KINAUMAGAHAN…
Maagang nagising ang sina Cathy, Grace at Karen.
Nagtaka pa ang mga ito nang makitang wala sa higaan sina Raphael, James, Allan at Rex. Sa iisang silid lamang kasi sila natutulog pero magkahiwalay na papag ang higaan ng mga lalake at babae.
Nagtataka rin silang wala sa tabi nila si Althea.
Nagpasya silang hanapin ang mga kasama. Nagplano din silang maghanda ng almusal dahil nakita nilang sarado pa ang isang silid: tulog pa si Lola Tory dahil sa kalasingan kagabi.
Pagkalabas nila sa kwarto ay dumiretso sila sa kusina.
Natawa pa si Cathy nang makitang nakatulog ang mga lalaki at si Althea sa kusina kung saan sila nag-inuman.
“Hey! Hey! Hey! Look at that! Tulog pa din ang mga ‘malalakas’ sa inuman! Haha!” may himig pangungutyang bulalas ni Cathy.
Nilapitan nila ang mga kaibigan.
“Hoy! Mga walwal! Magsigising na kayo! Kung matutulog pa kayo ay lumipat na kayo sa kwarto at magluluto kami ng almusal!” bulyaw naman ni Grace.
May isang bagay silang napansin sa mga lalaki. Lahat ng mga ito’y walang suot na pang-itaas! (Hawak-hawak lamang ng mga ito ang kani-kanilang mga damit. Ang iba’y nakapatong lang sa dibdib o tiyan).
Nagkatinginan sina Cathy, Grace at Karen.
Nakakunot ang noong tinitigan ang mga nakahiga pang mga kaibigan.
May napansin pang isang bagay si Karen. Pero hindi nito mabanggit ang tungkol dito. “Wait.. OMG… What’s with them?” tila nagtataka nang sambit ni Karen. May halong takot na ang naramdaman nito.
“B-bakit ganito ang kulay nila? Parang mapusyaw… Parang mga walang dugo!” naguumpisa na ring mabalot ng takot ang pagkatao ni Grace habang sinasabi iyon at nilalapitan ang mga kaibigan.
Nanginginig ang mga kamay nitong hinawakan si James. Balak niyang yugyugin ito upang magising.
Pero pagkahawak niya sa braso ni James ay bigla rin siyang bumitaw at napalayo sa lalaki.
“Bakit?” takang tanong ni Karen.
Sasagot sana si Grace. Pero nangangatal na ang labi nito at hindi makapagsalita. Maluha-luha na rin ang mga mata nito.
Dahil sa gusto na ring malaman ni Karen kung bakit ganun ang naging reaction ni Grace (at dahil hindi naman ito sumasagot) ay nilapitan nito si Rex at hinawakan din. Bumilis ang tibok ng puso nito nang maramdaman ang katawan ni Rex. Nanlaki din ang mga mata nito. “No!” mangiyak-ngiyak na saad ni Karen.
Takang-taka naman si Cathy.
“Ano!?? Anong nangyayari, guys!?? Anong nangyari sa kanila!” natatakot naring tanong ni Cathy na noo’y nakakapit lang kay Grace.
Nilakasan na lamang ni Karen ang loob at pilit na niyugyog ang katawan ni Rex. “Rex! Gising! Rexxxx!!!” nanginginig na sigaw nito.
Walang reaksiyon ang katawan ni Rex.
Pinulsuhan ito ni Karen.
“No! No! Noooo!!! Hindi pwede! Hindi kayo maaaring mamamatay!!!!!!” papahagulgol nang turan ni Karen.
Lumipat ito sa bangko kung nasaan ang katawan ni Althea. Niyugyog din nito iyon. Pero wala ring epekto.
Lumipat naman ito kay Allan… ganun pa rin…
Si Cathy ay nanlalaki na rin ang mga mata sa naririnig. Kinikilabutan ito habang pinapanuod si Karen.
Nang hindi makakuha ng sagot o kahit reaksiyon man lang sa mga kaibigan ay wala sa loob na tinapik-tapik ni Karen ang pisngi ni Rex.
BINABASA MO ANG
LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)
Mystery / ThrillerPag namatay daw ang tao... Mayroon siyang pitong araw na pananatili sa mundo. At kwarentang araw (40 days) ng paglalakbay ng kaluluwa sa isang mundong dapat mong malagpasan para makarating sa destinasyon mo. Kapag napagtagumpayan ang mga balakid...