CHAPTER 24

9 0 0
                                    

Habang papalalim ang gabi ay tila mas kinakabahan sina Grace, Karen at Lando.

Tila pakiramdam nila'y lumalamig lalo ang hangin na nagdudulot sa kanila ng pagtindig-balahibo.

Walang nagsasalita sa kanila. Nakaupo lamang silang tatlo na magkakaharap sa sala...

Pinipilit labanan ang kabang nararamdaman.

**************************************

Kumain din ng kanilang natitirang pagkain ang grupo nina James, Allan, Rex, Althea at Mang Arturo.

Pagkatapos ay kapit-kamay silang nanalangin upang hilingin ang tagumpay sa binabalak nila...

Hiniling din nilang matagpuang ligtas si Raphael at sama-sama silang makabalik...

**************************************

Pare-pareho silang abala ang isipan...

Wala sa kanila ang nakakaalala sa oras at panahon na meron sila.

Tanging si Raphael lamang ang mayroon tila kalkulasyon sa nalalabing sandali.

**************************************

Si Cathy na kanina pa hindi mapakali sa loob ng van ay nakakunot na ang noo sa kakaisip...

Pinipilit niyang intindihin ang tila palaisipan ng impormasyong nalaman niya kanina.

Inisa-isa niyang alalahanin ang mga bagay-bagay na may kinalaman at naranasan niya sa lugar ng San Patricio.

Una, ang mga nalaman nilang kababalaghan tungkol sa mga nilalang na may kakayahang magpalit ng anyo ayon sa kwento ni Lola Tory.

Pangalawa, ang tungkol sa pagkamatay ng matandang lalaking kapitbahay.

Pangatlo, ang naranasan at naamoy niya noong bisitahin nila ang namatayang kapitbahay. Ang pagkakaroon niya ng tila halusinasyon habang nasa bahay sila ng namatay na lalaki.

Pang-apat, ang mga maliliit na boteng natagpuan sa tabi ng bangkay na mga kaibigan.

Pang-lima, ang kanilang pag-alis upang puntahan si Mang Pedring na sinasabing nakatakas mula sa kabilang dimension.

Pang-anim, ang tungkol sa kwebang-sementeryo.

Pang-pito, ang mabilis na pagka-agnas ng mga bangkay na inilalagak sa kweba.

Teka...

Natigilan siya... Binalikan niya ang pang-lima...

Wala sa sariling nagsalita siya ng patanong...

"Mang Pedring?" bungad niya upang kunin ang atensyon ng matanda. "Hindi pa pala ninyo nasasabi kung bakit hindi ninyo maaaring ikwento ang tungkol sa naranasan ninyo sa napuntahan ninyong mundo. Ano nga po ba talaga ang naranasan ninyo sa mundong iyon?" tanong niya sa matanda.

"Nasa daan pa kasi tayo ng paglalakbay... Baka lusubin tayo o yung mga bangkay ng mga kaibigan ninyo kapag nagsalita ako ngayon... Delikado." sagot ni mang Pedring.

"Sinong lulusob? Bakit tayo lulusubin? Ano po bang meron?" tanong parin niya.

"Mamaya, kapag nasa bahay na tayo ni Toryang, ikukwento ko ang lahat..." sagot lamang ni Mang Pedring.

Bumuntong-hininga na lamang siya.

Hindi niya talaga mapilit ang matanda upang magkwento.

Lalo tuloy siyang hindi mapakali. Nakadagdag pa sa isipin niya ang tungkol sa kung bakit hindi maaaring ibahagi sa iba ang impormasyon tungkol sa mga naranasan ni Mang Pedring sa mundong napuntahan.

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon