Chapter 27: Royal RumbleFlare Joshel's POV
Nagtakip ako ng mukha nang pumasok sa school. Katakot takot na pambubully ang ginawa sa aming dalawa ni Berry kahapon. Hindi naman ako pwedeng hindi pumasok dahil nakapangako na ako kay Vice pres na maglelesson kami tuwing breaktime. Nagtext pa sya sa akin kahapon. Hanggang ngayon masakit parin ang pisngi ko. Naaalala ko parin ang sampal ni tita Keana. Ni hindi man lang ako nakapagsorry sa kanya.
Bawat may mapatingin sa akin,yumuyuko ako at tinatakpan ng mabuti ang mukha ko. Thanks sa scarf ni mama na galing pang amerika,natatakpan ng mabuti ang mukha ko. Someone is laughing at me because I'm acting so weird.
Papasok palang sana ako ng building nang may marinig akong tilian at sigawan.
Oops. Wala pong dumaan na hearthrob cockroach,kundi may nag aaway pong mga student.
Sa harap ng locker area,nagsasabunutan ang dalawang tinik ng lalamunan ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Ang aga aga! Nag aaway sina Nelorie at Crap--Cranberry.
Walang umaawat sa kanilang dalawa. Isinandal ni Berry si Lorie sa locker. Hindi binibitawan ni Lorie ang blonde hair ni Berry.
Ang sarap kumuha ng popcorn habang pinapanood silang magsabunutan. Para silang mga tandang na pinagsasabong.
I shook my head. Bakit parang natutuwa pa ako na may nag aaway?
Nelorie pushed her kaya naman napulot si Berry sa sahig. Umibabaw si Nelorie at pinagsasampal ang kalaban.
"Ang lakas ng loob mong sugurin ako! Eto sayo."
*bogsh*
Nelorie punched her.
Inuntog ni Berry ang ulo nya rito kaya medyo nahilo sya. Si Berry naman ngayon ang umibabaw,pinagsasampal nya ito. "How dare you! Binubully mo ako,akala mo magpapatalo ako ha?"
Pinagmasdan ko ang mga lalaking nakapaligid sa kanila. Imbes na awatin,tinatawanan lang nila at nakikipagpustahan pa.
'I'll go for Berry.'
'Naah. I'm team Nelorie'
'Oy yung mga bet nyo wag nyong kalimutan'
'2k sakin for Lorie'
'2,500 kay Berry ako.'
Hinilot ko ang aking ulo sa mga narinig ko. Mga wala talagang pakinabang ang mga studyante rito.
Alliah grabbed Berry's hair at inialis ito sa pagkakadagan kay Lorie. Pinagtulungang sabunutan ni Alliah at Yunice ang kawawang artista.
I took off my scarf at sumugod sa kanila. Kung walang matapang na aawat sa kanila,ako nalang. Hindi patas ang labanan nila. Three against one? Dehado si Cranberry sa kanila.
"Tama na yan." awat ko sabay pigil ng kamay nina Alliah at Yunice pero hindi ko sila kaya.
May humawak sa balikat ko at paharass akong nilayo roon kasabay ng paghawi nya sa dalawa nyang alagad. Sinampal nya ang kawawang si Berry.
I tried to stop Nelorie pero hinahawi lang nya ako. Pero nang mapuno na sya,hinawakan nya ang buhok ko at ako naman ang sinabunutan.
Naloko na. Nasali na ako sa away.
Pinilit kong hindi lumaban. Tinatanggal ko lang ang kamay nya pero sadyang mahigpit syang humawak. Nasasaktan narin ako kaya naman nag respond na ang katawan ko. I grabbed her hair at hinila ito hanggang sa pinakaanit-anitan nya.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...