CHAPTER 3

19 1 0
                                    


Nang makita ni Althea na tila lalapit sa kanyang pinatataguan ang lalaki ay buong tapang niyang isiniksik ang sarili sa loobang bahagi pa ng yungib. Ito ay kahit na amay phobia siya sa masisikip at madidilim na lugar. Wala siyang choice.

Dahil sa wala siyang makita habang binabagtas ang loob ng kweba ay nangangapa na lamang siya sa dingding ng kweba. Nakadagdag pa nga sa panginginig niya ang malamig na temperatura ng kweba at ng dingding na kanyang kinakapitan.

Tumigil siya saglit para pakinggan at damahin kung sinusundan pa ba siya ng lalaki.

Nakahinga naman siya ng mas maluwag nang tila wala siyang kahit na anong marinig. Dahil kung sakaling sinundan man siya ng lalaki ay maririnig sana niya ang yabag nito at kaluskos. Sa bahaging iyon ng kweba kasi na kanyang kinalalagyan ay tila umaalingawngaw na ang anumang ingay na maaari mong malikha mula sa loob.

Kahit na wala na siyang maulinigan mula sa labas, ipinasya niyang ipagpatuloy ang pagpasok sa loob ng kweba. Aniya'y mas makabubuting sa loob muna siya manatili. Mas ligtas kung ganito ang kanyang gagawin. Magpapalipas na lamang muna siya ng gabi sa loob.

Pero muling naisip: Nasaang lugar ngaba siya? Nasa daigdig ba siya? Bakit may mga di-pangkaraniwang nilalang sa lugar na ito? Kung nasa ibang mundo o dimension siya, may tinatawag bang araw at gabi rito? Dahil kung wala, malamang ay hindi na siya makalabas sa kwebang pinagtataguan niya. Natatakot siyang kahit subukan man lang na sumilip sa labas.

Habang abala siya sa pag-iisip at patuloy na umuusad papasok sa loob ng kweba ay tila may may nauulinigan siya. Parang may mga boses siyang naririnig mula sa loob pang bahagi ng kweba. Hindi lang niya marinig na mabuti ang boses dahil sa alingawngaw na dulot ng pagkakakulob ng yungib.

Natatakot man ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad habang nakakapit pa din sa dingding ng kweba.

Hanggang sa palakas na ng palakas ang boses na naririnig niya sa kanyang paglapit.

Boses ito ng mga lalake. Nasa dalawa hanggang tatlong lalake.

Ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-usad. Habang nataman na nakikinig pa din sa mga boses na patuloy din sa pag-uusap.

Habang lumalapit siya'y naiintindihan na rin niya ang usapan ng mga lalaki.

"Ang ipinagtataka ko lang... Bakit pati si Althea ay narito sa mundong ito" anang isa sa mga lalaki.
Nagulat siya nang marinig ang pangalan niya.
Kilala niya rin ang boses. Pilit niyang inalala kung kanino ang tinig na iyon.

Ilang sandali siyang nag-isip...

"Tama!" bulalas ng isip niya. "Si James yun!" aniya sa mahinang boses, pabulong.

Ang ipinagtataka niya ngayon, kung paanong nalaman ni James na 'narito' din siya sa mundong ito? Nakita na ba siya ni James mula sa kinalalagyan niya? Alam na ba nito na nasa loob din siya ng kweba?

"Nagtataka nga rin ako pare eh. Kung yung iniisip o hula ninyo ang dahilan kung bakit tayo napadpad sa mundong ito ay bakit nga kasama si Althea? Naguguluhan ako." sabi ng isa pang lalake.

Nakilala din niya ang boses. Si Rex.

At gaya ng inaasahan ay nakadagdag nga sa kunot-noo niya ang sinabing iyon ng lalake.

"Baka naman hindi iyon ang dahilan o nagdala sa atin sa mundong ito. Kung bakit ba naman kasi ayaw magsalita nitong si Althea." sabad ng isa pa.

Si Allan ang huling nagsalita. Aniya sa isip.

