Fourteen: Maniac?

1K 57 5
                                    

Chapter 14 : Maniac?

Sinundan ko si Kean hanggang sa makarating kami sa isang private room na may window glass sa may pintuan. Doon lang kaming dalawa nakasilip. May nagbabantay na isang lalaki na naka business attire sa kanya. Nakaupo ito sa tabi ng kama nya hawak nito ang kanyang kamay.

Paharap sa pinto ang bed ni Kean kaya naman nakatalikod sa gawi namin ang lalaki na parang nasa mid-40's na.

"Ikaw ba yan?" turo ko sa pasyente sa loob ng room. Medyo malayo kasi kami. Ayoko naman pumasok sa loob dahil may bantay sya. Isa pa,payat ang katawan nito.

"Hindi. Kapitbahay ko iyan. Malamang ako diba? " masungit niyang sagot habang nakatingin sa katawan nya.

Pinaningkitan ko sya ng mata. "Bat ang sungit mo?"

He stared annoyingly."Bat ambobo mo?"

"Tss." ngumiwi ako sa sinabi nya. Savage talaga ang lalaking ito. Bakit ko ba sya tinutulungan?

"Siya ba ang papa mo?" tukoy ko sa lalaking hindi ko makita ang mukha.

"Siguro. Kamukha ko sya eh."

I looked at him disgustingly. "Pati papa mo hindi mo matandaan?"

Galing mo dre. Ikaw na ang dakilang may amnesia.

"Tss. Oo nga." nagsusungit na naman.

"Eh kung hindi mo natatandaan,paano mo nalaman na may exam ka? Iyon nga ang dahilan kung bakit ayaw mo pang bumalik sa katawan mo diba?"

"Narinig kong sinabi nya,kapag nagising na daw ako ihahabol nya ako sa class. Kailangan ko lang daw mag exam para makasabay uli sa mga kaklase ko."

"Pero pinairal mo ang katamaran mo. Hay susko." kung bumalik nalang kasi sya hindi na hahantong sa ganito.

Nakita ko na yumuko ang ginoo at hinalikan ang kamay ni Kean. Humagulgol ito dahil nakita kong umalog-alog ang balikat nya.

Naiiyak ako sa sitwasyon ng daddy ni Kean. Siguro nga hindi pa ako naging magulang para maramdaman ang sakit na nadarama nya ngayon pero kung ako naman si Kean na nakakakita sa daddy nya pagsisisihan ko ang ginawa kong katamaran. Gigising ako at yayakapin ko sya  ng mahigpit na mahigpit.

Masakit makakita ng babaeng umiiyak,pero alam nyo bang mas masakit makakita ng lalaking umiiyak? Kasi bihira lang sa mga lalaki ang ganoon. Iyong pinapakita na marunong din silang umiyak at kapag umiyak sila,yun na talaga ang time na sobra na ang pagdurusa nila.

Bakit wala akong papa na katulad ng kay Kean? Lumuha din kaya si papa dahil sa akin?
Marahil nga mga manloloko at babaero ang mga tatay pero ama parin sila. Sana man lang naramdaman kong mahal din ako ng papa ko.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon