Unedited
"Carl!?"
"Hi, happy birthday."
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw talaga, nakalimutan mo na ba that you called me to come here, para formal na ipakilala ako sa angkan mo."
"Carl! Sandali anong call, I never called you." I mean..."
Carl put his right hand in the air to stop Iona Macey for talking. Iona can see the pain into his eyes.
"S-sorry what I mean is I never called anyone except Tammy."
"You are right, pinili ko lang na sabihin sa sarili ko na tinawagan mo ako dahil I want to see you on your special day."nanginginig ang boses na sabi ni Carl marahan nitong pinalis ang luhang kumawal sa pisngi nito na ikinakagat labi ni Iona.
"Carl please wag mo naman akong pahirapan at ang sarili mo. From the start sinabi ko naman na sayo hanggang kaibigan lang ang kaya ko."
"Tama na! Paulit-ulit mo na lang sinasabi yan!"sigaw nito na ikinapitlag ni Iona." Bakit Iona anong wala sakin ha!? Ano pa ang kulang sa'kin?"
"Carl dont scream on me, hindi mo ba maintindihan na hindi ko kayang higitan pa ang pagkakaibigan natin dahil wala akong nararamdaman na pagmamahal sayo bilang lalaki dahil hanggang kaibigan lang ang kaya ko."sagot ni Iona sa mariin na pananalita.
Kitang-kita ni Iona ang pagkuyom ng dalawang kamao ni Carl, hinamig niya ang sarili at at hinapit ang malaking beach sa kanyang katawan at inihakbang ang sarili pabalik sa umpok ng magulang sa di-kalayuan ngunit napaigik siya ng hablutin siya ni Carl.
"Aray! C-carl bitiwan mo ako!"piglas ni Iona at pilit hinahaklit ang braso niya dito ramdam niya ang mahigpit na kamay nito na sa bawat paghila niya ay lalong humihigpit.
"Masakit ba?"tanong ni Carl."mas masakit pa diyan ang pinararamdam mo sakin ngaun, at ito ang tandaan mo ibabalik ko sayo ang pagwasak mo sa puso kong nagmahal sayo!!"mariing sabi ni Carl atsaka siya pabalyang binitiwan.
Haplos ni Iona Macey ang brasong nasaktan at habol ng tanaw ang papalayong binata. Hindi niya napigilan ang pagkawala ng mga luha sa kanyang mga mata.
Tahimik ang paligid, ngunit nanatiling mulat ang mga mata ni Iona, sinulyapan niya ang mga kapatid na natutulog sa kabilang kama, marahan siyang bumangon at isinuot ang pink robe at patingkayad na lumabas ng cottage, sinikap niyang walang ingay na malikha at ng ganap na siyang makalabas ay sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at preskong amoy ng karagatan.
"Mam Fontana, good morning po."bati ng isang staff ng Resort.
"Mornin'."tipid niyang sagot at magalang na lumampas dito. Dinala ng mga paa si Iona sa tabing dagat umupo siya sa buhangin at niyakap ang sarili. Aminin man niya o hindi nakaramdam siya ng takot sa sinabi ni Carl. Ilang minuto na siyang naroroon ng may huminto sa tabi niya na dalawang pares ng paa ba naka flipfloss. Marahan ang ginawang pag-angat ni Iona ng paningin.
"Yes Mr?"tanong ni Iona sa lalaking kahit madilim ay alam niyang nakatingin sa kanya.
"A penny for your thought?"sagot nito in a deep and husky tone na pakiramdam ni Iona ay nagtayuan ang lahat ng buhok niya sa katawan kasabay ng pagtibok ng puso na tila tinatambol.
"N-nothing."sagot niya atsaka tumayo. "Excuse me."paalam niya dito.
"Happy birthday, Princess."muling sabi nito na nagpahinto kay Iona sa paghakbang. Lalong nagrigodon ang kanyang puso sa pagsambit nito ng Princess, bakit iba ang dating nito sa kanya. Slow motion siyang lumingon dito para magpasalamat at makita ang mukha nito ngunit madamot sa kanya ang pagkakataon dahil madilim pa rin ang kapligiran.
BINABASA MO ANG
"Mama I'm InLove With A Criminal" #COMPLETED# {Editing}
RomanceFontana Sibling's SerieS #1 IONA MACEY FONTANA