Forty-nine:Choose

1.1K 47 10
                                    

Chapter 49:Choose

Flare's POV

Matapos ang insidenteng iyon,nakakapanibago na ang paaralan nila dahil pumalit na sa pwesto si Mrs. Ancelor. At dahil pangalawa sa may malaking shares ang pamilya ni Nelorie,napunta sa kanila ang paaralan sa pamamagitan ng pagbili ng shares sa family ni Mr. Principal.

Sinabi rin sa kanila ng parents nila ang totoong nangyari ten years ago. Sila pa lang anim ay nakulong sa classroom habang nasusunog iyon gawa ng kindergarten pupil na si Maki Dela Cruz. Bata pa lang pala ay magkakakilala na ang mga magulang nila at ang sabi ng mama niya,kaibigan ng papa ni Kean ang papa niya. Meron nga rin daw na namatay dahil sa aksidenteng iyon.

At dahil sa pangyayaring iyon,nagkatrauma silang lahat. Nagtry daw ang mga magulang nila na ipacouncil sila ngunit ang kanilang principal ay nag-offer na ipapakilala sila sa isang doctor na kayang magperform ng hypnotism. At iyon nga ang ginawa sa kanila. Upang tuluyan na raw nilang makalimutan ang lahat.

Totoo raw na ipinakulong nila ang parents ni Scottie ngunit iyon daw ay suhestiyon ng principal. Sa inis din nila noon ay napapayag silang ipakulong ang mga ito. Nag-offer rin ito ng assistance sa kanilang pag-aaral tapos ay nangakong tutulong para makapag-aral sila sa ibang bansa. Nagbigay rin ito ng shares sa school pero tanging ang daddy lang ni Nelorie ang tumanggap. Ang sabi rin nito ay nag-undergo sa hypnotism ang pamangkin nito at wala nang maalala.

Naniwala naman daw sila at akala nila wala nang problema kahit pa magsama sila sa iisang paaralan. Ang sabi rin daw kasi sa kanila ay patay na ang pamangkin nito. Dati raw kasing pangalan ni Scottie ay Maki kaya nagulat sila nang malaman na ito pala ang batang iyon.

Isang buwan na ang nakalipas, naging maayos na rin ang takbo ng buhay nila Flare. Si Cranberry,nakabalik na sa show business, actually may movie siyang ginagawa ngayon. Si John Gervie ay naalis na sa pwesto nang may maganap nang election muli para next year. Si Kean naman ay bumalik na sa pagiging makulit kasama ni Joshua,malamang na sila ang magsama dahil kj ang inyong likod na si JG para sa mga kalokohan ng kaibigan. Si Nelorie na ang pumalit bilang class president nang magkaroon ulit ng election sa room nila hangga't hindi pa natatapos ang school year.

At siya naman,masayang kasama ang mama niya at kumakain sa fast food chain. Sembreak na nila kaya naman gala lang sila ng gala.

"Flare,may ipapakilala pala ako sa iyo."sabi ng mama niya habang kumakain sila.

Napatigil siya sa pagkain nang makita niya ang tao sa harapan nila. Tumayo ang mama niya para ipakilala ito.

Napanganga siya nang makita ito. Ilang years  na rin silang hindi nagkita.

Napatayo siya saka ngumiti sa bisita. "Tito James?"

"Flare,nako ang laki mo nang bata ah." ginulo nito ang buhok niya katulad ng ginagawa nito noon sa kanya.

Noong grade one siya,lagi niya itong nadadatnan sa bahay nila. Kaibigan nito ang mama niya at ang sabi,si tito James daw ang bestfriend ng papa niya.

"Tito James kumusta ka na?" tanong niya matapos magmano.

"Okay lang. Ito kararating ko lang galing sa business trip."sagot nito kaya napalingon siya sa paligid.

May hinahanap ang mga mata niya na dapat ay kasama nito.

"Nasaan po...si Papa?"

Nawala ang ngiti nito sabay napatingin sa mama niya. Nagtaka naman siya sa ginawa nito.

Ang alam niya,ang papa niya ay kasama ni tito James sa states. Magkapitbahay din daw ang mga ito roon. Ito nga ang nagsabi sa kanila na may ibang pamilya na ang papa niya.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon