DAHIL SA PAKIKIPAGBUNUAN kay Allan ay di sinasadyang matanggal ang putik na bumabalot sa katawan ng nilalang na nilalabanan nila kanina.
Unti-unting nalantad ang tunay na kulay ng balat nito...
Unti-unti ring lumitaw ang tila isang tattoo nito sa braso...
"ARTURO"
Pagkakita ni Althea sa tattoo ng lalaki ay tila nag-flashback sa pananaw at isipan kung saan niya iyon nakita...
UNA: Noong paparating pa lamang sila sa barrio at bago makarating sa bahay ni Lola Tory. Ang lalaking nakita nilang may pasan-pasan na kawayan sa balikat (at sa dulo nito ay may nakasabit na patay na mga ahas)!
Naalala pa niya nang tila kinilig si Karen at sinabing "In Fairness... Ang Biceps!" pagkakita sa braso ng lalaki.
PANGALAWA: ay noong sumilip sila sa pintuan ng bahay kung saan may namatay at bumulagtang lalaki ilang metro ang layo mula sa bahay nila Lola Tory noong hapon bago sila mag-inuman!
Ang lalaking nasa harapan nila ay ang lalaking namatay na kapitbahay ni Lola Tory!
Hinulaan lamang ni Althea na ang pangalan nito'y ARTURO: gaya ng naka-tattoo sa braso nito. At nagbakasakali lamang siyang kaya ito narito sa mundong kinalalagyan nila ngayon ay dahil nabiktima rin ito ng mga aswang at halimaw na siyang may kagagawan din ng kanilang pagkapadpad sa lugar na iyon.
**************************************
NAKAKUNOT PA RIN ANG NOO nina Allan at Rex habang nakatitig kay Althea.
Iisa ang tanong nila sa isip: "Kilala ni Althea ang lalaking kanina pa nila sinusundan? Paano?".
Mas nagtaka pa sila nang natigilan ang lalaki at tila umamo ang hitsura nito mula sa kanina'y parang naggigigil at galit na galit.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ng lalaki kay Althea.
Kinakabahan pa rin si Althea. Pero nagawa niyang ituro ang braso ng lalaki na natanggalan na ng putik sa nakabalot sa balat nito.
"Nakita ko po sa braso niyo ang tattoo ninyo. Nagbakasali po akong yan po ang pangalan ninyo" sagot niya.
"Hindi kayo mga aswang? Hindi kayo kasama ng mga bumiktima sa akin?" tanong ulit ng lalaki.
Umiling-iling si Althea.
"Hindi po. Biktima din po kami" ani Althea. Mas panatag na ang loob niya ngayon. Pero hindi rin niya napigilan ang sariling magtanong: "Kayo po ang kapitbahay ni Lola Toryang di po ba?" paninigurado niya.
Tumango lamang ang lalaki.
Sina Allan at Rex ay nagkatinginan nang makupirmang ito nga ang lalaking namatay sa kalapit bahay ni Lola Tory. Nagugulat man sa mga naririnig ay hindi rin nila maiwasang mamangha sa talino ni Althea dahil sa natuklasan nito.
Isang malalim na hugot ng hangin saka muling nagsalita si Althea.
"Yung nasa loob po ng yungib... Buhay pa po siya di ba?" nangangatal na tanong ni Althea.
Saka lamang naalala ni Rex at Allan ang tungkol kay James.
Gusto na sana nilang kumilos para tingnan si James sa loob ng yungib, pero mas nanaig ang kagustuhan nilang marinig muna ang magiging sagot ni Mang Arturo sa tanong ni Althea.
Inihanda nila ang mga sarili sa maririnig.
Tumingin muna si Mang Arturo sa kanilang tatlo.
Saka tumingin din sa natatakpang yungib saka sumagot.
BINABASA MO ANG
LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)
Mystery / ThrillerPag namatay daw ang tao... Mayroon siyang pitong araw na pananatili sa mundo. At kwarentang araw (40 days) ng paglalakbay ng kaluluwa sa isang mundong dapat mong malagpasan para makarating sa destinasyon mo. Kapag napagtagumpayan ang mga balakid...