CHAPTER 11

13 0 0
                                    

HINGAL NA HINGAL si Cathy na nagmulat ng mga mata!

“Wag!!! Lumayo ka saken!!!” malakas niyang sigaw.

“Iha! Iha! Huminahon ka!” maya-maya’y narinig niyang sabi ng matanda.

Nang makilala ang matanda ay agad siyang yumakap dito.

“Lola! Lola! Tulungan niyo ko! Tulungan niyo ko!” aniyang nanginginig na niyakap ang matanda.

“Ano bang nangyayari, Iha?” tanong ni Lola Tory. “Kanina kasi ay nawalan ka ng malay habang nagkukwentuhan kami. Bigla ka na lang natumba sa upuan mo” dugtong ng matanda.

Natigilan siya sa narinig.

Tumingin siya sa babaeng kausap kanina ni Lola Tory.

Tumango-tango ito na tila isang hudyat na sumasang-ayon ito sa sinasabi ng matanda.

Tumingin siya sa papag kung saan nakaratay ang bangkay. May nakahiga pa naman doon. Pilit niya itong tinitigan… Naroon pa ang bangkay. Mukhang hindi nga ito gumagalaw.

Tiningnan din niya ang ilalim ng papag. Baka may langis na tumutulo rito. Pero wala rin.

Ibinalik niya ang paningin sa matanda.

“Nagising ka lamang noong ipinaamoy namin sayo ang bote ng ammonia” saad muli ng matanda.

“Baka hindi pa kayo nag-aalmusal. Kaya siya nawalan ng malay” sabad naman ng babae.

“Hindi pa nga kami nag-aalmusal dahil may inayos kami kanina bago kami magpunta dito. Iniwan namin sa bahay ang iba pa niyang kasamahan na naghahanda ng aming makakain pagbalik naman namin mula rito” nakangiti namang sagot ni Lola Tory. Naalala nito ang ginawa nilang pagbubuhat ng mga bangkay at wala pa nga silang almusal.

Sa isip ng matanda, maaaring ito nga ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay.

“Naku… sana ay sinabi ninyo kanina na hindi pa kayo nag-aalmusal at nang nailabas ko ang nilagang saba o naipagsangag ko kayo.” salo naman ng babae.

“Salamat na lamang. Pero, tingin ko ay kailangan na naming umuwi para makapagpahinga na itong dalagang kasama ko. Marahil ay nakapaghanda na rin ng almusal ang mga naiwan kong panauhin sa bahay. Babalik na lamang kami sa susunod. Nakikiramay kami at kaisa mo kami sa pagdarasal na sanay makabalik ang iyong asawa” sagot naman ni Lola Tory.

Tumango-tango lamang ang babae.

Inalalayan naman siya ni Lola Tory para bumangon.

Habang kinukuha niya ang kanyang balanse ay sinubukan niyang sulyapan muli ang bangkay.

Pinilit niyang silipin ang sugat nito sa leeg.

Habang palabas sila ng pintuan ay nakita niyang may lumabas na likidong tila langis mula sa dalawang sugat nito.

Gusto sana niyang tumigil muna sa paghakbang para kompirmahin kong namamalik-mata lamang ba siya.

May isa pa siyang napansin bago tuluyang makalabas ng pintuan.

Naaamoy niyang muli ang naamoy niyang di-pangkaraniwan kanina.

Mabuti na lamang at nasa labas na sila kaya nakapagtakip siya ng ilong.

***************************************
 

PAGDATING NA PAGDATING nila sa loob ng bahay ni Lola Tory ay agad silang nagtungo sa silid kung nasaan ang mga bangkay.

Nagulat pa sina Grace at Karen sa biglaang pagpasok ng dalawa sa kwarto.

“Kamusta ang pagbisita ninyo?” bagaman nagulat ay tanong ni Grace nang makita sila.

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon