CHAPTER 1

95 2 0
                                    

Author's note:

Ang istoryang ito ay una kong naipublish sa Facebook notes. Dahil sa marami ang nag-pm sa akin na maganda raw at kaabang-abang ang storya, madami din ang nag-request na ipagpatuloy ko ang pagsusulat...

Pero dahil sa wala pa akong cellphone noon (sa cellphone lang po ako nagsusulat) - sa notebook (pen and notebook) ko ito naipagpatuloy. At ngayo'y tinatamad akong i-type sa computer/cellphone para mai-publish dito.

Just for fun... baka makiliti rin ang iyong imagination...

--------------------------------

CHAPTER ONE

Uumpisahan natin ang kwento. At gusto ko, isipin mong ikaw ang mismong tauhan ng kwentong sinulat ko. Gusto kong imagine-in mo ang bawat salitang nakasulat sa kwento.

Magsisimula tayo sa isang masukal na kagubatan. Yung feeling na, nagising kang  mag-isa ka sa gitna ng mga nagtataasang punong kahoy.. Umaalingawngaw ang mga tunog ng ibon... naririnig mo ang lagaslas ng tubig mula sa isang  ilog sa di kalayuan...

Ang masaklap pa...

Gabi ka nandun.

Tanging liwanag ng buwan na tumatagos sa bawat espasyo ng mga dahon ng punong kahoy ang naaaninag mo.

makapal ang hamog...

makakabingi ang tunog ng mga kulisap sa paligid.

Ilang kaluskos mula sa mga tuyong dahon na nakalatag sa lupa ang iyong naririnig... Marahil gawa iyon ng ilang mga hayop na nakatira sa masukal na kagubatang ito.

Wala kang ideya kung bakit ka nandun.
Hindi mo maalala kong paano ka napunta sa gitna ng gubat na iyon.

Ilang minuto ang iyong ginugol para isipin kung ano nga ba ang nangyari kanina.. pero, sumasakit lang ang iyong ulo.. wala kang maalala.. napasapo ka tuloy sa iyong noo dahil sa pagsakit ng iyong ulo...

naramdaman mong may likido kang nakapa sa iyong noo..  ilang beses mong pina-ikot-ikot ang iyong daliri sa palad mo upang pakiramdaman ang likidong nakuha mo mula sa iyong noo. Dahil hindi mo maidilat ng maigi ang mga mata mo. Inamoy mo ang iyong kamay upang malaman kung ano ang likidong iyon.

Amoy dugo.

Ang nakakapagtaka...

bukod sa dugong naaamoy mo,

may isa pang amoy na nakakapagpasakit sa iyong ulo.

GAAS!

tama!

gaas nga...

kinapa mo ang suot mong damit.

basa ito! at ito ang nangangamoy gaas!

Sunod-sunod na tanong ang nabuo sa isip mo.

bakit ka sugatan sa ulo?
bakit ka naliligo sa gaas?
bakit ka nasa gitna ng kagubatan sa ganong oras?
sino ang nagdala sayo sa ganong klaseng lugar?

+++++++++++++++

Bago ka pa nakapag-isip ng susunod pang mga tanong, isang kaluskos ang iyong narinig ...

Mula iyon sa iyong likuran.

Ilan ding malalakas na na paghinga ang naulinigan mo sa iyong likod.

Bumilis ang tibok ng iyong puso.

Ano ang nasa likod mo?

nagdadalawang isip kang tumingin sa iyong likuran...
natatakot kang baka kung ano ang iyong makita rito.

pumikit ka...

lumunok...

at nagpasyang dahan-dahang ipihit ang iyong ulo upang tingnan ang pinaggalingan ng kaluskos at mga paghinga...

Nang biglang may humawak sa iyong kaliwang binti!

Nagsisisigaw ka dahil sa pagkakagulat!
Hindi mo ininda ang sakit ng iyong ulo dahil sa ubos-lakas na pagsigaw na ginawa mo.

Muling bumuka ang malaking sugat sa iyong ulo. Na naging dahilan upang patuloy na umagos ang dugo at tumulo ito sa mga dahong nakakalat sa lupa! Hanggang sa iyong balikat.. Hanggang sa iyong dibdib...

Ubod-lakas mong iwinasiwas ang iyong binti upang makawala ka sa pagkakahawak ng kamay na iyon habang patuloy ka sa pagsigaw!

Nawalan ka ng balanse!

Tumumba ka at napasubsob sa mga tuyong damo sa lupa!

Nakakapit padin sang kamay sa iyong binti!
At dahil sa pagkakatumba mo... Nahawakan na din nito ang iyong kanang paa!

May nagsasalita.
Pero hindi mo pinakikinggan...
Saklob na ng takot ang buo mong pagkatao!
Wala kang ibang naisip kundi kumawala sa mga kamay na nakakapit sa binti at paa mo!

Mas malaki ang katawan ng nilalang na nakahawak sa iyo!

Bigla ka niyang ikinulong sa mga naglalakihan nitong braso!
Pilit na tinakpan ang bibig mo!

Nanginginig ka habang patuloy na nagpupumiglas!

Pilit mong iniaalis mula sa pagkakayakap at pagkakatakip sa iyong bibig ang kamay ng nilalang na ito!

May nakapa ka sa kaliwang kamay ng nilalang na iyon!

Hindi ka nagkakamali!
Isa nga itong relo!
Isang wristwatch na yari sa metal na dahil sa lamig ng gabi at malamig din iyon ng itoy iyong mahawakan.

Mga ilang segundo kang napatahimik sa pagsigaw habang nag-iisip...

at dahil sa ilang sandaling iyon narinig mo sa wakas ang sinasabi ng nilalang na iyon!

Sinasabi pala nito ang kanyang pangalan.
Sinasabi din nitong huminahon ka..
Na wag kang maingay... baka marinig kayo ng mga humahabol sa inyo.

Nakilala mo na rin ang boses.

Sa kaibigan mo ito.
At nakilala mo sa siya wakas!

** AYAN! AYAN! PARANG ANSARAP TULOY IPAGPATULOY ANG PAGSUSULAT**

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon