"I am breaking up with you, Jasmine." Jasmine? He never called me in that name, ang tawag nya sa'kin ay 'Mine'. Where is it? Bigla parang bumagsak ang mundo ko.
"Jeric, ano 'to?" Maluha-luhang tanong ko, konti na lang papatak na ang luha ko. Hindi ko na inisip ang mga tao sa harap ko, basta naiiyak ako.
"Sorry Jas, pero hindi kita mahal." Pagkasabi nya no'n iniwan nya 'ko sa stage, 'yon na 'yon? Wala man lang dahilan kung bakit? Gano'n na lang 'yon?
Hindi ko na kinaya and right there I was crying out loud. I found myself sitting on the floor of this stage, no one interrupts me, it's like all of the people around me are gone. A few minutes more, I felt tita held me on my shoulders and helped me to get out of the stage.
Hindi ako nagsasalita, walang nagsasalita isa man sa mga katrabaho ko. Hindi nila gusto na maputol ang pag-iyak ko, alam nila ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung saan ba 'ko nagkulang, hindi ko alam kung may nagawa ba 'kong mali para iwan nya nalang ako ng basta basta. As in totally, I have no freakin' idea.
*Flashback ends*
Since that night, they never saw the happy me again. I didn't go to work for two months, if it's not about for tita? I will never come back here. Nawalan ako ng gana sa lahat.
Three months after our break-up, do'n ko nalaman ang totoong dahilan. Hindi pa nga gano'n kadali nag-sink in sa'kin ang lahat o baka hindi ko lang talaga matanggap.
"Umiiyak ka nanaman, Jas." Pukaw ni tita sa pagkatulala ko sa stage, umiiyak na pala 'ko? Ba't di ko ata naramdaman? Gano'n na ba ko kamanhid?
"As much as I want to stop from crying, hindi ko magawa tita. I want to slap myself because I can't even control my feelings, I really want to stop. Pero ang pag-iyak ay parang paghinga tita, mahirap pigilan. Tss." Ngumiti ako ng mapait. "Wag nalang natin syang pag-usapan tita."
Alam ni tita ang buong kwento namin, sya ang naging karamay ko no'ng mga panahon na gumuho ang mundo ko. What Jeric's did will never make me hate her mom. She never leave my side. Ang totoo pa nga, he's blaming his own son for letting me suffer and endure this pain. She understands me.
"Tama na Jas, kalimutan mo na si Jeric, nasasaktan din ako kapag nakikita kitang nasasaktan eh." Sabi pa nya at hinahagod ang likod ko, pinapagaan ang loob ko.
Uminom ako sa hawak kong alak.
"Ang pait naman nito, parang yung lovelife ko, wala na pero mapait pa rin." Hugot ko.
Natawa si tita. "Kahit kailan hugutera ka talaga, Jas."
Do'n ko nalang dinadaan lahat eh, sa paghugot. Hindi na 'ko umimik at tumingin na lang ulit sa stage.
Umalis saglit si tita, kahit tita ang tawag ko sa kanya, amo parin ang pakitungo ko sa kanya at kahit close kaming dalawa, hindi ko 'yon ginamit para hindi gampanan ang trabaho ko rito.
"Head Jas, eto na yung mga request song ready kana bang kumanta?" Sabi sa'kin ni Dan, close din kaming lahat dito.
"Oo naman ako pa, magaling ako dyan, pati nga sa pagtago ng sakit na nararamdaman ko ang galing kong magtago eh."
"Hay nako, humugot nanaman si Head." Natatawang sabi ni Tasha.
"Let's all welcome, Jasmine!" Sigaw ni Magani, half indian. Ang vocalist ng M5. Si Mario at Mark ang guitarist, si Mayjay ang drumer at si Mckri ang pianist.
Deretso akong umakyat sa stage nang hindi man lang ngumingiti, kilala nila ako bilang 'the sweet voice' pero kilala rin nila ako bilang 'The cold-hearted' kaya sanay na sila sa'kin.