Two:Ghost in School(edited)

2.7K 105 14
                                    

Two:Ghost in School

Nababagot ako na nagdo- drawing sa likod ng aking notebook. Nagdi-discuss si ma’am pero walang nakikinig, nakakantok kasi siya magturo. Well, ano ba’ng aasahan niya sa class F? tapos science pa ang tinuturo niya. Natuwa ako nang mag-ring na ang bell. Indikasyon na tapos ang klase.

"Class--" paninimula ni Miss Delisa, sa sobrang tuwa ko napatayo ako bigla.

"Dismissed. WOO!” dugtong ko sa sasabihin ni Ms. Delisa saka tumayo at ready nang umalis nang sawayin niya ako.  Naibaba kong muli ang aking bag. Saka ko na-realize ang kabastusan na nagawa ko. Napalingon ako sa classmates ko, nagpipigil sila ng tawa.

"Garcia, p’wede bang patapusin mo muna ako, excited masyado?" nagagalit na sabi sa akin ni Miss Delisa. Nagpameywang siya sa harap kaya naman napukaw namin ang atensiyon ng iba kong classmate. Nagtawanan sila habang tinuturo ako.

"Uwing-uwi na si panget ma'am! Hahaha." pang iinsulto sakin ni Joshua, ang numero unong nang-aasar sa’kin lagi. Nagtawanan ulit sila.

Naningkit ang mga mata kong tinignan siya. Napaka- nya talaga, porque sikat siya sa room namin akala mo kung sino na. Oo nga chinito, matangkad at maputi sya. Eh ano naman? masama pa rin ang ugali nya. Hindi ko talaga alam kung bakit itong si Joshua ay hilig akong asarin.
Umupo ulit ako at nag sorry sa teacher namin. Nakakahiya, halatang excited ako.

"Bago kayo umuwi. May homework akong ipapagawa sa inyo." She said as we all grunted. Homework na naman, hirap na nga kami intindihin ang mga sinasabi niya.

Napasimangot akong tumingin sa kanya. Umiling na lang ako na kinuha muli ang notebook ko upang mag take down note.
"Mag-interview kayo ng isang taong dumaan na sa heart break. Magtanong kayo sa kaniya at ilagay ang mga sagot niya sa isang journal, ipasa niyo sa’kin. Nasa sainyo na kung ano ang itatanong niyo sa kanila basta ang main question ay kung ano ang naramdaman niya."

Napanganga ako sa sinabi niya. Heart break? Science? Say what? Ano kayang magiging kinalaman no’n sa subject namin.

"Marami akong mapagtatanungan nyan, ma’am. Broken hearted kasi ‘tong mga kaibigan ko. Hahaha," sabi pa ni Joshua. "Mga hugot lines ma'am baka gusto nyo?"

Inirapan lang sya ni ma'am tsaka nag dismiss ng klase. Dali-dali akong tumayo at tumungo na sa pinto nang harangin ako ni Joshua kasama ang tatlo niyang ugok na tropa. Kaya ayaw ko na mahuli ng paglabas dahil alam kong ganito ang mangyayari. Madalas niya akong hinihintay, hindi para ihatid o kung anuman kun’di para asarin ng walang humpay kasama ng mga kaibigan niya.

"Hoy, panget." nakapamulsa pa siyang humarang sa akin at nakachin up.

Heto na sya. Napakapit ako sa bag ko, yakap-yakap ko ito kasi nasira kanina ang strap kaya binibitbit ko na lang. napayuko ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"A-ano?" garalgal kong tanong.

"Ang ganda mo."he said seriously.

Napatingin ako sa kaniya ng biglan. "H-ha?"
Totoo ba to? He said I'm beautiful? omo! This can't be.
Alam kong siraulo siya pero gwapo naman. Kung looks lang naman ang pagbabasehan talagang walang panama ang iba sa almost perfect niyang mukha. OMG! Ibig sabihin ba, magiging boyfriend ko na sya? Jusko I can’t even. "Really?nagagandahan ka sakin?"

Wala pa’ng nagsabi sa akin na maganda ako bukod sa mama ko. Kahit kailan never akong nasabihan ng ibang tao nang ganoon.

He was serious but he burst into laughter. ‘Yong tawa na parang mamamatay ka na, gano’n. Napahawak pa siya sa tiyan niya, animo nakarinig siya ng katatawanan na hindi niya makayanan. Nagsimula na rin tumawa ang mga kaibigan niya.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon