"Hey, hey. Talk to me please?" pakiusap niya sa akin. Mabilis akong naglalakad palabas ng campus pauwi sa amin pero sinusundan pa rin ako ng lalaking ito.
Umiling-iling ako, natatakot at kinakabahan. Bakit ako sinusundan ng multo? Bakit ako?
Tumakbo ako palayo pero nahahabol pa rin niya ako at wala siyang humpay kakasalita sa tainga ko, palipat-lipat siya sa magkabilang tainga ko, hindi niya ako tinatantanan.
Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na may multong sumusunod sa akin. Naluluha na ako sa takot ko.
Tinakpan ko ang tainga ko."Ah wala. Wala akong naririnig! Flare Joshel, guni-guni lang to. Okay okay?" Pagpapahinahon ko sa sarili ko, ipinikit ko saglit ang mata ko. Paano ko siya nakikita? As far as I'm concern I don't have third eye! Sana pagdilat ko wala na siya."I'm not. Notice me. Please I need your help. Stop walking, napapagod na ako kakahabol."
reklamo niya kaya napadilat ako. Pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na tao sa mundo nang makita ko siya sa harapan ko.
"Ay kalabaw!" napahinto ako at napahawak sa dibdib ko nang sumulpot sya. Nagulat talaga ako. Huminto ako sa paglalakad.Ngumiti siya at nagpameywang “Ang cute ko eh sa kalabaw mo lang ako naikumpara?"
"Ano ba’ng kailangan mo!" napasigaw na ako. Ang kulit nya, nakakainis! Nalilito na ako. Bakit ako pa? Of all people?
Tumingin sa akin ang mga taong nakakasalubong ko sa daan. Akala siguro nila nababaliw na ako, malamang mabaliw talaga ako kapag hindi niya ako tinigilan. Ngumiti siya sa akin at kumindat, may itinuro siya tapos ay naglakad siya palayo.SAPILITAN akong sumama sa park kung saan wala na masyadong tao dahil nag-aagaw dilim na. Umupo ako sa swing, ginalaw ko ito ng kaunti habang hindi naman ako makatingin sa kaniya. Hindi naman siya itsurang nakakatakot kumpara sa mga nakikita ko sa television pero.. may time na nakita ko ang leeg niya at pulso na may pulang marka. Tumingin ako sa paligid para masiguradong walang tao. Mapagkamalan pa akong baliw ‘pag kinausap ko siya mas mabuti nang walang makakita.
"Explain to me,multo ka ba?" sa pagkakatanong ko kinilabutan ako bigla. Bakit ‘yon ang una kong tanong? Grr.
Ngayon lang ko lang napansin na tila transparent ang katawan niya. Alam mo ‘yong mukha siyang tao talaga pero kung tititigan mong mabuti, nagta-transparent siya.
"Nope."nasa harap ko siya at naka crossed arms, umiling siya ng dalawang beses. He pouted his lips and made a puppy eyes.
.
"Eh bakit. Transparent ka? Ayan oh, nakikita ko ‘yong background sa likod mo. Tumatagos sa katawan mo." I tried to sound fearlessly. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikipag-usap ako sa isang multo!"Tch."kumamot siya sa buhok niya. Pakiramdam ko naiirita na siya. Kaillangan kong malaman kung sino at kung ano siya. "I'm not a ghost, neither a normal one."
Maang akong napatingin sa kanya. May multo bang nagda-drugs? Feeling ko nakahithit siya."Eh, ano ka nga? Tsaka bakit nakikita kita? Sa pagkakaalam ko wala akong third eye."
Kung may third eye man ako, bakit siya lang ang nakikita ko? Natatakot ako sa posibilidad na mayroon nga ako pero so far walang katulad niya na nagpaparamdam sa akin.
Bigla akong napatingin sa paligid. Is it safe na nasa labas pa ako ng bahay tapos ang kasama ko ay katulad niya pa?
"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko ilang beses na akong nagtry magpakita sa iba pero ikaw lang ang nakakakita sa akin. Sayang naman."kahit medyo madilim na, nakita ko ang pagkakunot ng noo niya at pag-iling.
"Ano’ng sayang?" Ano’ng ibig niyang sabihin? Parang siya pa ang kawawa sa aming dal’wa. Napakamalas ko nga e.
"Hindi man lang maganda ang nakakakita sakin."he scratched his chin.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
ЮморTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...