Unedited Version
Kinaumagahan ay maagang gumising si Iona, dumiretso agad siya sa parking lot sa harap ng Villa at agad na napawi ang kaba sa kanyang dibdib ng makita ang Hummer3 ng kanyang Lolo na naka-park sa labas. Ng umihip ang hanging pang-umaga ay nakaramdam ng lamig si Iona na sumigid hanggang sa kanyang buto, agad niyang hinapit ang suot na roba at mabilis ng hakbang na pumasok sa loob ng Villa. Napadaan siya sa tapat ng kwarto ni Lancer at nakaramdam siya na gusto niyang makita ang binata, she's about to hold the door knob mg marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kinatatayuan niya. Mabilis ang hakbang na pumasok siya sa loob ng cr na naroroon abot-abot ang kanyang kaba, hanggang sa makabalik siya sa kanyang kwarto. Iona sent a message to Lancer ngunit ilang oras na nakakaraan ay wala pa itong sagot.
Samantala ng mga oras ma iyon....
"He's still alive?"tanong ng nasa kabilang linya.
"Yes Boss,matibay parang bato."
"Pahirapan ninyong mabuti, hanggang mamatay sa hirap dahil yan ang nababagay sa mga taong pakialamero!"
"Masusunod Boss!"
"Yung matanda nasaan na?"
"Boss, nayari ni Lucas."
''whatttt! Mga gago ang sabi ko 'wag ninyong sasaktan!"galit na galit na sabi nito.''napirmahan ba niya ang papeles?"
"Problema ho Boss yung papel, tinapon ni Romualdez at hindi na namin makita.
"Mga gago! Napakatanga ninyo!!!"sigaw niya dito bago pinatay ang kanyang cellphone.
"Aggghhhh!"daing na hirap na hirap na si Lancer, it's almost 6 hours na siyang binubogbog ng 6 na kalalakihan, gusto ng sumuko ng kanyang katawan ngunit iniisip niya si Don Manolo at ang kasintahan."Iona Mahal ko."ungol ni Lancer ng muling tumama ang latigo sa kanyang ulo at katawan na halos ikawala ng kanyang ulirat.
Isa.... dalawa... tatlo...apat... hanggang sa hindi na mabilang ni Lancer ang hampas ng latigo sa kanyang at dumilim na ang kanyang paligid, he's blurry and bleeding."Ionaaaa!"sigaw ni Lancer kasabay ng pagpatak ng luha ay tuluyan na siyang pumikit.
Villa Fontana...
"Lancer!!"ang biglang bigkas ni Iona ng pumatak ang baso na hawak habang umiinom ng gatas, she's bursts into tears, but she has no idea why, her heart beat so fast she's nervous.
"Oh God what is happening to me?"naitanong ni Iona sa sarili na napakunot sa noo ng kanyang Ina.
"Iona anak are you okey?''ang tanong ng kanyang Ina na hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya.
"Mom! Kanina ka pa po dyan?"
"No,not really? May problema ka ba anak?"
"No, nothing Mom."at ngumiti siya dito ng pilit.
"Iona, Mommy is always here for you, you can tell me anything Honey."
"I know Mom, thanks but I am okey."
Ng iwanan ni Ellaine ang anak ay naging palaisipan sa kanya ang kakaibang kinikilos ng Anak, hindi niya ito sinabi sa asawa a sobrang ng pagka-protective sa mga anak lalo na sa nag-iisa nilang babae.
"Morning Babe."bati ni Wayne sa asawa na nakatanaw sa labas.''what are you thinking?"
"Wala naman. Anyway dumating na ba sila Papa?"
BINABASA MO ANG
"Mama I'm InLove With A Criminal" #COMPLETED# {Editing}
RomanceFontana Sibling's SerieS #1 IONA MACEY FONTANA