Muling nagsalita si Rex. "Naiintindihan ko kung bakit hindi makapagsalita si Althea, pre. Siyempre, babae yan. Na-shock yan panigurado sa mga nakita niyang mga kakaibang nilalang dito." anito.

Kumunot lalo ang noo ang niya. "Hindi nagsasalita?  Na-shock? Ako?" nagtataka niyang tanong sa sarili. "Ano bang pinagsasasabi ng mga ito?" tila banas na niyang sabi.

Dahil dito tila yamot niyang binilisan ang paglapit sa lugar kung saan niya naririnig ang mga boses.

Ang kaninang dahan-dahan niyang paghakbang ay napalitan ng paglalakad na tila padabog.

Umalingawngaw sa loob ng kweba ang mga yabag niya.

Nang marinig iyon ng mga nag-uusap ay agad namang napalingon ang mga ito sa direksyon kung nasaan siya.

At gaya ng inaasahan... Nanlaki ang mga mata ng mga ito nang makita siya.

Nang sandaling iyon naman ay tila binuhusan siya nang malamig na tubig nang makita niya ang babaeng nakaupo sa isang tabi!

Pabaling-baling naman ang tingin ng mga lalaki sa dalawang babae.

Kusang kumilos ang kamay niya at iniangat ang hintuturo at dahan-dahang itinapat iyon sa babaeng nakaupo...

"Sino siya???" aniya habang nakaturo sa babae.
Imbes na sagutin siya ng mga lalake, isang tanong din ang ibinalik ng mga ito.

"Sino ka?!?" halos sabay sabay na tanong ng mga ito na tila kinikilatis ang mukha niya.

"Ako si Althea!" mabilis niyang sagot. "Sino yang babaeng nakaupo!?" tila takot na takot pa ding tanong niya.

"Siya si Althea!" sabad ni Allan.

Nakakunot ang noo niyang tumingin kay Allan.

"Ahhh. Althea din pangalan niya? Kamukha ko siya ah!" aniya. Kinukumbinsi niya ang sarili na kamukha lamang niya at kapangalan ang babae.

"Yup. Siya si Althea Manzano. Ang kaeskwela namin na mula sa Maynila!" sagot ni Rex.

"Althea Manzano?!?" tila nabingi siya sa narinig. "Hindi! Ako si Althea Manzano! Ako ang kaeskwela ninyo!" matigas niyang turan.

Biglang tumayo ang babaeng nakaupo. Nagbago ang reaction ng mukha nito. Mula sa kanilang gulat na gulat, matalim na ang tingin nito.

"Impustor ang babaeng yan! Layuan niyo siya! Ako si Althea!" sigaw niya nang tila hahakbang ang babae.

Tumaas ang kilay ng babae. Tila umastang natatawa ito. Nais yata nitong pagtawanan ang sinasabi niya. Upang maging katawatawa din siya sa paningin ng iba pang mga kasama.

Maya-maya'y kumilos ang babae at iniangat ang kamay. Dahan-dahan...

Nang maiangat ang kanang kamay hanggang sa kapantay ng balikat nito, ipinorma nito ang mga daliri at ginawa ang isang "hand sign".

Ang ginawa nito ay ang "hand symbol" nilang magkakaibigan na sa tuwing magkikita sila ay ipinoporma nila at pinagdidikit ang kanilang mga kamay at saka sisigaw ng motto nilang magbabarkada.

Tila napako naman ang paningin ng mga lalaki sa ginawang iyon ng babaeng kanina pa nila kasama. Animo'y nakukumbinsi na ang mga ito na ito nga ang tunay na Althea.

Nang makita niya ang reaksiyon ng mga lalake ay naalarma siyang baka tuluyang paniwalaan ng mga ito ang babae. Ang totoo, maski siya'y naniniwala na ring tunay na Althea Manzano rin ang kanilang kasama.

Pero, hindi siya nagpatalo. Isinigaw naman niya ng malakas ang motto nilang magkakaibigan!

Dahil doon ay napatingin naman sa kaniya ang mga lalaki!

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon