Thirteen: Hospital

1K 59 3
                                    


Chapter 13:Hospital

Flare Joshel's POV

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang natutulog na si Gervie. May dextrose at may oxygen sya sa bibig.

We're here in hospital. Together with student councils except the president. Naroon parin sya sa school at nagreport daw sa incident. Susunod nalang daw sya sa amin.

Nagpapasalamat ako dahil dumating ang SSC Officers kung saan naroon kami ni vice pres. Naiyak nga ako nang binuhat palabas ni Vince si JG. Pero hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit biglang nagkaganoon siya. Maiintindihan ko kung nagtagal kami sa room ng ilang oras. Pero minuto lang ang tinagal namin roon,ganoon na bigla ang nangyari sa kanya?

Nagpakilala sila sa aking lahat kanina matapos maipasok sa emergency room si JG. Hindi sya iniwan ng mga ito hanggang sa ward. Siguro nga kahit mainitin ang ulo niya ay mahal parin sya ng mga tao sa paligid nya at ganoon sya kahalaga.

Kausap nina Vince at Anne ang doctor sa labas ng kwarto. Nandito kami sa loob ni Friah,Henry, at Dj. Tulog si vice president.

"So you think president is telling the truth?" Dj asked.

"I don't know. But thanks to him we saved JG." Friah.

Henry looked at me. "Ano ba nangyari talaga? And why did you kiss him?"

Napalingon sila sa akin. Bigla akong kinabahan sa mga tingin nila. "A-ah m-mali kayo ng iniisip." feeling ko tuloy para akong nasa harap ng husgado at kailangan kong magpaliwanag and if not I will rot in jail.

Pinaningkitan ako ng mga mata ni Friah. "Kapag nagising si vp ihanda mo na ang sarili mo." babala nya sa akin.

Nakagat ko ang labi ko. Patay paano na?

"Lagot ka. Baka first kiss pa nya iyan. Patay ka talaga." pananakot ni Henry.

Eeeee... Ginawa ko lang naman iyon para magkaroon ng hangin ang baga nya.

Kailangan ko nang mag construct ng word na pwedeng sabihin kay Vice pres nang hindi nya ma-misinterpret.

"Tama na iyan. We should thank Joshel for doing that." pumasok si Anne kasunod si Vince na sinara ang pinto.

Binuksan rin ni Vince ang bintana ng room. Maganda ang pinili nilang room para kay JG. Maaliwalas,maliwanag,at malaki ang bintana.

Ngumiti sa akin si Anne. "Thank you,Flare Joshel."

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Wala naman akong ginawa eh."

"Meron. You saved him." tumabi si Vince kay Anne. Bakit ba lagi silang magkatabi? Magsyota ba?

"Kung hindi mo sya binigyan ng CPR,baka hindi na sya umabot pa sa hospital."

Pare-parehas kaming napatingin kay JG.

Niligtas ko nga ba sya? I'm still not convince.

"CPR ba ginawa nya? Para nya kasing minanyak si---ahh!!!"  hindi na natapos ni DJ ang sasabihin nya dahil siniko na sya ni Henry. "Aray ko naman,bro. May galit ka ba?"

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon