Chapter 44: JG points
Flare's POV
"Umalis ako umiiyak ka,pag-iyak na lang ba ang kaya mong gawin,maniac?"
Tinaas-baba ko muna siya ng tingin bago ako tumayo. Istorbo sa pamumuhay naman ang lalaking ito,nagsisenti yung tao eh.
Nagpunas ako ng luha bago humarap sa kaniya.
"Bakit nandito ka pa?"hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam niyo na,natatakot ako sa blanko niyang mata.
I heard him hissed."Tch. Natural,nag-iikot ang mga Student council para tingnan kung may natira pang student sa loob BAGO KAMI UMUWI." pagdidiin niya sa tatlong huling salita. As if sinasampal niya sa mukha ko iyon. "Bakit nandito ka pa,ano'ng oras ka na naman makakauwi? It's dangerous to stay up late. Umuwi ka na,grounded ka diba?"
"Paano mo nalamang grounded ako? May pa-detective ka diyan ah. Tsaka wala kang paki,tutal hindi mo naman ako kaibigan diba,so hindi ka dapat mag-alala." nahihirapan pa ako magsalita niyan dahil feeling ko barado na ang ilong ko dahil sa pag-iyak ko.
Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita."Remember that I am the vice president of SSC. You are our responsibility,hindi namin kayo pwedeng pabayaan kaya please umuwi ka na."
"Uuwi ako, huwag kang mag-alala."
"I'm not worrying."malamig niyang sagot.
Ako naman ang napabuga ng hangin sa sinabi niya. Oo nga pala,hindi nga pala siya mag-aalala dahil hindi naman niya ako kaibigan. Ang assumera ko naman talaga,hay nako.
"Why did the principal called you?"
Napatingin ako sa kaniya. Bigla tuloy akong nataranta. Paano niya nalaman na pinatawag ako? Kung sabagay wala naman siyang hindi alam. "M-may s-sinabi lang sa akin."
"Ano?"tanong niya na parang nagtataray pa.
Nainis tuloy ako sa kaniya,ang yabang magtanong akala mo kung sino at parang sinasabi pa niya na obligado akong magkwento sa kaniya. "Bakit ka nangingialam,wala kang paki roon. Hindi tayo magkaibigan diba?"
Naiinis pa ako kanina pa sa sinabi niyang hindi kami magkaibigan. So why all of a sudden he's talking to his non-friend schoolmate?
Nagdilim ang tingin niya sa akin."ANO NGA!"
Napaatras ako sa sigaw niya. Kakainis bakit ba ako natatakot sa kaniya? "Patingin.""Secret lang namin iyon ni Mr. Principal." inirapan ko siya.
"Ano ang secret niyo?"
I look at him unbelievably. "Secret nga diba, bakit ko sasabihin." may secret bang sinasabi? Adik din ito eh no.
"Bahala ka." sagot niya. Parang utang na loob ko pa talaga ang lahat. Parang ako pa ang may kasalanan. Bwisit talaga itong lalaking ito.
Nakarinig ako ng busina ng school bus. Malapit lang kasi ang building na ito sa parking area.
Napalingon si JG sa pinanggalingan ng tunog saka ngumisi sa akin.
"Mukhang nandiyan na ang school bus mo,uwi ka na." he smirked at me.Yumuko ako saka humawak sa noo. "Aish. Nakakahiya."bulong ko saka hinawi ang buhok ko.
Paniguradong pinagtatawanan na niya ako. Pati ang mga schoolmates naming makakakita sa school bus for elementary. Nakakahiya talaga dahil ako lang ang high school roon. Kung bakit ba kasi ganoon ang kinuha ni mama. Hindi na lang niya ako hinatid sundo gaya ng kay Berry. O kaya mag commute na lang ako.
Naglakad na palayo si JG. Napakagat labi ako. Nahihiya talaga ako kaya naman tumakbo ako habang binubuksan ang bag ko para kunin ang wallet ko.
Nalagpasan ko na siya nang may malaglag sa bag ko. Sa sobrang tulin ko tumakbo,naiwan iyon sa dinaanan ko.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...