CHAPTER 13

12 0 0
                                    

NANG MAKITANG KUSANG TUMIGIL si Althea sa pagpapalutang sa katawan ay nakaramdam na ng di-maganda si Allan.

K

akarating lang din nila ni Rex sa pampang at kabawi-bawi pa lang din nila ng kani-kanilang mga paghinga.

“Rex! Si Althea!” sigaw nito nang makitang lumubog si Althea sa tubig.

Halos sabay din silang muling tumalon sa tubig upang puntahan ang kaibigang babae.

Mabuti na lamang at hindi pa gaanong nakakalubog si Althea at naabutan nila ito kaagad.

Dahil naramdaman ni Althea ang mga kamay na umaakay sa kaniya upang sagipin siya at iahon ay dumilat siya ng paningin. Ngunit blangko pa din ang isipan nito. Nanatiling walang reaksiyon.

Nang mahila siya sa pampang at maihiga sa lupang bahagi ng gilid ng ilog ay saka lamang nakapagsalita si Althea.

“Dapat hinayaan niyo na lang akong malunod…” aniya at saka humagulgol.

Nagkatinginan naman sina Allan at Rex dahil sa narinig mula sa dalaga.

“Hah!??? Anong nangyayari sayo?” pabulyaw na tanong ni Allan.

“Ako ang may kasalanan! Kinuha ng halimaw si James sa ilalim ng tubig! Una, si Raphael! Wala akong nagawa kagabi! Ngayon naman, pinabayaan ko lang na makuha si James! Sa harapan ko nawala ang dalawang kaibigan ko! Kasalanan ko ang pagkamatay nila!” ani Althea na hindi na mapigil ang paghagulgol.

Napasapo sa batok si Allan dahil sa narinig.

“Ano ka ba!?? Wala kang kasalanan, OK? Kami nga itong may kasalanan eh. Dahil sa aming mga lalaki kaya tayo napunta dito sa lugar na ‘to. Kami ang may kasalanan ng lahat ng ito! Nadamay ka lang sa amin! Kami ang nagdala sa iyo rito!” matigas na turan ni Allan.

“Hindi! Ginusto ko din to! Hindi niyo dapat sisihin ang sarili niyo! Ginusto ko ang nangyari!” humahagulgol pa din sagot ni Althea.

Kumunot ang noo ni Allan sa narinig.

“Anong ibig mong sabihin???” naguguluhang tanong ni Allan.

Agad na sumabad si Rex. Tila nais na nitong pigilan ang usapan ng dalawa.

“Guys! Guys! Chill lang kayo. Wag na tayong magsisihan. Ang mas importante nating gawin ngayon ay hanapin si James. Kailangan natin siyang iligtas sa kamay ng halimaw. Mahina na rin ang halimaw. Pwede pa natin itong pagtulung-tulungan!” ani Rex habang nasa gitna ng dalawa.

Saka ito tumitig kay Althea na tila may nais na iparating. Mahina at mariin nitong sinabi kay Althea: “Hindi ito ang tamang oras para dyan, Althea.”

Tumitig din kay Rex si Althea na tila nagtatanong. Tila may nais kumpirmahin.

Tumango-tango lang si Rex na tila nababasa ang isip ni Althea.

Tila naiintindihan nito ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon ng dalaga…

Upang tuluyang maiba ang usapan ay nagsalitang muli si Rex. Aniya: “Palagay ko, isa sa puntirya ng mga kalaban natin ang emosyon natin. Malakas ang kutob kong sinasadya nilang paglaruan ang nararamdaman nating lahat. Wag sana kayong papatalo sa emosyon niyo. Bantayan ninyo ang mga sarili ninyo. Baka imbes na magtulungan tayo, tayo pa ang  magpatayan sa huli” ani Rex.

Tila napakalma naman ng mga salitang iyon sina Allan at Althea.

**************************************

NANG MAHIMASMASAN ANG TATLO ay iisa lamang ang nasa isipan. Ang hanapin kaagad si James.

Pinuntahan ni Rex ang direksyon kung saan posibleng umahon ang nilalang na kumuha rito.

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon