Chapter 50-final chapter
Third Person's POV
Inilapag ni Flare ang bulaklak sa gilid ng lapida ng kanyang papa. Noong huli niyang punta rito ay umiiyak siya pero ngayon ay nagagawa na niyang ngumiti.
Nagpapasalamat siya sa kanyang ama na kahit sa huli nitong hininga ay hindi siya pinabayaan. She thinks she is the luckiest person to have a father like him.
"Thank you,papa. Don't worry,aalagaan ko ang sarili ko pati na rin si mama para sa'yo." nakangiti niyang sabi.
Niyakap naman siya ng mama niya na nakangiti rin. Tanggap na nila ang sinapit nito at mahirap man ay kailangan nilang magpatuloy upang hindi masayang ang pinaghirapan nito.
"Papa,may chika pala ako sa'yo."excited na sabi niya. Lumingon muna siya saglit sa blankong mukha ni JG bago bumulong. "May boyfriend na ako,pa. Ang gwapo." kinikilig niyang kwento rito.
"Tch." narinig niyang sabi ni JG.
Tumikhim naman siya saka tumingin kay JG na parang naiinip na. Siningkitan niya ito ng mata kaya naman napakunot-noo ang binata.
"Bumati ka sa papa ko." utos niya rito.
"Tch." tinaas-baba siya ng tingin.
Naalala niya kanina ang pag-uusap nila bago sila pumunta roon.
'Bakit pa ako magpapakilala sa papa mo? Hindi naman na siya babangon para batiin ako.'may tonong pamimilosopo nitong sabi nang ayain niya ito.
'Basta! Sumama ka lang bilang paggalang.'
'Para namang makakapagmano pa ako sa kanya.'
'Tumigil ka,sumama ka o break na tayo.'
'Sure.'
'Ano'ng sure?'
'Sure akong sasama.'
"John Gervie."sabi niya ng may pagbabanta sa tinig. Nagpameywang pa siya para lang matakot ito.
Alam naman niyang mahirap talagang pasunurin ang katulad ni JG. Dahil kahit ano'ng butas papasukin niyan maipaglaban lang ang sa tingin niya ay tama. Pero heto siya at sasawayin ito kapag sumobra na.
"Hays."pagsuko nito saka yumuko ng kaunti."Kumusta po,tito."
Ngumiti siya dahil feeling niya nanalo siya sa round na ito.
"Iwan ko muna kayo. May kakausapin lang ako." sabi ng mama niya na itinuro ang phone.
"Sige po."sagot niya.
Nang makaalis ang mama niya ay naglapit na silang dalawa. Una ay nagkabanggaan lang ang kamay nila pero nagulat siya nang hawakan ito nang mahigpit ng kasama.
Napatingin siya rito ngunit ang tingin naman nito ay sa papa niya.
"Tito,Thank you for saving us. And thank you dahil nakilala ko ang anak niyo." saad nito na ikinakilig niya. Mukha lang talagang masungit ito pero may sweet side parin naman ito. "Promise po,aalagaan ko siya para sa'yo,"
Ngumiti siya ng matamis habang nakatitig sa kasama. Tumingin naman ito saka hinalikan ang kamay niya kaya lalong lumapad ang pagkakangiti niya.
Nangako sila sa isa't-isa na sa iisang school sila mag-aaral ng senior high. At kahit magkaiba sila ng kukunin ay lagi pa rin silang magkikita.
BINABASA MO ANG
Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]
HumorTahimik lang ang buhay noon ni Flare not until she met Kean. Kean is not an ordinary guy, ni hindi din niya alam kung bakit nakikita niya ang multong ito! Siya lamang ang multo na nakikita niya. Kamalas-malasan pang nanghihingi ito ng tulong sa kany...