27

6K 279 21
                                    

Unedited

"Tammy,look Iona is your friend. Can you help her atleast!"mariing sabi ni Luke sa dalaga ng matyempuhan niya itong palabas ng building ng opisina nito.

"Wala akong maitutulong sa problema nila."mariing sagot ni Tammy.

"DON'T PLAY LIKE A FOOL HERE MS.GARCIA! ALAM KONG ALAM MO ANG TINUTUKOY KO! HINDI MO KAILANGAN TUMESTIGO LABAN KAY LANCER DAHIL ALAM MONG WALA SIYANG KASALANAN!"

"Eh iyon naman pala eh, wala siyang kasalanan. Patunayan nyo na lang dahil wala akong pakialam kanino man!"

"MS.GARCIA, FOR ONCE I AM ASKING YOU, AND BEGGING YOU HELP IONA AND LANCER IKAW LANG ANG TANGING TAO NA MAKAKATULONG SA KANILA."pagmamakaawa ni Luke sa dalaga.

"I'm sorry I have no time for this Luke."mariing tanggi ni Tammy at umiiwas ng pilit dito ngunit hinablot ni Gen Rodriguez ang braso niya at matalim ang tingin na ibinigay nito kay Luke.

"What is the problem iha?"

"Uncle Ted.? What are you doing here?"gulat na bigkas ni Tammy.

"Carl called me to check on you, dahil baka madamay ka sa gulong kinasasangkutan ng kaibigan mo. Is there anything wrong here?"

"Wala naman po Uncle, we're just talking."

"Is it true?"baling nito kay Luke."Luke right? Ang bestfriend ni Romualdez the Criminal."

"Dalawang tao lang ang kilala kong Criminal! Gen Rodriguez!"matalim ba sagot ni Luke." It's you and Carl Rodriuez! Kaya wag mong masasabi na Criminal ang kaibigan ko!"

"Don't talk to me like that, kayang kaya kon bayaran ang ulo mo!"

"Now I know kung bakit lahat ng lapitan ko dito para tulungan ako sa kaso ng kaibigan ko ay walang nangangahas na tumulong,dahil ang pinuno pala nila ay isang hudas!!"

"Bastos ka ah!"bwelta ni Gen Rodriguez.

"Oo bastos ako,dahil ang kagaya mo ay hindi dapat iginagalang!"sigaw ni Luke at halos sabay silang nagbunot at nagkasa ng baril ni Gen.Rodriguez at itinutok sa isa't-isa. "Iputok mo Gen. Ipakita mo kung ano ang tunay mong ugali! Shoot me General Rodriguez!"sigaw ni Luke.

Natigilan si Gen.Rodriguez ng makita ang ilang media na papalapit sa kanila.

"Take care of your life! Luke hindi mo kilala ang kinakalaban mo, and you are right, hawak ko ang lahat ng batas dito dahil mas malaki ang kinikita nila sa'kin kesa magpakatinong alagad ng batas na kagaya ninyo."banta nito kay Luke at tumalikod bago pa lubusang makalapit ang mga taga media.

Walang emosyon bumaling si Luke kay Tammy, hinihingal na tiningnan niya ito na nang-uusig. "Did you see that Ms.Garcia? Ganyan tao ba ang pinapahalagahan mo?"

Bumaling ng tingin si Tammy sa kabilang direksyon at nagpahid ng luhang lumandas sa kanyang pisngi.

"Nasa kamay ni Carl sila Iona at Lancer, sana ay kayanin pa ng konsensya mo Ms. Garcia,at sana walang ginagawang masama ngaun si Carl sa dalawa lalo na kay Iona!! Dahil ngaun pa lang sinasabi ko na "WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN!!"

Agad na namalisbis ang luha ni Tammy sa binitiwang salita ni Luke, nasapol siya nito. Ng humakbang palayo si Luke ay agad na namalisbis ang luha sa kanyang pisngi.

"L-luke! Wait."bigkas ni Tammy na hindi niya alam kung sapat na ba para marinig nito."I'll go with you."sabi niya dito ng makita niyang huminto ito.

 "Mama I'm InLove With A Criminal" #COMPLETED# {Editing}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon