CHAPTER 19

10 1 0
                                    

SA KUBO NI LOLA TORY....

Halos himatayin na sa takot si Karen nang makitang bumulagta si Lando sa lupa. Tila nadikit na ang likuran niya sa dingding ng bahaging iyon ng bahay (gusto niyang sumiksik sa kahit saang sulok), nanginginig at nanlalaki ang mga mata dahil sa takot.

Sigaw ito ng sigaw.

Mabuti na lamang at nakatakip ang mga kamay nito sa bibig. Kaya hindi masiyadong nakakalabas ang lakas ng boses nito. Mabuti na lamang din at sa kabila ng takot na nararamdaman ay nagagawa pa niyang pakinggan at sundin ang mga sinasabi ni Grace.

Gaya ng madiing sinasabi ni Grace kanina na magtakip siya ng ilong. Na kahit hindi niya alam ang dahilan ay ginagawa at nagagawa pa rin niya.

Nasa ganoong ayos siya habang pinapanuod si Grace.

Hawak-hawak pa rin ni Grace ang isang tuwalyang nahablot nito kanina; habang nakatakip naman ang tuwalya sa mukha ni Lando.

Maya-maya rin ay tila nakahinga ng maluwag si Grace na binitawan na ang hawak na tuwalya at inalis iyon sa mukha ni Lando.

"Huminahon ka na Karen. Mamaya-maya magiging OK na si Lando" ani Grace na pilit sinisilip ang labas ng bahay.

Hindi nakasagot si Karen dahil nanginginig pa rin ito.

"Papaitaas na ang araw. Sigurado akong umalis na rin sa tapat ng bahay ang babaeng yun" sambit ni Grace.

Saka naman naalala ni Karen na tingnan ang labas ng bahay kung nasaan ang babaeng nakatayo kanina.

"Sino ang babaeng yun?"nagawang itanong ni Karen pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.

"Hindi ko rin alam. Pero, isa siya sa mga may kagagawan nito sa mga kaibigan natin" sagot ni Grace.

"Anong nangyari kay Lando? Bakit siya nagkakaganyan?" tanong ulit ni Karen.

Saglit na nag-isip si Grace saka ito sumagot.

"Naalala mo yung nangyari kay Cathy sa bahay ng kapitbahay nating unang nabiktima ng mga halimaw? Di ba naikwento niyang may naamoy din siyang kakaiba? Saka siya nakakita ng mga kakaibang mga bagay at pangyayari sa bangkay? Napansin ko, dahil si Lando lang ang hindi nagtakip ng ilong sa atin kanina (at sinisinghot-singhot pa nito ang hangin), siya lang din ang nakakita ng mga kakaibang mga bagay. Naisip ko, baka ang amoy na iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga nakakatakot na pangyayari sa paningin nina Cathy at Lando. Kaya ko tinakpan ang ilong niya ng tuwalya at pinayuhan ka ring magtakip ng ilong kanina. Ang amoy na iyon ang nagbibigay ng mga nakakatakot na ilusyon sa sinumang nakakaamoy nito" saad ni Grace.

Napaisip si Karen. Nanlaki ang mga mata nang tila maalala rin ang mga kwento ni Cathy tungkol sa nangyari rito sa bahay ng unang namatay sa kapitbahay.

"Tama! Oo... Posible nga!" bulalas naman ni Karen nang mapagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.

"Ang kailangan na lang nating malaman ay kung saan nanggagaling ang amoy na iyon" ani Grace.

"Hindi kaya galing iyon sa babae kanina?" tanong ni Karen. Gumana na ang pagkama-siyasat nito nang marinig na posibleng 'ilusyon' lang ibang nangyari kanina.

"Masiyadong malayo ang distansya ng kinatatayuan ng babae sa bahay para magkaroon ng ganoong katinding amoy kung ito nga ay nagmumula mismo sa babae at sa kinalalagyan nito" ani Grace.

"What do you mean?" napamaang na tanong ni Karen.

"Baka may ibinato o inilagay ang babaeng iyon malapit sa bahay. O di kaya ay may kasama siyang nakalapit ng bahagya sa kubo. At iyon ang aalamin natin mamayang pagsikat ng araw at magliwanag" tugon ni Grace.

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon