NANG DUMATING ANG SANDALI, kumilos na ang grupo nina Raphael, James, Allan, Rex, Althea at Mang Arturo.
Pumwesto sila sa kani-kanilang napag-usapang dako.
Ang unang paraan para 'tumawag ng pansin' ng mga halimaw ay ang pagpalakpak ng isa kanila (ito rin ang magiging hudyat upang iparating sa kanilang mga kasamahan na nakarating na sa kani-kanilang pwesto ang bawat isa).
Bukod pa rito, ayun kay Mang Arturo, ang pagpalakpak ay isang senyales sa San Patricio ng paghingi ng tulong kapag ang sinuman ay naliligaw o nasa panganib. Si Mang Arturo na nasa itaas ng isang puno ang napag-usapan nilang gagawa niyon.
Mula sa kani-kanilang kinaroroonan. Umusal muna sila ng panalangin saka bumuntong-hininga at inihanda ang kani-kanilang mga sarili.
Dalawampung minuto ang napag-usapan nilang oras, pagkatapos na sila'y magkahiwa-hiwalay, bago ang pagpalakpak ni Mang Arturo.
Nang sumapit na ang dalawampung minuto, narinig na nila ang palakpak ni Mang Arturo.
Paulit-ulit at matagal na pagpalakpak ang ginawa ng matanda upang masigurong maririnig iyon ng mga puntiryang kaaway.
Dumoble ang lakas at bilis ng kabog ng kanilang mga dibdib.
Anumang sandali mula ngayon ay makakatunggali na nila ang pinakamalalakas na nilalang ng lugar na iyon...
**************************************
SAMANTALA...
Sa sasakyang kinalululanan nina Lola Tory ay ganun din ang takot at kaba ng lahat ng nasa loob.
Mabilis na dumistansya ang lahat sa bawat isa. Sapagkat iniisip nilang isa nga sa kanila ay impostor.
Nanlalaki ang mga mata ng lahat. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa bawat nasa loob. Pilit na inaaral kung may isa sa kanila ang may kakaibang kilos at tingin sa mata.
Si Cathy ay hindi na mapakali habang nag-iisip. Mabilis ring pinaglipat-lipat ang paningin sa kaniyang mga kasama.
Nang aktong gagalaw at magsasalita si Mang Pedring ay kaagad niya itong pinigilan.
"Ooppsss! Mawalang galang na po Mang Pedring, pero hindi po kayo pwedeng kumilos! Hindi rin po kayo pwedeng magsalita! Kahit na sino sa inyo ay hindi maaaring kumilos o magsalita!" aniyang nanginginig ang boses.
"Pero..." sasagot sana si Mang Aldo. Ngunit inawat kaagad ito ni Cathy.
"Uulitin ko po, wala po munang magsasalita sa inyo!" sigaw nya. Yumuko siya at may kinuhang tila tubo na nasa gilid ng kanyang kinauupuan.
"Isang maling kilos ng sinuman sa inyo ay hahampasin ko nitong hawak ko sa ulo! Wag kayong gagalaw!" sigaw ni Cathy. Nakamuestra pa ang kaliwang kamay nito na animo'y pinipigilan ang mga kasama sa pagsasalita at pagkilos.
Takot at nalilitong tingin ang ibinaling ni Lola Tory sa kanya. Tila, pinagdududahan siya nito.
"Hindi. Hindi po ako ang impostor!" kaagad niyang sabi kay Lola Toryang. Nabasa niya ang pagdududang iyon sa mga mata ng matanda. Saka mabilis na ini-angat at isang kamay hawak ang kanyang cellphone.
"Kita niyo to?" aniya ng ipinakita ang naka-lock na screen ng kanyang cellphone. "May password ang aking cellphone. Ako lamang ang nakakaalam ng password na iyon. Kung isa akong halimaw na nagpapanggap, hindi ko mabubuksan ang cellphone na ito. Tama po ba?" aniyang may himig ng pagpapaliwanag. Tiniyak niyang nakukuha ng kanyang mga kasama ang nais iparating.
"Kung mabubuksan ko ang cellphone ko, ibig sabihin. Ako nga ito. Si Cathy. Ibig sabihin, hindi po ako impostor." aniyang tila nahihirapang huminga.
BINABASA MO ANG
LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)
Mister / ThrillerPag namatay daw ang tao... Mayroon siyang pitong araw na pananatili sa mundo. At kwarentang araw (40 days) ng paglalakbay ng kaluluwa sa isang mundong dapat mong malagpasan para makarating sa destinasyon mo. Kapag napagtagumpayan ang mga balakid...