25

5.7K 260 18
                                    

Unedited



Unedited




Gilalas na napatitig si Wayne at William kay Iona, ang malaki nitong tiyan na 6 na buwan ay halata na sa suot nitong white off dress na hanggang tuhod ang haba.

"Iona?"

"Yes Atty: Fontana?"

Ng ipahayag ni Iona na siya ang abogado ni Lancer ay umugong ang malakas na bulungan at kislap ng bawat camera ng mga media. Sa unang katanungan para kay Lancer ni William ay nagtagisan ang magtyuhin sa galing mainit na palitan ng tanong sa bawat kampo ng nasasakdal at ng biktima.

"Ms Garcia, sinabi mo na ang tinulungan mo ng gabing iyon ay hindi mo nakikilala?"

"Opo Atty."

"Paano mo nasabi na ang lalaking tinulungan mo at si Mr.Romualdez ay iisa kung sinasabi mo na hindi mo nakita ang buong mukha niya!? Paano ka nakakasigurado na siya ay isang Criminal!!!?"mariin at malakas na tanong ni Iona sa kaibigan na nangilid ang luha.

"Dahil...dahil nagpanggap siyang walang naalala para makatakas siya sa kasong kinakaharap niya."

"Mapapatunayan mo ba na siya ang talagang pumatay kay Don Manolo Fontana!? Andun ka ba ng maganap ang pamamaslang?"

Natahimika ng buong korte sa tanong ni Iona kay Tammy. At maging si Tamny ay nawalan ng imik naging malikot ang mata nito ay napatingin kay Carl.

"Inuulit ko Ms.Garcia? Naroon ka ba ng maganap ang pamamaslang.?"

"Objection your honor , walang karapatan ang kabilang kampo na pilitin ang...."

"Ms Fontana, proceed."sabi ng Judge.

Napasuntok si Carl sa mesa na hindi nakaligtas sa paningin ni William kaya napakunot ang kanyang noo lalo pa at matalim nitong sinulyapan si Tammy.

"Ms Garcia inuulit ko, naroon ka ba ng maganap ang pamamaslang? Kaya nasabi mo na si Mr Romualdez ang pumaslang kay Don Manolo?"

"Wala po ako doon!?"

"So sinasabi mo ba na may nag-utos lang sayo na tumestigo sa kasong ito? Maaari mo bang ituro ang nag-utos sayo!?"

"William wala ka bang gagawin?"galit na untag ni Wayne sa kapatid na natiling tahimik habang inuusig ni Iona ang kaibigan.

"What do you want me to tell kuya? Hindi mo ba nakikita ang katotohanan sa kasong ito. I don't need to fight for this because dahil alam kong talo na ako."sagot ni William na ikinagalit ni Wayne.

Matapos ang mga tanong ni Iona kay Tammy ay nakangiting lumapit si Iona sa kasinatahan.

"Mananalo tayo Dhie."

"Salamat."

"Bakit? May mali ba?"

"Parang hindi kaya ng konsensya ko na nang dahil sakin magkakaroon kayo ng di pagkakaunawaan ng pamilya mo."

"Lancer!?"

"Mahal na mahal kita."sagot ni Lancer at niyakap ang kasintahan.

Samantala lumapit si Carl sa magkasintahan at nakangising tumingin kay Lancer.

"Sa palagay mo nanako ka na? Umpisa pa lang ito at sisiguraduhin kong malamig na rehas ang susunod na yayakapin mo."

"What is your problem Carl!?"galit na sagot ni Iona dito."wag kang kampante I have all the evidence against you! Just wait and see! Ikaw ang mabubulok sa kulungan!"

 "Mama I'm InLove With A Criminal" #COMPLETED# {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon