Unedited
''Lancer!"sigaw ni Iona na napahinto sa pagtakbo, agad niyang ipinihit ang katawan pabalik sa hideout ng may pumigil sa kanyang braso.
"Iona, no! Don't dare.!"
"Luke, si Lancer. He's inside!"
"Iona listen! May sa pusa di Lancer, believe me."
"No! Luke! I want to go inside! I want to be sure that his alive, please Luke, I'm begging you."umiiyak na pakiusap ni Iona dito."Luke please."
Napabuntong hininga si Luke, dahil kahit siya ay hindi niya sigurado kung ano ang nangyari sa kaibigan, they're late dahil nahirapan silang hanapin ang kinaroroonan ng mga ito, ang device na nakakabit sa kwintas ni Lancer ay nakita niya kay Iona.
"Iona, please we don't need to take a risk,you're pregnant."paalala ni Luke sa dalaga, at doon ay tila nahimasmasan ito hanggang sa napayakap sa kanya.
"Luke promise me, you'll bring him to me, alive."pakiusap na muli ni Iona dito.
"I will try my best Iona, but please what you have to do now is calm down and come with me, I'll take you to the hospital, tinawagan ko na ang Daddy mo."
Agad na bumagsik ang mukha ni Iona ng marinig ang pagkakabanggit nito sa kanyang Ama.
"Sana hindi mo na lang siya tinawagan, he did'nt care anymore."
"Iona, mauunawaan mo rin ang lahat."
"Sana nga Luke, sana nga."
Ng dumating ang ambulansya ay kasunod nito ang sasakyan ng Ama ni Iona unang bumaba si William at agad na nilapitan ang pamangkin.
"Honey?"nag-aalala nitong tawag sa pamangkin na nakatingin sa kawalan."Iona?"tawag ni William at bahagya pa itong tinapik sa balikat.
"Tito Will!"luhaang bigkas ni Iona."si L-Lancer, nasa loob ng sumabog ang hideout ni ni...."
"Iona!!"sabay na bigkas ni Wayne,William at Luke ng mawalan ito ng malay-tao. Agad na binuhat ni Wayne ang anak at si William naman ang nagmaneho ng kotse nito.
"Hayop ka Carl!"galit na bigkas ni Wayne."makikita mo ngaun kung sino ba talaga ang kinalaban mo!"mariing sabi ni Wayne na ikinatingin ni William dito.
"Think carefully kuya."paalala ni William, dahil minsan ng may napatay ang kapatid noong 20 anyos pa lang ito, dahil sa sobrang galit nito ng may nambato dito. Luckily they have money dahil kung hindi naging trending sana sila nationwide. Kaya agad itong napatapon sa ibang bansa.
Samantala,
Dahan-dahan nagmulat ng mata si Carl, sapo ang ulo ay agad siyang bumalikwas ng bangon ng maalala ang nangyari ng nagdaang gabi,ng sipatin niya ang orasan ay pasado alas dos na ng madaling araw.
"What the fuvk anong nangyari sa'kin?"pabulong niyang sabi at tinawag ang pangalan ni Tammy.
"Tammy?"sigaw ni Carl ngunit walang tugon, wala kahit isang saplot ay lumabas ng kwarto si Carl at hinanap ang dalaga sa kabuuan ng kanyang Condo ngunit wala ito, agad na umagaw sa kanyang pansin ang mantsang pula na nasa sheets ng sofa." Tammy."mahinang bigkas ni Carl at sa hindi maintindihang dahilan ay sinalakay ng kaba ang kanyang dibdib. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para tawagan si Baldo ng mauna itong mag-ring.
BINABASA MO ANG
"Mama I'm InLove With A Criminal" #COMPLETED# {Editing}
RomanceFontana Sibling's SerieS #1 IONA MACEY FONTANA