Hi guys. Ito na ang special chapter. This scene was from the chapter when Flare went to hospital with Josh,Vince and Anne to see Kean.
•SPECIAL CHAPTER•
Amnesia?---->KEAN'S POV
Nakahinga ako ng maluwag matapos malaman na nakabalik na sa school si Flare. Nagising na ako mula sa bangungot ng comatose. Sabado pa nang magising ako pero lunes ko na ipinabalita kay JG na sabihin iyon kay Flare. Hangga't maaari nga sana ay ayaw kong ipasabi ito sa kanya pero alam naman kong sa kaibigan ko sya magagalit.
After ng pagkikita namin nila ni Flare at Joshua sa hospital,hinintay ko si JGerv makabalik. Iyon ang usapan namin kanina bago pa man dumating sina Flare. We badly need to talk.
Tinatanggal ko ang dextrose sa kamay ko nang bumukas ang pinto. Napangiti ako kahit hindi tumingin sa dumating. I know Jgerv's smell. Wala na rin pala ang mommy at makulit kong kapatid. Pinauwi ko muna sila para makapagpahinga. Ilang araw rin nila akong binantayan at laging pinagagalitan kapag gusto kong kumain ng prutas. Soft diet lang daw ako. Buset lang,ibig sabihin display lang pala ang mga prutas roon.
Nandito na ang bestfriend kong ubod ng sungit. Hahaha.
I know JG is still mad at me. I want to correct everything and the only way to prove I am innocent is to investigate what happened to us. Kailangan kong patunayan sa kaibigan ko na hindi ko kayang gawin ang binibintang nila.
Aawatin sana nya ako sa pagtanggal ng dextrose pero natanggal ko na saka agad akong bumati ng matamis na ngiti sa kanya. Hindi na nalang sya nagreklamo pa at nagpamulsa nalang.
"Hi. Thank God you're here." bati ko sa kanya sabay upo sa gilid ng kama ko. Nakakainis,hindi parin ako makaalis sa hospital na ito,sukang-suka na ako. Tapos hindi pa ako madalaw ni dad dahil nasa japan pa sya.
Bakas sa mukha ni JG ang inis sa kakulitan ko. Inalug-alog ko kasi ang kama ko sa sobrang inip ko sa lugar na ito.
"Careful. Ngayon ka palang nagbabawi ng lakas mo. Parang hindi ka dumaan sa comatose. Malakas ka parin at pasaway." napailing nalang sya nang sabihin iyon. Nginisian ko lang sya sa panenermon nya.
"Pft. I'm okay ,bro. No need to tell me that." iyon lang ang tangi kong nasabi. Awkward parin ang lahat sa pagitan naming dalawa pero pinipilit ko paring maging komportable.
He sighed then sat on the couch.
"You said there's something you like to tell me. So,what is it?" halata sa boses niya na may pagkashort tempered sya. Atat na atat na siguro syang alamin ang lahat tungkol sa totoong nangyari. Pero sa ngayon hindi nya pa kayan ikuwento ang lahat-lahat rito.
"First of all,I want to say thank you,for lying." ngumiti ako ng pilit. "Thank you for being my bestfriend ,bro. I will never forget everything. Kaya naman narito ako para itama ang lahat."
JG just smirked at me.
I sighed. "I know you are not good and comfortable at telling lies. But,you did that for me. Thank you." iyan ang gusto nya sa kaibigan,kayang isacrifice ang sarili para sa friend nya. Nabibilang nalang sa daliri ang mga ganyang tao kaya nang makilala ko sya,hindi ko na sya hiniwalayan pa. Alam kong kahit kailan hindi nya ako tatraydurin pero ang hindi ko lang maintindihan ay iyong naniwala syang ako ang may kasalanan ng lahat. I,too was a victim and I will prove that to him. Huhulihin ko sya para sa tiwalang nasira sa aming dalawa.
Hindi ko sya masisi. After all,lahat naman kasi ng lihim nya sinasabi nya sa akin. Sa akin lang kaya naman nang mangyari ang incident ako lang ang sinisi nya. Nalaman tuloy ng lahat ang kahinaan nya.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
ЮморTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...