17

5K 238 20
                                    

Unedited Version


Isang linggo ng mahigit ang nakakaraan, after the tragic incident sa pamilya Fontana, nalathala sa lahat ng social media ang pagkakadawit ng pangalan ni Lancer na siyang pangunahin suspect na idinidiin ni Wayne Fontana. Sa tulong ni Carl Rodriguez na isang FBI Agent ay lalong nadiin sa kaso ang binatang bodyguard ng yumaong Don Manolo Fontana. Lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Wayne ng malaman buhat sa matandang Abogado ng Ama na si Atty Fernandez ay matagal ng naipagawa ng Ama ang mga ari-ariaan nito at ang tanging nakakaalam ng susi nito at kung nasaan ay si Lancer.



"Wayne, kilala ko ang Ama mo, hindi siya magtitiwala kay Romualdez kung hindi karapatdapat, wag kang padalos-dalos dahil sa galit, bata pa lang kayo marami ng kalaban ang Ama mo sa negosyo.''wika ni Atty Fernandez bago ito nagpaalam sa kanila sa harap ng kanilang buong pamilya.



Wala ni isang nagsalita sa kanila mula ng makaalis ang Abogado hanggang isa-isang nagpaalam ang mga ito.



"Mom, Dad, Im going upstair I want to rest."paalam ni Iona sa magulang na sila na lang tatlo ang naiwan sa loob ng Library room. Hindi na hinintay ng dalaga na tumugon ang mga ito agad siyang lumabas, para na rin maiwasan na magkasagutan sila ng kanyang Ama na iniiwasan niyang mangyari. Ng marating niya ang kanyang kwarto ay inihiga niya ang pagod na katawan, matapos inumin ang gatas na hiningi niya kay Angie, pumatak ang kanyang luha ng maalala ang sinapit ng kanyang Lolo at pagkawala ng kasintahan, nakatulugan niya ang pag-iisip kaya hindi niya namalayan ang pagsilip ng kanyang Ina na naaawang nakatingin sa kanya.



"I will talk to you, one day baby. Rest."bulong ni Ellaine at hinalikan ang panganay na anak atsaka ito kinumutan, palabas na siya ng kwarto ng anak ng mapansin ang Tshirt na minsan na niyang nakitang suot ni Lancer na nasa unan ng anak. Marahan niya iyong kinuha atsaka napasulyap sa anak." Oh God!"sambit ni Ellaine dahil sa ideyang pumasok sa isip niya at mabilis siyang lumabas dala ang Tshrt ni Lancer.




Samantala,nagmamaneho si Tammy ng kanyang black range rover pabalik ng Vigan ng makita niya ang lalaking duguan sa tabing daan at isang matandang lalaki na.pumapara sa kanya. Lalampasan sana niya ito ngunit hindi maatim ng kanyang konsensya.





"Manong? A-Ano pong mangyari?"kinakabahan tanong ni Tammy.



"Nakita ko siyang itinapon ng mga kalalakihan iha, at sa tingin ko nawalan lang siya ng malay dahil sa mga bugbog sa kanya."




"God! Help me! Hindi naman kaya ng konsenya ko na may mamatay dahil  hindi ako tumulong."




"Iha,tulungan natin siya baka hinahanap na ito ng pamilya niya."sumamo ng matandang lalaki.





"Sige po Manong, isakay nyo po siya likuran.Bilisan lang po natin."may pagmamadaling sabi ni Tammy.





Ng maisakay ng matanda ang lalaking duguan ay agad na pinasibad ni Tammy ang kanyang kotse. Panay ang tingin niya sa side mirror dahil sa takot na baka may nakasunod sa kanila, at nakahinga siya ng maluwag ng marating nila ang Vigan Medical Center ay wala siyang nakitang kahina-hinalang sumusunod sa kanila. Agad na dinala sa emergency room ang lalaki na hindi pa nakilala ni Tammy kaya wala siyang maitugon sa mga tanong at impormasyon nito. Gustuhin man niyang umalis ay parang may pumipigila sa kanya.



"Ineng, ako muna ay magbanyo."paalam ng matandang kasama ni Tammy.



''Sige po Manong."



Ilang oras na ang lumipas,ng lumabas ang doctor sa Emegency Room agad itong lumapit sa dalaga.





"Iha, he's out of danger. But I'm not sure kung pag gising niya ay may maaalala siya, masyadong nabugbog ang kanyang katawan at may malaki siyang hiwa sa pisngi dahil sa isang bagay na inihampas sa kanya na kung hindi ako nagkakamali ay latigo."pagbibigay alam ng Doctor.



 "Mama I'm InLove With A Criminal" #COMPLETED# {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon