Destiny Twelve

16 0 0
                                    

"Bye guys, see you tomorrow." Paalam samin ni Cason.

Nagliligpit narin ako ng gamit ko ng lapitan ako ni Caven.

"Jas pwede ka bang maaya sa playground?"

"Ah, bakit yata nagyayaya ka dyan?" Kasi naman eh gusto ko ng umuwi.

"Wala lang, kung ayaw mo okay lang naman." Kung titignan mo sya, ang lungkot ng pagkakasabi nya.

Caven is handsome, he's taller than me. He has a thin yet masculine body, hindi gaanong kaputian kagaya ko pero pwede narin.

Sa isang taon kong pagtatrabaho dito, naging close talaga sya sakin. Minsan nga madalas nya pa'ko ilibre ng stress reliever ko na ice cream eh.

"Sige na nga, baka umiyak ka pa dyan eh." Sabi ko, nakita ko ang pag ngiti nya.

"Tara." Masaya nyang sabi at pinagbuksan ako ng pinto.

Lumakad lang kami kasi hindi naman gano'n kalayo ang playground, tahimik lang kami at walang nagsasalit. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko may something na mangyayari eh.

"Ah, Jas dederetsohin na kita ha?" Sa wakas nauna syang magsalita.

"Yung kanina kasi parang ang lalim ng iniisip mo, may kinalaman ba'to do'n sa lalaking ikaw ang pinili na mag-gupit sakanya?"

Si Jay ba ang tinutukoy nya?

"Ba't mo naman natanong?"

"Baka lang kasi totoo yung sinasabi ni Cason na inlove ka baka lang naman sya yun."

Wow, where did he get the guts to asked me this thing that none of his business anyways?

"And why do I need to answer you Caven?"

Bahagya syang nagulat sa pagtatanong ko ng pabalik, bakit sya lang ba? Maging ako nagulat sa pagtatanong nya ng bagay na hindi naman dapat nya pinapakialaman.

"Ah w-wala, oo nga n-naman. Bakit ko ba natanong 'yon." Tumawa sya ng peke. "Sige una na'ko sayo ha." Napahiya ata sya eh, wala namang masama sa sinabi ko 'di ba?

After he left, umuwi na rin ako. While walking, biglang pumasok sa isip ko si Jay. Kahit ako gusto ko ring tanungin ang sarili ko eh.

Are you falling for him Jasmine?

Nakakatawa naman, ni hindi pa nga ako nakakamove-on tapos magtatanong ako ng ganito sa sarili ko? Para tuloy nagpapaka-plastic lang ako.

Nang makauwi ako wala sa bahay si papa, wala naman akong gagawin pa kaya naisip ko na magpalamig muna sa labas. Kinuha ko ang earphone ko at nakinig ng music.

Now playing: kundiman by silent sanctuary

Isa to sa mga themesong namin dati, nakakatawa lang na pinapakinggan ko parin 'to hanggang ngayon.

Yung lyrics na 'hinding-hindi magsasawa sayo'? 'Yan ang pinakasinungaling na parte ng kantang 'to.

Nagsawa nga sya eh, nagsawa sya sa pangloloko sakin taena. Natawa nalang talaga ako. Sabi pa nya dati na hinding-hindi nya ko ipagpapalit sa kahit na ano.

Pero ano? Ginawa nya ang gusto nya at iniwan akong mag-isa dito. Masaya kami dati, mahal namin ang mga trabaho namin. Pero mula nung in-offer-an sya ng trabaho abroad, naetsapuwera na'ko sakanya.

No'ng ayaw ko syang payagan ilang beses kaming nag-away, ni hindi nya inisip ang mararamdaman ko pag umalis sya at iwan ako. Ang daya lang kasi, bakit no'ng ako inalok ng trabaho abroad. No'ng sinabi nyang wag ako umalis at 'wag iwan sya, pumayag naman ako ah.

Kasi hindi ko sya matiis, kasi mahal na mahal ko sya kaya kahit pangarap kong makapag-trabaho abroad, tiniis kong 'wag nalang para sakanya. Kaya naman pala madali sa kanya ang iwanan ako ay dahil pustahan lang ang lahat, palabas lang lahat ng pinapakita nya. Pati yung pagmamahal na sinasabi nya? Isang malaking DRAWING!

Life is really unfair, and that cupid is really insane! Binigyan ba naman ako ng isang taong hindi naman talaga ako mahal. Nasayang ang ilang taon ng buhay ko dahil sa kumag na 'yon!

"Mukhang malalim ang iniisip natin anak ah?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Papa sa gilid ko, pinatay ko ang music ko at hinarap sya.

"Pa naman, ba't para kang kabute dyan?"

"Kabute? Kanina pa kaya ako dito, kaya nga nasabi kong malalim ang iniisip mo dahil hindi mo'ko napansin."

Seriously? Am I that obvious?

"Ah, 'yon ba. Hindi, wala to Pa." pagtanggi ko.

"Sa'kin ka pa ba magtatago Anak?" Oo nga tama, kailanman ay hindi ako nagtago kay Papa ng kahit ano.

"Nitong huling mga araw kasi papa, si Jay parang napapa--"

"Napapalapit kana sa kanya, at natatakot ka na baka mahulog ka sa kanya?" Tumango ako.

"Hangga't maaari kasi pa pinipigilan ko, alam mo na hindi pa--"

"Hindi ka pa nakaka-move on."

Tumango ulit ako. "Hanggang ngayon nahihirapan parin ako, hindi ko na alam kung anong--"

"Kung anong gagawin mo para tuluyan mo na syang makalimutan?"

"Hindi, hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko kasi palagi mo'kong inuunahan eh. Ni hindi mo'ko pinapatapos sa pagsasalita." Humagalpak ng tawa si Papa. Ayon, masaya nanaman sya. Nang matapos syang tumawa tsaka nya 'ko inakbayan at nilapit sakanya.

"Una sa lahat Anak, wag mong pigilan ang sarili mong magmahal. Karapatan mong sumaya at hindi magpakulong sa masakit mong nakaraan. Hindi ka pa nakakamove-on kasi ayaw mo syang kalimutan, hangga't pilit mo syang inaalala, hindi ka talaga makakalimot."

Karapatan? Magpakulong? Makalimot? Naguguluhan ako, masyado na ba talaga akong nagpapakulong sa alaala ko sakanya?

"Pero ayokong mahulog sa isang tao para lang makalimot, Pa." Hinawi nya ang buhok ko.

"Natural anak, ang gawin mo, kalimutan mo ang nakaraan para makayanan mo ulit magmahal." Nginitian lang ako ni Papa tapos pumasok na sya sa loob.

Hindi narin ako nagtagal pa sa labas at pumasok narin ako sa kwarto ko, gusto ko nang matulog. Gusto kong ipahinga muna ang utak ko sa pag-iisip.

Sa bilis ng pagdaan ng araw ni hindi ko napaghandaan ang pagdating ng isang lalaki sa buhay ko, lalaking magpaparamdam ulit sakin ng pagmamahal.

I remember that old woman I met in the park, she's saying a strange topic that I never think of any way. Is she talking about Jay? Then how did she know?

Oo nga pala, nakalimutan kong sabi nya kilala daw syang manghuhula sa lugar nila. Si Jay lang ang bagong dating sa buhay ko, ibig sabihin si Jay ang magmamahal sakin? Hindi nga malabo 'yon dahil sa mga pasaring saring nya pero hindi pa'ko handa.

'Hindi ka pa handa o natatakot ka lang ulit na masaktan?'

Sabi ng maliit na tinig sa loob-loob ko.

Given na 'yong kapag nasaktan ka matatakot ka ng magmahal ulit, pero hindi yun dahilan para tumigil ang mundo mo.

'Eh bat ayaw mong subukan?'

Ayoko lang magmadali, 'yon lang yun.

**

Three Times Equals Destiny (UN-EDITED)Where stories live. Discover now