayado ka na ngayon lang? Gusto mo ba ituloy-tuloy na natin 'to?"

Nahampas ko sya sa balikat. "Tumigil ka nga sa kakaganyan mo!" Baka kase maniwala ako, char.

"Haha, biro lang. Pero kung gusto mo talaga, nandito lang naman ako."

He winked at me, napayuko nalang ako.

I have no words to say. Jay held me in my chin at itinaas ang mukha ko kaya naman kitang-kita ko ang bawat detalye ng mukha nya ngayon. His eyes is saying something that-- ugh!

"Jasmine, kung sakali bang mahulog ako sayo, sasaluhin mo ba'ko?" Nabigla ako sa tanong nya, hindi ako makasagot. Ba't naman bigla bigla syang nagtatanong ng ganto? Nakakatameme tuloy.

"Pwede ba Jay, wag mo'kong pag-trip-an." Tumingin ako sa kabilang gilid. Natutunaw ako sa titig nya!

"Hindi kita pinag-ti-trip-an Jasmine."

"Why you're asking that uncomfortable question so sudden?"

"Mahirap talagang sumagot kapag magkaiba ang sinasabi ng isip at puso."

"Jay." Jeez! Wala talaga akong masabi!

"It's okay Jasmine, kaya kong maghintay sa sagot mo." After no'n hindi nya na nga ako kinausap pa at pinagpatuloy nalang namin ang pagsasayaw.

Nakatitig lang sya sakin, pero palapit ng palapit ang mukha nya sakin. Nakakakaba.

**

Jay's POV

Habang palapit ng palapit ang mukha ko sa mukha ni Jasmine, palakas din ng palakas ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang bagay na'to.

Nung makita ko si Jasmine pagkalabas nya ng dressing room wearing her black dress, natulala ako. Parang ngayon lang ako nakakita ng babaeng napakaganda.

In that parlor? The moment that the curtain opened, it's like I saw an angel. My heart is beating so loud like there's a megaphone inside me. Wala 'kong masabi sa kagandahan nya no'ng mga oras na 'yon, lalo na nung makumpleto ang outfit nya with that heels.

Para akong nakakita ng isang prinsesa na bumababa sa hagdan galing sa magara nyang palasyo, gano'n sya kaganda. Bakit nga ba tinatago nya ang gandang 'yon? Pati yung pag ngiti nya at paghawak sa kamay ko, parang kinikiliti ako sa tyan ng kung ano.

I don't know but I never felt this way before, even Jenny never give this kind of feeling to me. No one did, Jasmine is the first woman. I swear.

Deretso akong nakatitig sa labi nya, pinapakiramdaman ko kung lalayo ba sya. Inch nalang ang layo namin sa isa't-isa, isang maling galaw lang magkakahalikan na kaming dalawa.

"Wow, that's so romantic, bro!" Napalayo sakin si Jasmine ng marinig nya ang sigaw na 'yon, kami nalang ang nasa gitna.

All of them are watching and smiling to the both of us. I looked at Jasmine, she's uncomfortable now, jeez. Wrong move.

"Uuwi na kame Jack, bye tita." Paalam ko. "Galing mo tumayming bro, tss." Dagdag ko pa, tinawanan lang ako ng gago, kainis! Malapit na eh!

Tahimik lang si Jasmine sa byahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila, maging ako hindi rin alam ang sasabihin.

"Thanks for this day, I had fun." Finally!

"Um, about earlier--"

"It's okay, 'wag mo nang isipin yon." Ngumiti sya.

"Really? Hindi akward?"

"Hmm, medyo. Nakakahiya lang kasi nakagawa tayo ng eksena, sige na mauna na'ko ha? Bye Jay." Sabi nya at lumabas na ng tuluyan.

**

Jasmine's POV

"Te? Nawalan ka ba ng limang daan?" Nagulat ako ng biglang tanungin ako ni Cason.

"Huh?"

"Plangak! Mga besh, lutang ang ating lola! Inlove?" Sabi ulit ng baklang 'to.

"Ano ba kase yon?" Naiinis kong tanong.

"Eh kasi kanina ka pa nakapangalumbaba dyan, masyado kang problemada." Sabi naman ni Cassi.

"Ah, wala lang 'to. Wag nyo 'ko pansinin." Pag-iwas ko.

"Wag nyo na kasi syang guluhin, magtrabaho na nga kayo." Sabi ni Caven, oo nga tama.

"Wushuu, nagseselos ka lang eh harhar." Sabat naman ni malanding Ceffer, tss.

Weeks had passed since that night and I still can't get over with that.

Patuloy ang pakikipag-kaibigan sa'kin ni Jay and tinanggap ko naman. No'ng minsang duty ko sa bar nando'n sya at pinapanood ako, hindi nga ako makapag-concentrate no'n kasi titig na titig sya sakin.

Napapansin nadin ni tita na parang distracted ako this past few days, hindi naman sya nagagalit. Natutuwa pa nga sya kasi parang masayahin na daw ulit ako.

She even asked me if I'm inlove. Like duh?

Aaminin ko, totoong naging masaya ko no'ng mga oras na yon, no'ng araw na 'yon na nagpanggap kaming dalawa sa harap ng maraming tao. Hindi ko itatanggi na minsan gusto kong madala sa mga ginagawa nya, pero may pangangamba parin akong nararamdaman sa puso ko.

You can't blame me, I've been hurt, and until now hindi pa ako tuluyang nakaka-move-on. I'm not ready to fall inlove again, I'm happy being friends with him. Yun lang yon.

Masyado lang akong nabibilisan sa mga pangyayari para tanungin nila 'ko kung inlove na nga ba ako kay Jay, totoo naman eh. Dalawang buwan palang kaming magkakilala, hindi pa nga namin masyadong nahihimay ang ugali ng isa't-isa o kahit ang mga buhay nalang namin.

They keep on asking me if I'm dating him, and I keep saying to them that we're not. Bakit ba hindi sila matigil kakatanong sakin? Well, maybe because Jay is always telling them na...

'Nanliligaw kase ako sakanya eh.'

Oh kaya naman...

'Hindi naman kasi mahirap mahalin si Jasmine.'

Oh diba? Nalilito tuloy ang ibang tao samin.

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now