Thirty-nine: Weird Family

1.1K 54 21
                                    

Chapter 39: Weird Family

Flare's POV

I am holding JG's hand while waiting for him to wake up. Naiiyak tuloy ako tuwing nakikita ko syang nakahiga rito sa ospital. Ako sana,ako sana ang nandyan at hindi sya.

Ang sabi ng doctor,okay lang daw sya. Daplis lang naman daw ng bala iyon kaya hindi malala. Pero ang sabi ng doctor ay pagpahingahin muna daw sya,kung sakaling magising sya ay hayaan nalang raw.

Iniwan kami saglit ng teachers namin to contact JG's parents. Kanina pa sila umalis pero hanggang ngayon hindi pa bumabalik.

Tumingin ako sa wall clock sa itaas ng higaan ni JG. 7pm na. Wala parin sila o kahit ang parents man lang niya. Nasaan na ba sila?

Gumalaw ang ulo ni JG at napakunot-noo sya. Naalarma naman ako kaya tumayo ako at hinaplos ang buhok nya.

Nagdilat sya ng mata. Nakita ko ang mata nyang malamlam.

"Gising ka na." hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi maiyak. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit sya narito ngayon. Mas mabuti pang ako nalang sana ang nabaril at hindi sya. Naiinis rin ako dahil wala akong nagawa.

Naglalaro rin sa isip ko,kung sino ang taong iyon. Why he wants to kill me? What have I done wrong to him? And who is he? Wala naman akong nakakaaway bukod kay Berry,Lorie at iyong dalawang clown. Hindi kaya isa sa kanila ang gumawa non? Maaring naghire sila ng tao para patayin ako.

"Why are you crying?" JG asked me. Pinahid nya ang mga luha kong nagsisimula na namang tumulo. Nagiging iyakin na ako,ano ba yan.

"I'm sorry,JG. I'm really sorry,kundi dahil sa akin wala ka sana rito. Pasensya na." hindi pa yata sapat ang sorry ko para tumbasan ang pagbuwis ng buhay nya para sa akin.

"Stop crying. Ginusto ko ito kaya wala kang kasalanan."sabi nya ng malumanay habang nakatingin sa akin. Paano ko ba maisisingit sa utak ko na wala akong kasalanan kung ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat.

"Pero---" magdadahilan pa sana ako pero bigla nya akong pinigil.

"Ssshh. Don't say anything. I want to rest." ngumiti sya bago bitawan ang mukha ko saka humawak sa kamay ko. Ipinikit nya ang mga mata nya.

Hindi ko nalang sya inistorbo pa at inihiga nalang ang ulo ko sa ibabaw ng kamay namin na magkahawak.

Unti-unti akong pumikit para sana umidlip nang biglang may magbukas ng pinto. Iyong tipong bukas na may susuguring tao kaya naman napadilat ako at biglang bumangon.

Napadilat rin si JG sabay tingin sa mga pumasok. Napabalikwas sya ng bangon at halatang gulat na gulat sya na makita ito.

Pumasok ang isang ginang at ginoo kasama ang kapatid ni JG na si Doc Miley Chandelier. Simple lang ang damit nila kahit nasa mukha nila na may kaya sila.

"ANAK!!!" sigaw ng ginang sabay lapit nito kay JG at hampas sa likod nito. Napaaray siya pero hindi ito pinansin ng ginang.

"M-mom ,D-dad?"takang tanong ni JG na parang hindi makapaniwala sa pagdating ng dalawa.

Napatingin ako sa kanila. Sila pala ang parents ni JG. Bigla tuloy akong kinabahan. Nasa harap ko na ang parents nya,para tuloy akong dinadaga sa dibdib. Paano ko ba pakikitunguhan ang magulang nya? Parang ang awkward naman nito.

"Jusko anak ano'ng nangyari sayo ha? Loko kang bata ka bat hindi ka nag iingat."naiinis ang mukha ng daddy ni JG.

Wala akong ibang magawa kundi ang tingnan silang dalawa. Kamukha niya ang mommy nya pero ang nose nya ay nakuha sa dad nya.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon