CHAPTER 18

20 1 0
                                    

ALAS KWATRO NG MADALING ARAW napagpasyahang umalis nina Lola Tory.

Si Cathy ang muling sumama sa matanda at kay Mang Aldo.

Pumayag na rin sina Grace at Karen na magpa-iwan muli dahil may makakasama naman diumano sila. Si Lando.

Inihatid ng tingin ng naiwang tatlo ang sasakyan ng mga umalis.

Nang mawala ito sa kanilang mga paningin ay nagtanong si Lando sa dalawang kasama.

"Balak niyo bang matulog ulit? O magpapakulo na ako ng tubig para makapagkape?" tanong ni Lando.

"Hindi na rin siguro ako makakatulog. Magkape na lang tayo" ani Grace.

"Tama" sang-ayon naman ni Karen.

Habang nagpapalingas naman ng panggatong si Lando ay panay naman ang tingin ni Karen sa lalaki.

"Baka malusaw" bulong na panunukso ni Grace.

Hindi naman nag-react si Karen.

Nanatili itong nakatitig kay Lando na tila pinag-aaralan ang kilos nito.

**************************************

HABANG NAGKAKAPE ay nagkwentuhan ang tatlo.

Kapansin-pansin ang panay na pagtatanong ni Karen kay Lando.

Umabot pa sa puntong nasabi ni Grace kay Karen na: "Ano to, imbestigasyon?" sa tonong nanunukso.

Natawa na lang si Lando sa naging reaksiyon ni Karen sa tanong na iyon ni Grace.

Kung saan-saan pa napunta ang topic ng kanilang usapan. Ngunit hindi pa din sumisikat ang araw at madilim pa din sa labas.

Maya-maya pa'y...

Biglang napatakip ng ilong ang dalawang babae!

"Ayan na naman ang amoy na yun!" bulalas ni Grace. Nakatakip pa din ito ng ilong gamit ang kamay.

Si Lando nama'y tila sini-singhot singhot pa ang hangin at tila gusto pang maamoy ng maigi ang amoy na pumapailanlang.

"Natatakot ako. Di ba sabi ni Cathy, ang amoy na naaamoy natin ay galing sa mga kalaban natin? Ibig sabihin narito ulit sila? Ibig sabihin nasa malapit lang sila?" turan ni Karen.

"Pamilyar sa akin ang amoy na yan" maya-maya'y seryosong saad ni Lando. Sige pa din ito sa pagsinghot.

Napatingin ang dalawang babae kay Lando. Pero nanatili silang nakatakip ng ilong.

"Paanong pamilyar? Alam mo ba kung kanino o saan ito nanggagaling?" tanong naman ni Grace.

Maya-maya'y umikot at tumirik ang mga mata ni Lando na tulad nang sa nahihilo. Pumikit ito at umiiling-iling na animo'y may nais na maiwagwag o maalis na bagay na nasa ulo. Matagal nitong ginawa iyon.

Hanggang sa sinubukan nitong magmulat ng mata...

Pagkadilat ay nanlaki ang mga mata nito nang madako ang paningin sa pintuan ng silid kung nasaan ang mga labi ng kanilang mga kaibigan.

Dahil dito, sila man ay napatingin sa pintuan na iyon. Inakala nilang may nakitang kung ano si Lando doon.

Pero wala silang nakita...

Biglang sumigaw si Lando!

"Sina Raphael at ang mga kaibigan ninyo! Lumalabas ng kwarto!" ani Lando na parang takot na takot ang makikitang reaksiyon sa mga mata.

Kumunot lamang ang noo nila. Nagtatakang pabalik-balik ang mga mata nila kay Lando at sa labas ng pintuan ng silid.

"Papaanong lumalabas? Eh nakasara ang pinto!" sigaw ni Karen. Nais niyang mainis. Pero parang mas pinananaigan siya ng takot sa sandaling iyon.

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon