Introduction:
Kiniliti ko lang po yung imagination niyo nung Chapter One kaya ginawa kong "first person" yung panulat.
Inilagay ko sa sitwasyon ang mga sarili ninyo para mas lalo niyong ma-appreciate yung settings ng story. But now, hindi na po kayo yung magiging character sa story. Papangalanan na natin yung main character ng "ALTHEA".
Sit back.. Enjoy.. ^_^
----------------------------------
Mga ilang segundong napatahimik si Althea sa pagsigaw habang nag-iisip...
at dahil sa ilang sandaling iyon narinig niya sa wakas ang sinasabi ng nilalang na iyon!
Sinasabi pala nito ang pangalan..
Sinasabi din nitong huminahon siya..
Na wag siyang maingay... baka marinig sila ng mga humahabol sa kanila.Nakilala na rin niya ang boses.
Sa kaibigan nga niya ito.
At nakilala na rin niya ito sa wakas!............................................................
Kahit nanginginig pa ay minabuti ni Althea na humarap sa lalaking kanina ay halos pumatay sa kanya sa takot.
Nais niyang makasigurong si Raphael nga ito. Ang kanyang kaibigan at kaklase. Ayaw niyang isipin na ibang tao ito. Na baka nagdideleryo lang siya sa takot. Ayaw niyang isiping muli na nag-iisa siya sa lugar na iyon.
"Raphael! Ikaw nga!" bulalas niya ng makita ang mukha ng kaharap. Na kahit ito man ay duguan ding katulad niya. Natamaan kase ang mukha ng kaharap niyang lalake ng sinag ng buwan na nakalusot sa espasyo ng mga dahon ng punongkahoy.
Yayakapin sana niya ang lalaki na kanyang kaharap dahil sa tuwa.
Ngunit bigla siya nitong hinablot sa kamay at patakbong hinila.
"Bilisan mo Althea, sigurado akong narinig nila ang pagsigaw mo kanina! Panigurado din akong naaamoy na din nila ang dugong muling lumabas sa sugat mo! Tumakbo ka sa pinakamabilis na takbong makakaya mo!" ani Raphael. Hawak ang kanang kamay niya nang mahigpit habang halos madapa siya sa paghila nito sa kanya.
"Hindi kita maintindihan Ralph! Sinong sila?" gulong-gulo ang isipan niyang tanong.
"Mamaya ko iku-kuwento sayo! Kapag nakalayo tayo dito! Ang importante, makahanap tayo ng ligtas na lugar!" sa halip ay sagot nito sa kanyang mga tanong.
Pagkatapos niyang marinig iyon ay pinilit niyang makasabay sa pagtakbo ng binata
Halos maubos ang kanyang hininga sa pagtakbo.
Nakita niyang panay ang paglingon ni Raphael sa likod.
Kaya't paminsan-minsan ay sumusulyap din siya sa kanyang likuran.
May nakita siya! May mga nilalang na mabilis na lumulundag-lundag palipat-lipat sa bawat punong kahoy at papalapit sa kanila!
"Ayan na sila!" si Ralph na noo'y nakita na din pla ang mga nilalang na papalapit sa kanila! "Bilisan mo pa, Althea! Bilis pa!" sigaw nito habang mas mahigpit ang ginawa nitong paghawak sa kanyang braso at mas mabilis na hinihinila siya sa pagtakbo!
Pinilit niyang mas bilisan pa ang pagtakbo.
Naroong halos mapasubsob siya sa bilis ng kanilang ginagawang pagtakbo.
Ngunit mas lalo lamang nakakalapit ang mga nilalang na humahabol sa kanila. Mas mabilis ang mga ito!
Nanghihilakbot siya sa mga hitsura ng mga nilalang na iyon na habang nakakalapit sa kanila ang mga ito ay mas nakikita niya ang detalye ng mga mukha at kabuuan ng katawan ng mga ito!
Dahil sa paulit-ulit na pagtingin sa likod ni Ralph, bigla itong napatid sa isang nakausling ugat ng punong kahoy at napasubsob sa lupa! Tumama rin braso ng lalake sa isang matulis na bato! Dahilan iyon para mahiwa ito at mabilis na umagos ang dugo nito sa braso!
Tumigil siya upang tulungan si Raphael.
"Huwag! Althea! Tumakas ka na! Iligtas mo ang sarili mo!" sigaw nito sa kanya!
"Hindi! Hindi kita pwedeng iwan dito Ralph! Hindi ko kayang mag-stay dito ng mag-isa!" sagot niya at aktong aalalayan si Ralph!
"Hindi, Althea! Hindi ka nag-iisa! Nandito rin sina James, Jenny, Rex at Allan!" sagot nito sa kanya. Ang mga binanggit na pangalan ay pamilyar sa kanya. Subalit hindi niya makuhang alalahanin kung sino ang mga ito at kung ano ang hitsura ng mga ito. Dahil sa takot na nararamdaman niya.
"Bilis! Althea, tumakas ka na!" muli niyang narinig ang sigaw ni Raphael.
"Pero paano ka!?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.
"Wag mo akong alalahanin! Bilisan mo na!" sagot lamang nito sa kanya. Nakita niyang determinado si Raphael sa kanyang pasya. Tila ba sigurado itong magpaiwan duon.
Hindi niya maihakbang ang mga paa para magpatuloy sa pagtakbo.
Papalapit nang papalapit ang nakakatakot na nilalang sa kanila.
"Sige na Althea...Maghanap ka ng matataguan, iwanan mo na ako! Kung kakayanin mong hubarin ang damit mong duguan, hubarin mo! Iwanan mo sa daan. Magpunas ka ng katawan! Punasan mo ang dugo ng lumabas sa iyong katawan. Malalakas ang pang-amoy ng mga nilalang na iyon sa dugo ng mga tao! Gawin mo yun para di ka masundan! Hanapin mo pa ang iba nating kasama." huling nasabi ni Ralph.
Wala sa loob siyang tumakbo. Hindi niya mapigilan ang umiyak.
Hinubad din niya ang kanyang damit na puno ng dugo! Iniwan lamang niya ng kanyang panloob.
Naghanap siya ng matataguan. Sa di kalayuan ay may nakita siyang isang maliit na yungib. Lakas loob niyang pinasok iyon. Hindi niya alintana ang lamig ng gabing iyon. Mas nananaig ang takot sa kanya. Mas pinagtutuunan niya ng pansin ang makatakas. Wala din sa kanya ang isipin na nakapanloob na lang siya. Hindi na niya iniisip ang mahiya.
Mula sa kanyang kinaroroonan, nakikita niya pa rin ang kinaroroonan naman ni Raphael. Inabutan na nga ito ng mga nilalang na iyon. Na nang makalapit kay Raphael ay nag-anyong tao ang mga ito. Naglabasan ang matutulis na ngipin at pinagkakagat ang kanyang kaibigan.
Halos mangiyak-ngiyak siya habang pinapanuod ang ginagawa ng mga nilalang na iyon sa kanyang kaibigan. Sinipsip ng mga ito ang dugo at sinimot din ang nagkalat na dugo sa katawan ng lalake sa pamamagitan ng pagdila.
May napansin siyang isang lalakeng nakatayo lamang na pinapanuod ang ginagawa ng mga kasamahan nito kay Raphael.
Bakit kaya hindi nakikisalo sa mga kasamahan ang lalaking iyon sa pagkain ng dugo ng kanyang kaibigang si Raphael?
Ito kaya ang pinuno ng mag nilalang na iyon? Subalit, di ba't dapat ay ito ang unang makinabang sa dugo ng kanyang kaibigan kung ito nga ang pinuno ng mga nilalang na iyon?
Pikit-mata siyang tumalikod at napasandal sa ding-ding nang napasok na yungib. At saka nag-iiiyak.
Ngayo'y mag-isa na lang siya sa kagubatang iyon.
Naalala niya ang tungkol sa mga kaibigan niyang ayon kay Raphael ay nandito rin sa lugar na ito. Sina James, Jenny, Rex at Allan.
Pero saan niya hahanapin ang mga ito? Paano siya makakalabas ng kagubatang iyon? Hanggang ngayo'y hindi pa din nasasagot ang katanungan niya kung anong klaseng lugar ang kinaroroonan niya ngayon? Bakit siya naroon at sino ang nagdala sa kanya sa nakakatakot na lugar na ito.
Sa huling pagsulyap niya sa kinaroroonan ni Raphael, ay nakita niyang binuhat ng mga nilalang na iyon ang kanyang kaibigan.
"Saan dadalhin ng mga ito ang katawan ni Raphael?" ang tanong niya sa isipan.
Habang gulong-gulo ang isip na pinapanood ang mga iyon ay kitang-kita niyang nakamasid sa kanyang kinaroroonan ang lalaking kanina ay nakatayo lamang na nanunuod sa kanyang mga kasamahan...
Nakita ba siya nito? Pupuntahan kaya siya sa kanyang pinagtataguan?
Ano? Gusto pa ba ng Chapter 3! Hehehe...
BINABASA MO ANG
LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)
Mystery / ThrillerPag namatay daw ang tao... Mayroon siyang pitong araw na pananatili sa mundo. At kwarentang araw (40 days) ng paglalakbay ng kaluluwa sa isang mundong dapat mong malagpasan para makarating sa destinasyon mo. Kapag napagtagumpayan ang mga balakid...