Chapter 43: Transfer?
Flare's POV
"Magtatransfer ka?" gulat na tanong ni Nelorie sa akin. Napatayo pa siya. Breaktime ngayon kaya nasa cafeteria kami.
Napakagat-labi ako nang mapatingin sa akin sina Joshua at JG. Simula ngayon magkakasama na kami kumain tuwing breaktime. Hindi namin matanggihan si Tanda este si Kean nang sabihin niyang dapat sama-sama kami. Akala mo naman talaga tunay kaming magkakaibigan.
"Maupo ka nga,nakakahiya ka!" hinihila ko siya pababa para mapaupo.
"You heard it right,magtatransfer siya. Huhuhu!" kunwa'y naiiyak pang suminghot si Kean. "Kaya naman magbabayad na ako sa utang ko sa iyo. French fries,cola,marshmallows and pizza." he said then put the tray in front of me.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Kahapon,hinatid niya ako sa bahay namin. Nagulat pa si mama nang makita na may mga kalmot,pasa at namumula ang pisngi ko pero ang sabi ko lang ay nadisgrasya ako. Ang kaso,nagreport na pala ang school tungkol sa nangyari. Ayun,naparusahan ako. Grounded ako for one month,bahay-school lang daw muna ako Eh para namang gumagala ako.
Pinagtanggol ako ni Kean pero wala rin siyang nagawa. Ang malala pa,nalaman niyang itatransfer ako ni mama sa ibang school. Mas lalong naging mahigpit si mama sa akin. Pinapahatid sundo niya ako sa isang school bus kasama ng mga grade 1 pupil. Nahihiya nga ako kanina nang tingnan ako ng mga batang kasabay ko pero wala akong magawa.
Sobrang higpit na rin ng security. Hindi ka makakalabas hangga't hindi kayo dadaan sa scanner,pati bag namin tinitingnan. Para nga kaming pumapasok sa mall kaysa sa school.
"And you didn't tell us,ha PANGET!" isinigaw ni Joshua ang salitang panget kaya napasimangot ako. Babalik na naman tayo sa pang-aasar niya.
"Good for you." komento ni Cranberry na ngayon lang nagsalita. Tahimik lang siya kanina habang kumakain ng sushi. May limited sushi ngayon sa school kaya iyon ang inorder niya. Maarte pa ang pagkakahawak niya ng chopsticks habang sumusubo.
"NICE COMMENT,BERRY THE PLATYPUS!" Nelorie rolled her eyes.
Berry just shrugged her shoulders and continued to eat. Aabutin sana siya ni Nelorie para sapakin buti nalang nasa gitna ako at umawat sa kanila. Hindi ko alam kung mabuti nga ba dahil ako lang ang nabubugbog.
"We need to help Flare. Mas okay kung nandito lang siya sa school."Kean said. Nasa harapan ko siya. Ngumiti siya sa akin at inabot ang kamay ko. " We will help you, don't worry."
Kumislot ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nakita ko si JG sa tabi ni Kean na napatingin sa kamay namin kaya naman tinanggal ko ang kamay ko,nabigla naman si Kean,hindi nalang ako umimik.
Nahihiya ako kay JG. Baka kung ano kasi ang pumasok sa isip niya kapag nakita kaming magkahawak kamay.
"Hokage." buyo ni Joshua kay Kean kaya inabot siya nito at binatukan.
"Hoy,wala ka man lang imik diyan. Mr. Vice president. Baka gusto mong magcomment." puna ni Nelorie kay JG. He is still eating.
I stared at him secretly. Simula kahapon hindi na makausap ng maayos si vice pres. Hanggang ngayon ba naman stress parin siya?
"Cranberry is right. It will be good for her kung lilipat siya ng school." iyon lang ang sinabi nito bago nagpunas ng bibig gamit ang tissue.
Nanlumo ako sa sinabi niya. Hindi man lang siya manghihinayang o malulungkot man lang kapag nawala ako. Wala ba akong halaga sa kanya? Nakakalungkot naman. Akala ko pa naman isa siya sa mga malulungkot kapag nawala ako,nagkamali ako. Mas gusto niya palang hindi ako makita.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...