CHAPTER 21

9 0 0
                                    

PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK nina Grace, Karen at Lando sa loob ng bahay ay kaagad din naman nilang ipininid ang pintuan at dumiretso sa pinaka-sala ng bahay.

Nagtabi-tabi sila sa pagkakaupo upang sabay-sabay ring makita ang mga nakunan nilang litrato.

Itinodo ni Grace ang brightness ng kanyang cellphone upang mas makita nila nang mabuti ang mga pictures.

Nang mabuksan nila ang unang picture ay nakakunot-noo sila pare-pareho dahil hindi nila maaninag masiyado at malaman kung anu-anong bagay ba ang nasa larawan.

Ngunit habang patuloy sa pagtitig at "pag-aaral" sa mga larawan ay unti-unti nilang nadi-determina ang mga detalye ng mga ito.

"Guys... tingnan niyong mabuti itong picture na to" bungad ni Lando nang makita ang isang picture na lupa ang makikita.

Dahil dito ay tinitigan namang mabuti ng dalawang dalaga ang kasalukuyang picture na nasa screen.

"Tumingin kayong mabuti sa may lupa. Parang may mga bakas" pagpapatuloy ni Lando.

"Oo nga no!" bulalas ni Karen.

"Ano kaya ang mga bakas na yan?" tanong ni Grace.

"Ilipat mo pa sa ibang mga pictures, baka may makita pa tayo" sagot ni Lando.

Nakailang lipat pa sa mga pictures si Grace saka sila may napansin sa isa pang picture.

"Teka... Guys, tingnan niyo, may butas sa lupa!" sigaw ni Karen nang mapansin ang butas sa lupa na malapit sa poste ng bahay.

Tila napapaisip naman si Lando nang makita ang butas na sinasabi ni Karen.

May tila naaalala na naman siya rito...

**************************************

HABANG TAHIMIK NA NAG-IISIP ng magandang plano sina Rex, Allan, Althea at Mang Arturo tungkol balak na 'pagpapain' sa mga halimaw ay napansin nilang tila gumalaw ang daliri ni James na noon ay nakahiga pa rin at natutulog.

"Guys! Napansin niyo yun?" nanlalaking mata na turan ni Althea.

Tumango-tango lang na nakatitig ang mga lalaki sa katawan ni James.

Lalong nanlaki ang mga mata nila nang makitang gumagalaw din ang talukap ng mga mata nito.

Kaagad naman nila itong nilapitan at pinalibutan.

"James!?!" na-i-excite na panggigising ni Althea.

Pero, walang reaksiyon si James sa pagtawag na iyon ni Althea. Hindi na muli pang gumalaw ang ano mang bahagi ng katawan nito.

"James???" tawag ulit ni Althea. "Gising ka na ba? James...? " dugtong nito.

Ngunit wala pa rin itong naging tugon.

Dahil dito ay hindi naikubli ni Althea ang pagkalungkot.

Maya-maya pa, nagulat na lang sila nang...

"Nagugutom ako" bumuka ang bibig ni James at sinabi ang mga katagang iyon habang nakapikit pa.

Dahan-dahan din nitong iminulat ang mga mata saka tumingin sa mga kaibigan.

"James!!!" di na napigilang bulalas ni Althea saka ito mahigpit na yumakap sa katawan ni James. "OK ka na ba? Ayos na ba ang pakiramdam mo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Althea.

"Yup. I think, OK na ko..." sagot ni James na kumilos para umupo.

"James! Pare, welcome back!" tuwang-tuwa ring sabi nina Rex at Allan saka sabay na umakbay sa kaibigan.

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon