PAGKA-ALIS NG NILALANG na iyon ay kaagad naman silang lumabas sa kanilang pinagtataguan.
Napagpasyahan nilang sundan pa rin ito.
Mas maingat ang naging kilos nila sa pagkakataong iyon.
Hindi na din nila pinayagang mawala ito sa kanilang mga paningin. Dahil anila'y wala nang mga bakas na maaari nilang sundan. Wala nang dugo o tubig na pumatak sa lupa o sa mga dahon upang maging gabay.
Maya-maya pa, sa di malamang dahilan, tumakbo ang nilalang ng mabilis!
Dali-dali silang nagkatinginan at tila nag-usap sa mga mata – saka nagpasya at nagsenyasang pilit na habulin pa din ito ng palihim.
"Bilis guys! Mawawala na siya!" pabulong pero matigas na turan ni Rex habang nakayuko silang tumatakbo.
Bagaman binilisan nila ang takbo ay tinatiyak nilang hindi sila nito maililigaw.
Pero sadyang mabilis ang galaw ng nilalang.
Ani Althea sa isip: "Marahil ay kabisado na nito ang mga daan o di kaya ay sanay ito sa paninirahan sa ganitong lugar."
Malayo-layo na rin ang tinatakbo nila...
Papalayo na rin ng papalayo ang agwat nila sa nilalang na iyon na tila hindi napapagod o bumabagal man lamang.
Pero sinikap pa rin nilang masundan ito.
Hindi nila alam kung bakit tila may nag-uudyok sa kanilang habulin ito.
Kahit na hingal na hingal na sila.
Ano ba ang gagawin nila sakaling maabutan nila ito? Papatayin ba nila ito? Aawayin ba nila ito o uusigin dahil sa ginawang pananakit sa hayop? Sasaktan din ba nila ito? Kakausapin? Kakapanayamin?
Wala sa kanila ang nakakaalam sa susunod nilang gagawin. Basta't ang pakiramdam nila'y kailangan nila itong maabutan.
Hanggang sa nakarating sila sa paanan ng ilang malalaking bato.
Malalapad ang mga ito na nakapahilig at nakasandal sa isa't-isa.
Dito na natuon ang atensiyon nila. Anila'y parang idinisenyo ang pagkakapatong at pagkakahilig ng mga ito na nagdulot ng kakaibang porma.
Pinakatitigan nila ang mga malaking bato na tila pinag-aaralan...
Hindi nila namamalayang nawaglit na sa kanilang paningin ang nilalang na sinusundan.
May nararamdaman silang kung ano sa mga batong nasa kanilang harapan.
Nagtinginan silang tatlo...
Saka dahan-dahang inikot ang mga nakapormang bato. Dahil sa pagkakahilig ng malalapad na bato ay inaasahan nilang mayroong makikitang munting yungib sa kabilang bahagi nito.
At hindi sila nagkamali...
Dahil dahan-dahan din nilang nakikita ang bukana ng yungib sa kanilang unti-unting pag-ikot dito.
Nakita din nila ang isa pang malapad na bato na nakatakip sa lagusan ng yungib. Tila sinadyang ilagay ito roon upang takpan ang yungib.
Nag-usap ang kanilang mga mata bago gumawa ng anupamang hakbang.
Tila nagkakaintindihan naman silang dahan-dahan at sabay-sabay na sumilip sa loob ng yungib.
At nabigla sila sa nakita sa loob!
Mula sa siwang sa pagitan ng batong nakahilig at batong ipinantakip sa yungib ay may nakita silang ulo ng isang tao!
Inaninag nilang mabuti ang nakikitang ulo sa loob dahil may kadiliman sa loob.
BINABASA MO ANG
LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)
Mister / ThrillerPag namatay daw ang tao... Mayroon siyang pitong araw na pananatili sa mundo. At kwarentang araw (40 days) ng paglalakbay ng kaluluwa sa isang mundong dapat mong malagpasan para makarating sa destinasyon mo. Kapag napagtagumpayan ang mga balakid...